Maagang nag-tungo si Mayor Theo sa munisipyo at agad siyang sinalubong ng mga taong kinakailangan siya makausap tungkol sa kani-kanilang mga suliranin sa bayan nang makababa siya ng sasakyan. "Magandang umaga Mayor! "Mayor Theo!" "Mayor! Mga hindi magkanda-mayaw ang mga tao sa kakatawag sa kanya kaya pormal niyang hinarap ang mga ito na may magaang ngiti sa mukha, ngiting walang bahid ng ano mang masamang ginagawa at tipong walang bahid din ng maitim na budhi. Nakasuot lang siya ng casual na puting polo shirt at pantalon suot at puting rubber shoes hindi niya naman kailangan palaging pormal lalo na madalas kailangan niyang maging cow boy sa harap ng mga tao para siya mahalin at kapalagayan ng publiko. "Magandang umaga po sa inyong lahat, paunmanhin kung ilang araw ako nawala dito sa