Chapter 1

1509 Words
Third person's POV. Huminto ang kotse ni Thunder sa tapat ng puting chapel dito sa loob ng village nila. Maraming tao sa labas, lahat ay kakilala nya. Mula sa kotse ay natanaw nya si Sanya na akay akay ni Josh. Mugtong mugto ang mata nito at parang nanghihina. Bumigat ang pakiramdam nya.  He still can't accept the fact. Bumaba sya ng sasakyan, na nanginginig. Sinalubong sya ng magulang nya na kapwa pugto ang mata lalo na si Sunshine na itinuturing ng anak si Akira at Luna. "Anak, mabuti naman at pumunta ka na, huling lamay na ngayon" Saros said in a grieving tone. "No! Hindi totoo to, uuwi si Aki" hindi nya na napigilan ang sariling magbagsakan ang luha. "Thunder, wala na si Akira. Patay na sila ni Luna" sabi ni Sunshine na umiyak na din, hindi nya napigilan ang sarili dahil alam nya kung gano kasakit ang pagkamatay ng mga asawa ng anak nya. "Hindi ko kaya ma, hindi ko kaya. God no! This is not happening please ma" humahagulgol na si Thunder. Hindi sya yung tipo ng tao na mahina but his wife is his greatest weakness. "I'm sorry anak, I can't do anything to ease your pain. Mahirap din para sakin to because both of them our like my own daughter" "Only Akira can ease this pain, so tell me how can I surpass this? Gusto ko na lang ding mamatay. Sana ako na lang" "You have to be strong for your daughter, for Celestine. Nasaan man si Akira, paniguradong hindi sya matutuwa kung makikita ka nyang ganyan" Saros Napahinto sya sa pag iyak. Damn how could he forget his daughter. Kung masakit para sa kanya ang pagkawala ni Akira, paniguradong mas malala iyon kay Celestine. She's just 6 years old. Pinilit ni Thunder na pakalmahin ang sarili nya. After a minute or two ay nagawa nyang pigilan ang pag iyak. Inalalayan sya ng magulang nya papasok dahil pakiramdam nya ay babagsak sya. Simula ng mangyari ang insidenteng pumatay sa asawa nya at kay Luna ay hindi sya makatulog at makakain. He can't accept the truth kaya ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta kung saan nakaburol ang labi nila Akira. Luna and Akira's body are both cremated dahil sa karahasan na natanggap nila ay hindi na sila pwedeng i casket. Pagpasok pa lang nya sa loob ay sumalubong na sa kanya ang amoy ng bulaklak ng patay. Napatingin din sa kanya ang ilang mga bisita. Nakita nya sa isang gilid na pilit pinapakalma ni Wendy ang anak nyang panay ang iyak at pagtawag sa namayapa nitong mommy. Napukol ang atensyon nya sa harapan kung nasaan ang jar ng abo ng asawa nya at ng asawa ng kapatid nyang si Cloud. "Luna, no no no" katulad nya ay iyak ng iyak ngayon si Cloud. Yakap yakap nito ang jar ng abo ni Luna. Cloud is truly devastated. Mahal na mahal nito ang asawa kaya hindi madali para sa kanya na tanggapin na sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala. Lumapit si Saros sa bunso nyang anak at pilit na inaalo ito. "No, please don't take away Luna from me. Hindi ko kaya, hindi!" Cloud said in agonizing voice. Napako ang tingin nya sa kulay asul na jar sa harapan nya. Akira's favorite color. Marahan syang lumapit dito at sa bawat paghakbang nya palapit dito ay nagsisimula na namang magbagsakan ang luha nya. Nanghihina nyang hinawakan ang jar ng abo ni Akira. "Aki, Aki!" humahagulgol nyang pagtawag dito. He can't do anything. Wala na ang asawa nya. Hindi na sya maririnig nito. It was supposed to be a good day but it turned to a nightmare na kahit kelan man ay hindi nila in expect na mangyayari Flashback "Done!" nakangiting sabi ni Akira pagkatapos ayusin ang neck tie ni Thunder. Mabilis namang hinalikan sa noo ni Thunder ang misis. "Thank you love" sabi nya dito. "Tara na, may school pa si Celestine at may pasok pa tayo. Handa na ang breakfast sa baba" Akira said bago lumabas ng kwarto nila. Sinundan naman ni Thunder ang asawa at nagtungo sila sa hapag kainan. "Good morning mommy and daddy!" masiglang bati ni Celestine sa magulang nya. Naka uniform ito dahil nag aaral na to ng kinder. Hinalikan ni Thunder sa ulo ang anak bago kinarga ito at inupo sa kandungan nya. "Good morning too princess. Ready for school?" tanong nya sa anak. Nakangiti namang tumango si Celestine. "Yes daddy, super excited ako sa mga natututunan ko" Celestine. "Good girl. O sige na kumain na tayo. Bumaba ka na dyan kay daddy at baka ma late ka pa" sabi ni Akira habang kasalukuyang inaayos ang kakainin ng anak nya. That breakfast went well, masaya silang nagkukuwentuhan. Hinatid muna nila si Celestine bago nagtungo sa opisina.  Busy si Thunder sa ginagawang business proposal kaya hindi nya napansin ang pagpasok ng misis nya. "Mukhang super busy mo love" Akira said kaya gulat na napatingin sa kanya si Thunder. "Sorry, may inaayos kasing partnership ang HFC at S&M doon sa isang company sa europe. Big client to kaya hindi dapat makawala. Chance na natin to, to expand in that continent" sabi ni Thunder. Tumayo na sya at lumapit sa asawa. He pulled her into a back hug. Sinandal nya ang baba nya sa balikat nito. "Hmm ang bango talaga" sabi ni Thunder kaya natawa si Akira. Umikot si Akira to face his husband. "Ikaw talaga, by the way. Maaga tayo mag out mga 5 pm si Celestine kasi nagyayaya na kumain sa labas. Pwede na din tayong manuod ng movie since weekends naman bukas at walang pasok ang bata. What do you say?" "Sounds great! Masyado ng nakakapagod at nakaka stress ang pagtatrabaho. We need to unwind atsaka baka nagkukulang na tayo kay Celestine. Dapat bumawi tayo" Thunder. Napangiti si Akira. He's a good husband and a very good father. Nahinto lang ang paglalambingan nila ng may kumatok. Pinapasok naman iyon ni Thunder. It was Luna and Cloud. "Kuya! Aki!" bati ni Cloud. "What brought you here?" nakasimangot na tanong ni Thunder. Nahinto kasi ang paglalambing nya sa misis nya. "Ito naman, hindi mo ba ko namiss?" pangungulit ni Cloud. "Hindi" plain na sagot ni Thunder kaya natawa si Luna at Akira. "Whatever. Handa na ba yung business proposal mo for Mr. Ricci?" tanong ni Cloud. Mr. Ricci is the big client from Europe "Tapos na, finishing touch na lang. Why?" Thunder. "Nandito pala sa pilipinas yung matandang yun, bigla biglang nagpa appointment ngayong 2 pm para makita yung proposal natin" nanlaki naman ang mata ni Akira at Thunder. "What? Agad agad?! Fck!" Thunder said at nagmamadaling pumunta sa table nya to check the proposal he made. Tumabi naman si Cloud dito. "Love" tawag ni Akira Tumingin sa kanya si Thunder. "Diba may meeting ka with Mr. Okinowa at 2 pm?" sabi ni Akira. "Damn it!" Thunder cursed bago napahawak sa sentido nya. Mr. Okinowa is their prospective supplier dahil sa ganda ng mga material nito. "Kung gusto mo, ako na lang ang makikipag meeting. I can handle him" nakangiting sabi ni Akira. She knows na nai stress at pagod na ang asawa nya. "Okay lang ba?" Thunder asked. "Oo naman" "Sasamahan ko na lang si Akira, kaya wag ka ng mag alala Thunder, kaya namin i close yun" Luna said. "Ayun, tama wife samahan mo na lang sya since kami naman ni kuya ang magkasama" Cloud. "Well, mukhang ganun na talaga. Salamat love, thank you Luna" Thunder said. Around 3 pm natapos yung meeting nila with Mr. Ricci at sa kabutihang palad ay na close nila ang deal. "Buti naman, at napapayag natin si tanda. Nakarating na kaya si Luna at Aki?" tanong ni Cloud. Nagkibit balikat lang si Thunder. Dahil sa subsob sa trabaho at nagpaplano sila magkapatid ay hindi nila napansin na pasado alas singko na pala. "Where the f**k are they?" si Thunder ang unang nagsalita. He started to feel uneasiness dahil dapat kanina pa nandito si Luna at Akira. "Nakapatay ang cp ni Akira, hindi naman sumasagot si Luna. Kinakabahan na ko" saad ni Cloud na nagpapalakad lakad na habang panay ang pagtawag sa cp. Ganun din ang ginawa ni Thunder. Tinawagan nya ang cp ni Akira pero nakapatay iyon. They waited hanggang mag alas sais na. Nagpasya na silang maghanap na. Palabas na sila ng hospital ng salubungin sila ng umiiyak na si Gina. "No" yun na agad ang nasabi ni Thunder dahil binalot na ng kaba ang kabuuan nya. "A-anong nangyari Gina" Cloud. "Sir Cloud, Sir Thunder. Dead on arrival na po sila Ma'am Luna and Ma'am Akira" humagulgol na ito. Napahawak sa mesa si Cloud. "What the f**k are you saying?!" sigaw ni Thunder, hindi nya alam ang gagawin parang anytime ay babagsak sya. End of Flashback Luna and Akira was assassinated ayun na din yun sa report. Their car was shot countless of time. Nung masiguradong patay na ang dalawa ay sinunog ang kotse kasama silang dalawa. That is the reason kaya pina cremate agad ang bangkay nila halos hindi na makilala ang dalawa kung hindi lang sa suot nitong damit at wedding rings. Napaluhod si Thunder sa harap ng puntod kung saan nilibing si Akira. Sya na lang ang naiwan dito. "Aki, if this is a bad dream, please wake me up. Hindi ko kaya love. Hindi ko kaya na wala. Hindi ako sanay na wala ang magaganda mong ngiting sumasalubong sakin sa umaga. Mon soleil please don't do this to me. I need you" umiiyak nyang sabi. Tila nakikisabay sa kanya ang langit dahil bumuhos din ang malakas na ulan. "Love, come back to me please"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD