Nagmamadaling makasakay ng bus si Miguel. Tinext siya ng boss niya at pinasasama siya sa site sa Cavite. Alas onse na pala ng gabi. Alas dose nila ikakabit ang iba pang wiring sa building. Ganoong oras talaga sila gumagawa para walang istorbo sa ibang establisyementong katabi o sa building mismo. Tatlo lang sila ng kasamahan niya sa trabaho ang gagawa kaya kailangang nasa oras ang pagdating niya. Pumunta na rin siya tutal nakapagpahinga na rin naman siya kanina. Nang makasakay, kaagad siyang nagpasak ng earphone dahil naboboring siya sa biyahe. Pagdating sa destinasyon, agad siyang pumara ng tricycle, dahil malapit na lang naman. Tinext na rin ng boss niya ang address. Pagkarating sa lugar, nagtaka siya dahil madilim pa rin. Tsinek niya ang orasan sa cellphone, 1:30am na pala. May bangga