Final walk 11

211 Words
Nasa loob ako ng kwarto at nandito din si Theo hindi daw kasi siya makatulog kaya iniistorbo niya ako. Ewan ko ba sa lalakeng to gabing gabi na kung ano ano nanaman ang napagtitripan. "Hanggang ngayon hindi parin makapakali sina tita dahil hindi parin talaga nahahanap si Ate Eleftheria," biglang sabi niya habang nakahiga sa kama ko at nakatingala lang sa ceiling. Nilingon ko siya dahil saktong kakatapos ko lang din magblower ng buhok ko atsaka ako umikot ng upo at tuluyan ng humarap ng upo sa kinaroroonan niya. "Wala bang kahit anong magandang balita man lang galing sa lahat ng mga inatasan ng reyna?" kunot noong tanong ko Matagal tagal narin na nawala si ate Eleftheria kaya nakakapagtaka na wala parin kahit sino o anong pwedeng magturo kung nasaan siya. "Wala e, ang mahirap din kasi hindi pwedeng magtanong tanong pasekretong pupunta sa iba't ibang lugar ang mga tauhan nila tita dahil hindi naman nila pwedeng ipakita ang litrato ni ate at itanong tanong dahil sekreto ang ginagawang paghahanap sakanya and Ate Eleftheria was never been exposed to anyone na labas sa palasyo o pamilya," kahit ako ay napapaisip at nasistress narin sa nangyayari. Nasaan kaya siya? Sa totoo lang ang hirap din talaga na hanapin ng taong ayaw magpakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD