Final Walk 10

249 Words
"Nahanap na ba si Ate Theria?" Lumingon saakin si Rietta ng itanong ko iyon. Dalawa lang kami na nandito sa rooftop ngayon dahil bumaba muna sina Agatha para bumili ng pagkain. "Hindi pa rin eh, pero pinapalibot na nila tita ang buong lugar kahit ang mga hindi na sakop ng empire," kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya ng sabihin iyon Si Ate Eleftheria na kasi ang nagsilbing nakakatandang kapatid kela Rietta at Theo, malapit sila sakanya dahil noong mga bata pa sila ay halos siya na ang nagbabantay sa kanila at nagtuturo. Lagi siyang nakaguide sa kanilang dalawa at kapag may problema sina Theo at Rietta sa mga presentations at royal classess nila ay sakanya ang takbo nila kaya naiintindihan ko ang pag-aalalang nararamdaman ni Rietta ngayon. "Mahahanap din si Ate Theria, tiwala lang," sabi ko saka lumapit sakanya at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapalingon siya saakin kaya naman ay nginitian ko siya na kinangiti din niya pabalik saakin. "Thank you Lore," tumango lang ako sakanya at sakto naman na dumating na rin sina Thyra. "Yung usual order niyo na ang kinuha namin," imporma ni Jasmine na tinanguan lang namin "Thank you," sabi namin sa kanila. Hindi na kami sumama sa pagbili nila ng pagkain dahil napansin kong tila wala sa mood si Rietta na maglakad lakad o pumunta kung saan dahil ang lamya din niya ngayon na sa tingin ko ay napansin din ng iba kaya nagvolunteer na silang sila na ang bibili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD