Final Walk 8

335 Words
Saturday ngayom kaya nasa bahay lang ako, magpapahinga lang dapat ako dahil hindi pa naman masyadong busy sa school ng may biglang sumulpot na lalake sa kwarto ko. "Wala ka bang balak gawin ngayong araw? O balak puntahan?" tanong niya habang nakahiga sa tabi ko "Meron," seryosong sabi ko kaya naramdaman ko siyang tumagilid para tignan ako dahilan para mairap ako. Actually meron naman talaga, balak kong matulog magdamag kung hindi siya dumating. "Talaga? Why didn't you tell me? Ano yun?" curious niyang tanong kaya tumagilid ako ng higa kaya ng ginawa niya para humarap sakanya at tinignan siya sa mga mata bago sumagot. "Matulog! Kaya lumayas ka na dito sa kwarto ko Theooooo!" gigil na sabi ko habang kunwaring nakatingin ng masama sakanya na kinatawa naman niya saka ko naramdaman ang kamay niya sa bewang ko kasabay ng paghila niya saakin papalapit sakanya. Ngumiti siya saakin ng magkalapit na kami habang nakatitig sa mga mata ko ng diretso bago niya inangat ang kamay niya sa buhok ko atsaka iyon ginulo ng kaunti bago siya bumalik sa pagkakahiga ng maayos atsaka ako pinaunan sa braso niya. "Matulog ka na." sabi niya habang inaayos ang kumot na nakataklob saamin bago siya pumikit. "Gigisingin nalang kita mamaya for lunch," dagdag pa niya habang hinahagod ang likod ko gamit ang kamay niya kung saan ako umunan dahil nakatagilid parin ako at nakatingin sakanya. Umayos naman ako ng higa at umunan ng din ng maayos sa braso niya saka ako pumikit. This feels so comfortable kaya agad din akong nakatulog pero bago pa ako tuluyan na lamunin ng pagkakatulog ko ay naramdaman kong tila may dumampi sa noo ko. "Sleep well, my princess," I heard Theo whispered. Hindi ko alam pero para akong may naramdaman na kung ano sa tiyan ko after hearing what he called me. 'My princess' Hindi ko na alam kung totoo yun o guni guni ko lang dahil tuluyan na akong nakatulog at hindi na maalala kung may sunod pa ba siyang ginawa o sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD