Final walk 25.1

1399 Words
May nakareserve na na table para saamin ng makapasok kami sa restaurant ng resort na kinaroroonan namin. Walang gaanong katao tao kaya hindi ganon kagulo at kaingay ang paligid. May nag-assist din saamin hanggang sa makaupo na kami and if I heard it right siya ang manager dito. "Give us your best sellers," si Theo na ang nag-order para saaming lahat. Tumango naman ang waiter na nasa tabi ng manager saka naglista "Is there anything you need, young majesty?" tanong pa nito kay Theo "May gusto pa ba kayo?" tanong naman ni Theo saamin na inilingan lang namin dahil baka hindi rin namin maubos ang mga iseserve mamaya "Are you sure babe?" paniniguro niya saakin na nginitian at tinanguan ko lang "Okay then no more," hindi nakatakas saakin ang nagtatakang tingin ng babaeng manager sa gawi ko sabay balik ng tingin kay Theo na nakaakbay na saakin ngayon habang nag-uusap sila nila Rietta. Hindi na ako magtataka kung makakalat na sa buong restaurant na to ang isa nanamang balita dahil for sure narinig din nawaiter na katabi niga iyon kaya napalingon din iyon sa gawi ko kanina. Umalis narin naman na sila matapos masigurong wala na kaming kailangan Ang galing lang na ang bilis ng galaw ng mga tao dito dahil habang nag-uusap usap kami ay di namin namalayan na dumating na ang ilang cart ng pagkain at sinerve iyon saamin. Everything looks good "Mauubos ba natin lahat ng to?" Rietta asked ng makita kung gaano karami ang nasa table namin "Yes, we have to besides aren't you all hungry after that long boat ride earlier?" tanong ni Ate Z na mukhang hanggang ngayon ay pagod na pagod parin "I actually am! Super!" walang pag alinlangan na sabi ni Irene kaya natawa kami Nagsimula naman ba kaming kumain habang nag-uusap "What's the plan for later?" tanong ni Jasmin "Bonfire?" suggestion ni Agatha "That's cool plus games and drinks!" excited na sabi ni Irene "Atsaka ang ganda ng langit ngayon perfect for star gazing," sabi naman ni Jasmin "I can't join you guys tonight, so go have some time together muna, I'm so exhausted plus I had an emergency meeting to attend baka susunod rin ako kung hindi ako makatulog," sabi naman ni Ate Z Hindi na namin siya kinulit dahil mukhang urgent nga talaga yung meeting na kailangan niyang pasukan mamaya. Kahit anong iwas talaga sa trabaho ay kailangan siya, ofc she is the president of the company at lalo ngayon na may mga nagiging problema sa company lately kaya sobrang busy niya that makes us all so worried dahil baka ikasakit pa niya ang sobrang pagod though sometimes dad's still helping her dahil ayaw rin nila mama na i-asa lahat kay Ate ang mga gusot na nangyayari "Don't drink too much later," bulong saakin ng katabi ko "Well it depends, but i'll try," kibit balikat kong sabi Hindi naman na siya nagsalita Pagkatapos namin kumain ay bumalik na muna kami sa mga kwarto namin para magpalit dahil mag na-night swimming rin kami. I am now wearing a red two piece and a black cover up Sa may tabing dagat na kami nagkita kita kung saan kami mag-bo-bonfire ay halos sabay sabay rin naman kaming dumating Sina Irene at Theo na ang bumili ng inumin kaya sila ang huling dumating "It's party time!!" sigaw ni Irene saka nilabas din ang speaker na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung kailan niya binitbit dahil hindi ko iyon napansin kanina Agad naman siyang nagpatugtog ng kung ano anong kanta saka kami inabutan ng inumin lahat na agad naman naming tinanggap "So anong lalaruin natin?" tanong ni Agatha "Never have I ever!" sagot naman agad ni Irene We all know that game, kung sino man saamin ang nakagawa na ng sasabihin ng kung sino saamin ay siyang iinom "Ako na magsisimula, never have I ever like someone," agad naman na uminom sila Irene, at Theo kaya agad akong napalingon sa katabi ko. Kailan pa may nagustuhan ang isang to? Si Irene aware kami na yung childhood friend niya ang tinutukoy niya but Theo? "What? Who?" nagtatakang tanong ko sakanya "Ay si girl di aware," natatawang sabi ni Irene "I'll tell you later," bulong ni Theo saakin Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba at agad na nawala sa mood pero pinilit ko na huwag ipakita iyon sa mga kasama ko dahil ayaw kong masira ang gabi na to dahil lang sa hindi ko malamang dahilan "Never have I ever kiss someone," sabi ni Agatha Hindi ko na naisip ang sasabihin ng mga kasama ko basta ko nalang tinungga ang hawak kong bote "Woah!" rinig kong reaksyon ni Irene ng sabay kaming uminom ni Theo "Never have I ever hide something from anyone," tinungga ko rin ang hawak ko hanggang sa maubos iyon "Lore dahan dahan lang," rinig kong sabi ni Jasmin, tumayo naman ako saka kumuha bg panibagong bote "Lagot ka," rinig kog pang sabi ni Irene na nasa tabi ni Theo "What?" naguguluhan ang boses na tanong ni Theo "What what'in kita dyan, bakit kasi dimo sinabi sinong gusto mo?" bulong pa nito pero rinig ko parin psh "You know why," ahh so may tinatago sila saakin? okay "NEVER HAVE I EVER KEEP A SECRET TO MY BEST FRIEND," sabi ko saka diretso ang tingin sa mga mata ni Theo Napaiwas naman siya ng tingin si Theo saka tinungga ang hawak niya Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis kaya lumipat ako ng upo sa tabi ni Rietta "Are you okay?" tumango naman ako atsaka ngumiti sakanya to assure her that I'm fine "He just can't say it for now but he will soon, just wait for him," malumay niyang sabi saka ako inakbayan at niyakap mula sa gilid "He said later but I don't feel like talking to him for now, we swore not to hide anything from both of us," pag-amin ko kay Rietta sa dahilan ng inis ko ngayon "Well babe, there are things that aren't easy to say," nakangiti niyang sabi "I know babe, anyway mauna na siguro ako sainyo, honestly I feel like I'm getting unwell dahil narin siguro sa pagod kanina," paalam ko sakanya "Sure! Take a rest first may bukas pa naman, rest well babe, I love you!" - Rietta "I love you too, enjoy the rest of the night," sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi "Guys medyo sumasama pakiramdam ko, sorry pero mauna na muna ako sainyo, I need to rest for tomorrow," paalam ko sa kanila saka humalik din sa pisngi ng iba maliban kay Theo na nilagpasan ko lang ni hindi na ako nagpaalam sakanya at dire-diretsong naglakad pabalik ng kwarto ko Pagsakay ko ng elevator ay agad ko iyong sinara ng makitang papasok din si Theo I don't want to talk to him right now. Pagbukas ng elevator ay agad naman na akong dumiretso sa kwarto ko pero bago ko pa iyon masara ay naharangan na iyon ni Theo atsaka siya nauna pang pumasok saakin "Don't be like this babe, wag mo naman akong iwasan," I can see that he's tearing, and hurting "We swore Martin, we swore not to hide things and I don't know why am I even sulking over that thing, by just knowing that you like someone!" frustrated kong sabi "She's not just someone Lore, she's my everything," hindi ko alam pero tila sumakit ang dibdib ko dahil sa narinig "So? I don't care! Now get out of my room bago pa kita pwersahang palabasin. Ayaw kong marinig ang kahit ano tungkol dyan sa baba—" "It's you," pagputol niya sa mga sasabihin ko habang diretso ang tingin sa mga mata ko "What do you mean?" kunot noong tanong ko "It's you Lore, the girl that I like, It's you," pagpapaliwang niya sa sinabi kanina "What? I mean how? Since when? Why didn't you tell me then?" hindi ko na alam ang irereact at ang itatanong dahil hindi ko rin makita sa mga mata niya na nagsisinungaling siya "I don't know how to tell you everything, I don't know when it started and such all I know is I fell for you Lore, fell real hard, and I like you," matapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumayo saka hinawakan ang pisngi ko na kinapikit ko "And I want you only for myself love," sabi niya saka ako hinalikan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD