Final walk 14

238 Words
Nagulat ako at nagising ng may biglang tumunog na telepono mula sa bedside table ko. Nilingon ko muna ang katabi ko na tulog mantika na tila walang naririnig. Tss Martin Theoden. Hindi ko alam kung bakit naisipan naman niyang matulog ulit dito. Nabalik ako sa ulirat ng tumunog nanaman ang telepono, it's his. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nagulat ako ng naka 5 missed calls na si Rietta kaya dali dali ko yung hinablot at sinagot "Hello! What happened?" natataranta kong tanong dahil sa pag-aalala Mukhang naramdaman ni Theo ang bigla kong pagbangon kaya nagising din siya [Lore whay ar–nevermind...Where is Matheo? I need him here ASAP! It's about ate Thalassa, 911 Lore!] iyon lang at agad na niyang pinatay na tila pa natataranta parin "Sino yun?" napalingon ako kay Theo at sinisync in pa sa utak ko ang mga sinabi ni Rietta dahil sa bilis ng pagsasalita niya "OMG!!" napatakip ako sa bibig ng marealize. Nahanap na ba si Ate Eleftheria? Pero anong, bakit emergency? "Bakit? Ano—" naguguluhan na tanong ni Theo na hindi ko na pinatapos "PUMUNTA TAYO KAY RIETTA NGAYON NA, 911! EMERGENCY! BILIS!!!" mabilis naman na siyang bumangon saka nagpalit at ganon din ako saka kami nagmadaling lumabas. Buti nang at dala niya ang kotse niya ngayon kaya hindi na namin kailangan dumaan muna sa bahay nila. Baka magtaka rin sila tita dahil dis oras na ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD