Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang alarm mo, pakiramdam ko di pa ako natutulog, tila ba kakapikit ko lang tas gising na agad. Kinakabahan talaga ako.
"Rise and shine babe!" napalingon ako sa pintuan ng banyo ko ng lumabas doon si Theo
Dito nga pala to natulog
"Ganda ng gising a," porket di na kailangan mag-exam para makapasok sa Taverna e.
Automatic na kasi na once kasali ka sa Royal family, automatic na na pasado sa Taverna dahil may mga extra classes sila gaya ni Henrietta, home classes so Taverna's already confident na makakaya na nila na panatilihin ang magandang grades sa university.
"Syempre alangan namang kabahan ako hindi naman ako ang mag-e-exam," asar pa niya lalo
"Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising Mr. Theoden," sinamaan ko siya ng tingin matapos sabihin iyon
Tinaas naman niya ang dalawang kamay saka natatawa
"Di naman halatang kabado ka Ms. Lorelei," mas lalo siyang natawa matapos sabihin iyon
He really knows me well
"Sino ba naman ang hindi kakabahan, hindi kaya madaling makapasok sa Taverna, jusko ka." parang gusto kong tahiin ang bibig ni Theo dahil hindi na matigil tigil sa kakatawa
"Umalis ka sa harap ko Theoden, masasapok kita," banta ko kaya mabilis naman siyang tumakbo palayo
"Mama si Lorelei sasapukin daw ako!" sumbong niya kay mama kaya napailing iling nalang ako atsaka naligo