Final walk 35

1048 Words
Nasa isang event party kami, an engagement party to be specific. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat, hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang lahat "May I have your attention, ladies and gentlemen?" Agad naman kaming napalingon kami kay mama ng kunin niya ang atensyon ng lahat gamit ang wine glass at kutsarang hawak niya na pinagtama niya ng mahina, sakto lang para lumikha iyon ng tunog. Ito na? Is this the part kung saan nila iaanunsyo ang relasyon namin ni Theo? Nagkatinginan naman kami ni Theo kung saan niya ako binigyan ng reassuring smile na ginantian ko lang din iyon ng ngiti. Hinawakan naman niya ang kamay ko saka pinagsiklop iyon sakanya dahil nararamdaman niya na tila ba kinakabahan ako Ngunit bago paman makapagsalita si mama ay biglang kumalabog ang pinto ng kinaroroonan namin at niluwal nun ang isang babae na may hawak na bata. Hindi ko alam kung sino siya dahil hindi ko siya kilala at never ko pa siyang nakita sa kung saan. "Lexie?" Kunot noong tanong ni Theo habang nakatingin sa babae at sa bata na hawak nito, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan "You know her?" Inosente kong tanong na tinanguan lang niya, at wala ng ibang sinabi kung hindi iyon lang "Bumaba ka dyan Martin Theoden! Harapin mo ako! Tama na ang pagtakas Matheo!" lahat kami ay nabaling ang atensyon kay Theo dahil sa sinabi ng babae, nagugulahan at hindi alam ang irereact iyab ang nararamdaman ko ngayon at alam kong pati ng mga kasama ko ay ganon rin "What is the meaning of this?" naguguluhang tanong ng mommy ni Theo "Ang anak niyo lang naman ho ang tatay nitong batang dala ko at ilang taon na niya akong iniiwasan para takasan ang responsibilidad niya!" para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Galit na galit iyon na sinigaw ng babae sa harapan mismo ni Mommy at saka kami binalingan ng tingin ni Theo ulit "NAGPAPAKASAYA SA PILING NG BABAENG YAN HABANG KAMI NG ANAK NIYA AY NAGDURUSA!!" sigaw pa nito, hindi ko na alam, ayaw ko ng marinig pa ang ibang mga sasabihin nito dahil pakiramdam ko ay nadudurog ako sa mismong kinatatayuan ko ngayon "What? Lexie don't lie! You know that's not true!" hindi makapaniwalang sigaw ni Theo saka ako hinarap ng may nagsusumamong tingin ang mga mata. "Hindi ako nagsisinungaling at ito ang proweba na may nangyari saatin!" Pinakita saamin ni Lexie ang telepono niyang naglalaman ng litrato nila ni Theo na magkasama sa isang hotel. "Get that woman out of here!!" hindi magkandauga-uga na sigaw ni Theo na agad naman sinunod ng mga gwardya. "No please don't, huwag niyo siyang hahawakan baka masaktan niyo siya," umiiyak kong sigaw saka bumaba ng entablado. Sinubukan akong pigilan ni Theo pero nilayo ko ang kamay ko mula sakanya saka nilapitan ang babae at ang kasama nitong bata. "Totoo ba?" tanong ko kay Lexie habang nakatitig sa batang lalake na kasama niya. Nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Theo, ayaw ko mang paniwalaan o tanggapin pero parang sinasampal saakin ng pagkakahawig ng bata at ni theo ang katotohanan. "O-opo Miss D-diana" sabi nito saakin "Can I ask you a favor?" hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko habang kaharap siya. "A-ano po iyon?" I bet she doesn't know my relationship with him. "Can you take good care of him for me? Please be a good wife to him," naguguluhan man ay tumango naman siya. "I wish you all the best," huling sinabi ko saka lalabas na sana ng may biglang humawak ng kamay ko. "Baby p-please," inayos ko ang sarili ko atsaka ako huminga ng malalim bago siya hinarapan ng nakangiti at dahan-dahan na binawi ang kamay ko sakanya. "Please be a good father and husband to them, f-for me," sabi ko saka siya niyakap sa huling pagkakataon. "Kahit sino pa ang magdesisyon para sa kinabukasan natin kung hindi tayo ang nakatadhana para sa isa't isa ay wala na tayong magagawa pa doon dahil mahirap ilaban ang bagay na hindi nakatadhanang mangyari," huling sinabi ko bago humiwalay sakanya at tumakbo palabas habang walang tigil na tumutulo ang mga luha ko. Naririnig ko ang tawag saakin ng mga kaibigan ko pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Hindi sapat na dahilan ang nagkasama kami mula pagkabata at tila tinadhana kami ng mga magulang namin para kalabanin ang totoong nakahanda para saamin at nakatadhana para sakanya Iyak lang ako ng iyak habang patuloy parin sa pagtakbo hanggang sa biglang bumuhos ang ulan at nagiging blurry na ang paningin ko dahil narin sa pag-iyak "Lore! Lore!" "Baby?" "Lorelei!" Dumilat ako ng marinig ang boses ng mga kasama ko "Lore! Are you okay!?" naguguluhan akong umupo at tumingin sa mga kasama ko It was a dream, no a nightmare "Nagulat kami na bigla ka nalang umiyak at tila may sinasabi pero hindi namin iyon maintindihan dahil murmur lang yun," nag-aalala na sabi mi Jasmin "Did you had a nightmare babe?" nabaling ang atensyon ko kay Theo na nakatingin ng diretso saakin na puno ng pag-aalala ang mga mata Nakatitig lang ako sakanya habang inaalala ang panaginip ko, hindi ko alam, hindi ko alam pero nasasaktan ako sa isiping may ibang babae na nakatandahana sakanya, na ibang babae talaga ang para sakanya Magkaibigan lang kami, iyan ang pinaghahawakan ko, iyan ang alam ko, iyang ang totoo pero bakit ganito? Bakit ako nakakaramdam ng sakit sa mga bagay na hindi dapat "It's n-nothing," pag-iwas ko ng tingin sakanya saka binalingan ang mga kasama ko What is the meaning of that dream? Is it a sign? A warning? "It's just a bad dream," nakangiti kong sabi, nakita ko naman na nakahinga sila ng maluwag ng mapansin na okay lang ako "What was it about? Naaalala mo ba?" Rietta asked Umiling naman ako "I don't know, I can't, sorry, it was all blurry and I don't know why am I even crying," sabi ko saka pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko ng hindi ko namamalayan, maybe it really hurts that much to see him with someone else and I don't know what to do if that dream will come into reality, I don't know if I can handle it
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD