Kiss . . IT'S FRIDAY afternoon today. Bonding lang kami ni Mama. Beauty bonding ika nga, salon at derma. Hindi mawawala sa routine ni Mama ang ganito kaya nikikisabay na ako. . Nasa isang exclusibong salon spa kami. Miyembro na si Mama rito, kaya kakaiba na ang seat niya, nasa VIP na. We're both in a VIP area at iilan lang ang nakakakuha ng ganitong amenities dahil limitado lang. . Habang nasa massage room area si Mama ay pinaayos ko naman ang buhok ko. A little bit of trim, treatment and colour too. Kilala na rin nila ako. Pangatlong beses na kaming pabalik-balik dito sa loob ng isang buwan. Nakakaloka ang Mama ko! . Pinakulayan ko lang ang buhok ko, dark brown. Ito na kasi ang kulay na meron ako. My face is covered with a face towel while I'm having a quick nap. I'm not really s