Date . . The typical routine of Dr. Eric James Saavedra. Nakangiti kong binasa ang name plate niya sa lamesa. Naglilinis kasi ako sa loob at inayos ko ang iilang gamit niya. He doesn't have much stuff inside, ni wala nga siyang litrato rito sa loob. Napansin ko rin ang maliit na pen holder niya sa gilid na hugis aso. . Ngayon naalala ko na kapareha ang desenyo nito sa maliit na aso sa dashboard ng sasakyan niya. Kung titingnan mo ng mabuti, it's from a charity token gift. Maingat ko itong kinuha at tiningan. I'm trying to find a trademark in where its made. If it is a handmade or what. Pero wala, kaya ibinalik ko na lang. . May iilang gamit siya na nasa mesa, mga papel. Niligpit ko ito at binuksan ang kaliwang drawer niya sa ilalim. Ilalagay ko na sana nang may napansin akong isang