RUSSELL Napuno ang kwarto ko ng iyak namin ni Tristan. Hindi ko akalain na gano'n niya ako kamahal kayang umiyak sa harapan ko maniwala lang ako sa kaniya. Kaya niyang makiusap at magkaawa, lumuhod para sa pagmamahalan namin. Gayunpaman naiintindihan ko siya inunawa ko. Pinanghawakan ko ang pangako niyang a-ayusin niya 'yon at papatunayan sa akin na hindi siya ang ama noon. Nanatili kaming magkayakap napipikit na rin ako habang nakayupyop sa balikat niya. Ang luhang pumatak sa aking pisngi ay unti-unti nang natutuyo. Ang kaninang hinanakit ko sa kaniya ay nabawasan na. Ang unfair lang dapat nagtatampo pa ako ngayon pero hindi ko rin kayang hindi siya patawarin. Nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan. Hindi ko alam hanggang saan kami dadalhin ng pagsubok na ito sa amin.Pero iisa l