TRISTAN After three years... Ipinilig-pilig ko ang aking ulo paggising kinabukasan. Madaling araw na ako nakauwi at ilang oras pang naiidlip dahil galing ako sa Soltero disco bar, pag-aari namin magkakaibigan. Ibinigay na namin kay Scott ang pag-ma-manage noon at may kaniya- kaniya na rin kami mga sari-sariling mga business. Graduate kasi si Scott ng HRM kaya rito na namin ipinaubaya. Mas lumaki ngayon at gumanda ang Soltero disco bar. Kalokohan iyon ni Callum gano'n ang pangalan dahil nga raw mga binata pa kami kaya iyon ang ipinangalan idagdag pa na habulin daw kami ng mga babae. Ayaw ko sanang uminom dahil maaga akong uuwi sa farm ni Lola Constanscia, ngunit ang gago kong kaibigan na si Callum, ay may problema sa babae. 'Tss' ang mga babae dapat hindi seryosohin dahil sasamantalahin