TRISTAN "Daddy...?" "Daddy ko," muling niyang tawag sa akin. And after giving me a fleeting glance, my son hurriedly come closer to me and disregarded his grandmother's call for him. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa aking dibdib ng sandaling 'yon. Lalo na ng walang pagdadalawang isip kumandong ang anak ko sa mga hita ko at kaagad yumakap sa aking baywang at doon sumubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Napasinghap ako at yumuko upang halikan ang kaniyang ulo. Paulit-ulit ko iyon ginagawa upang malunasan ang tatlong taong hindi ko siya nakasama habang masayang nakangiti, I savor the moment na yakap ko ang aking anak. Pinakikinggan ko ang paulit-ulit niyang pagtawag ng 'Daddy' sa akin. Ilang minuto kami nasa gano'n ayos ng anak ko. Hanggang ito ang kusang umalis sa pagkakasubsob sa