RUSSELL "Biro ko lang iyon Del Rosario, oi," kuhit ko pa sa braso niya. Malakas ito humugot ng hangin sa dibdib pagkatapos ay tamad akong tiningnan. "I'm sorry kung nasungitan kita. Hinding-hindi na kita pakakawalan," wika nito sa medyo kalmado nang boses. Napaingos ako. "Masyado kang seryoso. Paano kita bre-break kung hulog na hulog na ako sa'yo," pinisil ko pa ang mukha niya. Nawala na ang salubong niyang kilay at medyo nakangiti na. "Baba na lang tayo gusto ko ng magpahinga," wika ko ulit sa kaniya. Alalay niya pa rin ako papasok sa loob ng bahay. Pinagtalunan pa namin bago lumabas ng sasakyan na kakargahin niya na lamang ako pero mahigpit ko iyon hinindian dahil iniisip ang mga tao sa loob ng mansyon. Kahit na ba alam kong sa oras na ito ay mga tulog na ang mga iyon, pero naninigur