Chapter 15: Rise of Darkness

1071 Words
Castor POV Ang buong akala ko ay ako na lang ang natira sa lahi namin, ngunit kanina, nalaman ko na may kalahi pa pala akong nabubuhay, ang aking mga magulang na akala ko ay patay na, naroon at inililigtas ng mga ajouga sa tulong ng Old Elf. Hindi ko inaasahan ang lihim na gumulat sa akin. Humarap ako sa salamin, nagtataka kayo dahil may reflection ako, tao pa rin ako, ang kalahating ako may reflection sa salamin. Sinalat ng aking daliri ang marksa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang nakaguhit dito, kulay itim ito at umiinit sa tuwing makakaramdam ako ng kirot sa loob ng aking katawan. Nag flashback din sa aking isip ang sinabi ni Old Elf tungkol sa wagas na pag iibigan ng Infinity at ng Knight nito. Kami ni Oceane ang nakatadhana sa isa't isa May kung anong saya akong naramdaman. Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Oceane, ang akala ko ay hanggang pagiging magkaibigan na lang mauuwi an gaming pagtitinginan. Kami pala ang nakatadhana, kami ang sinasabi ng propesiya. Muli habang iniisip ko ang magiging kinabukasan namin ni Oceane, naramdaman ko na naman ang kirot. Napaupo ako sa kahoy na sahig ng aking silid. Pinagpawisan ako ng malamig, ang aking hininga ay kinakapos na. Ang init na dumadaloy sa aking katawan ay parang nagsasamasama sa aking marka sa dibdib. Ilang minute pa na ganito kasakit ang aking maramdaman siguradong hindi ko na kakayanin pa. Oceane POV Nagpapahinga ako sa aking silid at nagbabasa ng libro ng maramdaman ko ang kakaibang aura sa loob ng bahay. Hindi pamilyar, kakaiba, parang nagtatago ito at gustong makawala. Saan nanggaling ang aura na iyon Paglabas ko ng silid, nakita si lolo sa harapan ng silid ni Castor, nagmamadali itong pumasok doon, ako naman ay tumakbo na rin papasok sa silid ni Castor. Pagpasok ko sa loob, nakita ko si lolo na pinipigilan ang aura na kumakawala sa katawan ni Castor, malakas na enerhiya ang parang tumataboy sa amin palayo kay Castor. Itinukod ni lolo ang kanyang tungkod sa sahig at may liwanag na mapapansin dito, palaki ito ng palaki ngunit hindi na ito makalapit kay Castor, para bang pinipigilan ng aura ni Castor ang kapangyarihan ni lolo. Agad kong nilapitan si Castor kahit hirap akong lumapit sa kanya, nahawakan ko siya sa kamay, hindi pa rin tumitigil ang pagwawala ng aura niya, siya naman ay walang tigil sa pagsigaw na para bang sobra siyang sinasaktan, pa para bang tinotorture siya ng hindi namin nakikita. Sa sobrang lakas ng enerhiya ay nasira ang silid ni Castor, sira ang dingding nito kaya naman kitang kita ng lahat ng hayop sa gubat ang nangyayari kay Castor. "Apo, kailangan mong pakalmahin si Castor, hindi maaring malaman ng Dark Lord ang tungkol sa kanya." Sigaw ni lolo "Bakit po?" tanong ko naman "Sige na, sundin mo ang sinasabi ko, pakalmahin mo siya." Kahit naguguluhan ako sa sinasabi ni lolo, pilit kong inaabot ang kabila niyang kamay, ngunit lumutang si Castor sa ere at sa paglutang niyang iyon ay kasama ako. Malikot ang aura ni Castor, may dalawang kulay ito, isang kulay puti at isang kulay itim. Sa pagtingin ko sa dalawang aura para itong naglalaban, at mukhang mananalo ang itim na aura. Paano ko siya papakalmahin? Patuloy sa paglutang sa ere si Castor hanggang sa tuluyang masira ang silid niya, kitang kita na ang mga bituin sa langit at ang buwan. Kahit anong gawin ko hindi ko maabot ang isa niyang kamay, dumudulas na rin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya. Napatingin ako sa ibaba, mataas na ang aming iniangat sa snasirang silid ni Castor. "Castor! Castor! Mahuhulog ako!" sigaw ko Ngunit parang wala naman siya naririnig. Naramdaman ko ang pagdulas ng aking kamay sa pagkakahawak ko sa kanya, konti na lang at mahuhulog na ako. "Castor, ano ba? Bumaba na tayo.." sigaw ko ulit Zaiden POV Pumasok ako sa Elfwood para puntahan si Oceane, malapit na ako sa bahay nila ng maramdaman ko ang kakaibang aura, hindi pamilyar, masyadong malakas. Baragor.. Kinakabahan akong tumatakbo papalapit sa bahay ni Oceane, baka napahamak na siya at totoong nalaman na ng Dark Lord ang tungkol sa kanya. Di ako kalayuan sa bahay ng bigla akong huminto ng mapansin ko ang dlawang tao na lumulutang sa ere. Tinitigan ko pang mabuti, nakilala kong sino, si Oceane, malapit na itong mahulog sa pagkakahawak kay Castor. Napatingin ako sa bahay nila, wasak ang isang bahagi ng bahay, malapit sa akin ang ilang piraso ng pinto, bintana at kama. Muli akong tumakbo papalapit sa bahay. "Oceane.. Oceane kumapit ka..." sigaw ko Napansin ko rin ang Old Elf mula sa ikalawang palapag kung saan may nasirang bahagi ng bahay. Nagtama ang tingin namin ng Old Elf, mapapansin na may pag aalala sa mata nito. "Old Elf.. ano pong nangyari sa kanila?" tanong ko "Hindi sila maaring magsama, hindi sila maaring magsama.." sigaw ng Old Elf "Anong ibig nyong sabihin?" tanong ko Ngunit hindi na ako sinagot ng Old Elf dahil napatuon an gaming atensiyon sa sigaw ni Oceane habang unti unting nahuhulog sa lupa. "Oceane..." sigaw ko Mabilis akong tumakbo at hinintay ang kanyang pagbagsak, sasaluhin ko siya. Ilang sandali pa nga ay bumagsak siya sa akin at sa sobrang lakas ng pagtama niya sa akin pareho kaming natumba sa damuhan. Nang makabawi ako agad kong inalam kung nasaktan ba si Oceane. "Oceane, Oceane nasaktan ka ba? May masakit ba sa'yo?" pag aalala kong tanong "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Oceane Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng lumapit ang matandang Elf. "Ilayo mo siya dito, ilayo mo siya dito..." sabi ng matandang Elf Tinulungan niya kaming tumayo. "Pero lolo paano si Castor?" tanong ni Oceane "Lumayo muna kayo. Hindi kayo maaring magsama ng batang iyan, doon muna kayo sa tabi ng lawa, pupuntahan ko kayo pag maayos na siya. Akon a ang bahala dito." Sabi ni Old Elf "Pero lolo.." "Apo, makinig ka, hindi kayo maaring magkalapit sa ganyang sitwasyon niya, maniwala ka, magsisisi tayong lahat pag nangyari iyon." Sabi ni Old Elf Tumingin sa akin si Old Elf na para bang inuutusan niya ako na ilayo si Oceane sa lugar na iyon. "Makinig ka sa lolo mo, Oceane, halika na." sabi ko Hinila ko si Oceane, noong una ay nag aalangan pa siya habang nakatingin ito kay Castor na nakalutang pa rin sa ere. Maririnig pa rin ang hinagpis ni Castor, mukhang sobra itong sinasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD