JASK was staring at a photograph of the woman who had broken his heart. Hanggang ngayon, kahit paulit-ulit niya pang sabihin sa sarili niya na kakalimutan niya ang babae ay hindi niya magawa. Gabi-gabi pa din itong laman ng kanyang puso at isipan. Gabi-gabi pa din siya dinadalawa nito at ayaw patahimikin ang kanyang mundo.
Gabi-gabi, iniisip ng binata kung anong nagawa niya upang hindi na bumalik sa kanya ang babae. Alam ni Jask na mali ang sitwasyon nilang dalawa ngunit hindi mapigilan ng lalaki ang sarili. Mapipigilan ba ang puso sa kung sino ang pwedeng mahalin nito?
Mapipigilan ba ang isipan na ito ang isipin niya? Hindi, hindi ang sagot sa lahat ng mga tanong ni Jask. Araw-araw pagkatapos ng mga pinapatrabaho ng boss sa kanya. Ang alak agad ang kaharap niya.
Nais niyang makalimot, nais niyang makalimot gabi-gabi at ang paraan niya ay ang pag-inom halos lunukin at nguyain na niya ang bote ng alak para lang makalimot.
“D*mn, honey, why did you abandon me?” He questioned himself.
Napailing nalang si Leon na nakikinig sa kanya maging si Alyona na napadaan ay hindi maiwasang hindi mag-aalala sa kaibigan. Alam nilang lahat ang pinagdadaanan nito. Alam nilang lahat ang sakit sa dibdib na dinadala nito.
Lahat sila hindi na natutuwa dahil napapabayaan na ni Jask ang sarili kahit pa sabihing hindi nito pinapabayaan ang trabaho nito. “Kanina pa ba siya dyan?” Tanong ni Alyona na nasa likod ni Leon.
Leon sighed. Kung si Karlos ay tapos na ang problema, silang dalawa na mas malapit sa isa't-isa ay mga mesirable ang mga buhay. Dalawa na silang ilang taon nang hinahanap ang mga mahal nila sa buhay pero tila ayaw magpahanap ng mga ito.
Tumango si Leon. “As usual, magiging beer buddies na naman kami nito.” Pagbibiro ni Leon kahit pa sa loob-loob nito ay nais din niyang sumigaw sa sakit na nadarama. Ang pagkakaiba nga lang nila ng kaibigan niya.
Si Leon pangalawang beses nang nasaktan ng babaeng mahal nito. Si Jask naman ay unang beses na nasaktan pero pakiramdam niya ito na ang katapusan.
“Huwag na huwag mo akong papakitaan ng peke mong ngiti Leon, kilala ko kayong tatlo.” Seryosong saad ng Reyna ni Hellion.
Laglag ang balikat ni Leon na tumango nalang. Wala silang matatago pagdating sa mag-asawa. Malalaman at malalaman ng mga ito ang mga nararamdaman nila. “We are fine, Aly.” Narirnig ni Jask ang pag-uusap ng dalawa sa likuran niya kaya naman sumabat na siya.
Namewang ang babae at sinamaan nang tingin ang dalawa. “Don’t even say you’re fine! You are not, I know! Hindi masamang magpakita ng mga nararamdaman Jask, alam mo ‘yan.” Pangaral ni Alyona sa dalawa.
Napangiti na umiling nalang si Jask. “Magiging maayos din kami Aly, huwag kang mag-alala,” ani ni Jask sa babae. The woman let out a deep sighed and nodded.
Wala naman siyang magawa upang pagaanin ang mga loob ng mga ito ay kaya lang niyang gawin ay suportahan ang mga ginagawa nila.
“Fine, ubusin niyo nalang ang mga alak dyan baka-sakali dyan malimutan niyo ang lahat,” nakanguso wika ng babae at iniwanan ang dalawa na napailing nalang. Sinundan nalang ni Jask nang tingin ang babae bago muling ibinalik ang atensyon sa alak na hawak nito.
Kumuha siya ng baso sa counter at inilagay sa harapan nang kauupong si Leon. Sinalinan niya ito ng alak pati na din ang kanya at sabay pa silang dalawa na tinungga ito. Umagang-umaga palang at magiging kape pa yata nila ang alak na nasa harapan nila.
Wala yatang pakialam ang dalawa sa mga atay nila. “Still have no clue where your woman is?” Leon asked. Tila casual na casual ang pag-uusap ng dalawa hindi mapapansing may pinagdadaanan sila. Jask shrugged.
“I don’t know, kahit magtago pa siya hindi pa din ako mapapagod na hanapin siya,” ani ni Jask. He never gets tired. Sa tuwing malalaman niya kung nasaan ang asawa ng babaeng minamahal agad na pinupuntahan iyon ni Jask pero walang babae ang nakasunod dito.
Lahat din ng mga pagmamay-ari ng asawa nito ay sinubaybayan niya ngunit wala ni isang bakas ng babae ang nakita niya. Even now and then, he made a point of checking those properties.
He also keeps an eye on her husband’s activities. Jask has the guts to tell him that he needs to know the truth. His gut was telling him that something was wrong, and he wanted to find out what it was. Kahit na anong mangyari kailangan niyang malaman kung nasaan ang babae.
Nais niyang malaman sa mismong bibig nito na ayaw na nito kay Jask. Nais ni Jask malaman sa bibig nito na ang ilang gabing pagniniig nila ay wala lang sa babae. He wanted to know so, he can move on with his f*cking life.
Hindi siya makakapagpatuloy sa buhay hangga't wala siyang dahilan na natatanggap sa babae. “She’s hiding very well.” Napaingos si Jask sa sinabi ng kaibigan. Tinapik niya ang balikat ni Leon.
“So, was yours.” Ani ni Jask sa kaibigan. Sabay pang napailing ang dalawa at napatawa nang mapait. “We are crazy, brother, we really are.” Baliw sila sa pag-ibig.
Naalala pa nilang dalawa ang senaryo noong sinabi nila na ayaw nilang umibig na ayaw nilang maging baliw sa pag-ibig dahil nakakatakot ito. Ngayon, lahat ng mga sinabi nila ay nilunok din nila.
Nilunok nila ang mga sinabi nila pati ang mga pride nila. “Nakakaawa tayo ‘tol, nakakaawa tayo,” Jask said. Baliw at nakakaawa tila pulubi silang naghahanap ng makakain nila.
Ang pinagkaiba nga nga lang, silang dalawa ay namumulubi sa paghahanap ng mga minamahal nila. “Yes, we are. We are fool of ourselves.” Napahigpit ang hawak ni Jask sa bote ng alak pati ang baso sa kabilang kamay nito.
Nabasag ni Jask ang baso sa kamay nito. Hindi masakit, hindi dahil mas masakit ang sugat sa dibdib ni Jask. Leon gulped his drink, he tapped his friend’s shoulder.
“I understand you, bro.” Pagdamay ni Leon sa kaibigan. Naiingit sila kay Karlos, naiinggit sila sa pamilyang meron ito n asana ay mayroon din sila. Lahat naman yata sila ay naghahangad ng pamilyang matatawag nilang kanila.
Nagpatuloy lang ang dalawa sa ginagawa nila hanggang muling pumasok si Alyona sa loob ng bahay matapos niyang manggaling sa hardin at pinuntahan ang guard house nila dahil tila may nangyayari roon na kakaiba.
Hindi nga nagkamali ang babae dahil heto siya ngayon, nagtataka at hindi alam kung ano ang dapat na maging reaksyon niya. The woman’s gaze was drawn to the person involved in this.
Tatawagin na niya sana ang taong ito ngunit ang taong nakasunod sa kanya ay siya mismong tumawag sa atenyon nito.
“Daddy!” The little girl yelled and dashed over to Jask.
Hindi mapakaniwala si Alyona, kababa lang mula sa hagdan ng asawa nito at tila narinig din ang pagtawag ng batang babae kay Jask. Taas-kilay pang tumingin ang boss sa asawa nito pero maging ang babae ay hindi alam kung anong nangyayari.
Ang batang babae ay bigla nalang daw na lumitaw sa harapan ng gate nitong Estate. The little girl demanded for only one man –it’s Jask.
Ang nakatalikod na magkaibigan ay sabay pa na humarap sa pinanggalingan ng boses ngunit hindi inaasahan ni Jask ang biglang pagtalon ng maliit na bulto sa kandungan niya.
Muntik niya pang mabitawan ang baso ng alak bago nasalo ito ni Leon at itinabi ang lahat ng mga alak at baso sa counter na iniinuman nila.
“Daddy! I was afraid I wouldn’t find you! Thank you, God! I’ve finally tracked you down!” Sabi ng bata na ikinangitla ni Jask. Ang kaibigan naman nitong si Leon ay humagalpak ng tawa.
“Walanghiya ka bro, may pa-broken hearted ka pa dyan eh’ may nabuntis ka naman pala,” anito na siyang ikinisama nang timpla ng mukha ni Jask. Jask looked at Alyona and inquired as to what was going on. The Queen shook her head.
“I’m not sure what’s going on either, Jask; don’t ask me. The girl suddenly appeared in front of the gate and demanded your appearance.” Nakapamewang na paliwanag nito at niyakap ang asawa.
The boss stared at the little girl. Inoobserbahan niya kung may mali dito o baka pakana lang ito ng mga kalaban nila ngunit wala siyang makitang kakaiba sa bata. The little girl hugged Jask as if she missed him terribly.
Hindi nakita ni Jask ang mukha ng bata nang mabuti kaya naman binuhat niya ito at inayos ang pagkakaupo sa kandungan niya. When he faced the little girl’s face, Jask paled.
‘F*ck! F*ck! F*ck!’ Mura ni Jask nang makita ang buong mukha ng bata.
Napilpilan ang binata. Before, he could ask something at the little girl. Ipinakilala nito ang sarili nito na malapad ang ngiti na siyang mas lalong ikinamura ni Jask dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
“I’m sorry, Daddy... Because you don’t know my name yet, Mommy suggested that I introduce myself. I’m four years old and my name is Jaslee Vasilia Ivanovich.”