ikaw 1
story of mark and mich
Part 1
"Ikaw"
Baby! Baby! gising na! Baby ! gumising kana dyan tanghali na ang mama at papa mo nasa baba naghihintay sayo!!
Baby: mamaya na inaantok pa ako ya.
Yaya:baby! sige na gumising ka na at
bumangon .
baby: 5 minutes ya!
Yaya: Baby naman eh. bumangon ka na
dyan naghihintay ang mama mo sa
baba. at parang galit
Baby: huh! nasaan sila ?( bumangon bigla)
yaya: nasa baba sila sige na bumangon
ka na dyan , mawawalan ako ng
trabaho sayo eh.
Baby: ya, relax lang mwaah ya hehe
Yaya:ikaw talaga sige na maligo ka muna
at bababa na ako.
Baby: ok ya, sabihin mo bababa na ako
Yaya: ok sige bilisan mo ha.
Baby: sige ya
Yaya: hay naku na bata ka.
Pagkatapos nyang maligo bumaba siya at nadatnan niya ang mama at papa niya sa sala na nakaupong naghihintay sa kanya.
Good Morning ma, pa.
Papa :Good noon na nak,
Baby: Tanghali na pala
ang mama niya hindi siya binati
Mama: halika dito at mag-usap tayo (galit)
Baby: ano ba ang pag-uusapan natin ma?
Papa: nak, halika dito umupo ka.
Mama: ikaw! sumusobra ka na talaga. ano
ano ba ang problema mo ha!?
Baby: Ma, bakit ano ba ang ginawa ko?
Papa: ma, kausapin mo ng maayos.
Mama:nagmaang-angan ka pa akala mo
hindi ko malalaman ang
pinaggagawa mo ha!!
Papa: ma, nman kausapin mo sabi ng
maayos eh.
Mama: Pa, naman kaya mas lalong
lumalaki ang ulo nyan dahil sa
pangongonsente mo rin eh.
Baby: ma, pa, huwag na kayo mag-away.
Mama: alam mong bata ka di ko na alam
kung anong gagawin ko sayo!!
Baby: wala naman akong ginagawang
masama eh. sumama lang naman
ako sa kanila kasi nga bday ng
isa kung kaibigan .
Mama:wala!? kagabi umuwi kang lasing
tapos sabihin mong wala?!
Baby:ma, kagabi lang yon at di na mauulit
yon at kasama ko naman si yaya.
Mama: yon na nga eh, sinasama mo si
yaya mo sa mga kalokohang
pinaggagawa mo!!
Papa: ma, nman parang di ka dumaan sa
ganyan buti nga sinasama si yaya
niya.
Mama:Pa,pwede bang tumahimik ka
muna patapusin mo muna ako sa
sa anak mo!
Baby :ma, sorry na sige na(nagmakaawa)
Mama: hindi!! sumusobra ka na talaga.
kaya siguro ito na rin ang tamang
oras para bigyan ka ng leksyon
baka sakaling matuto ka na.
Baby: Anong ibig mong sabihin ma?
Mama:Pa, pakitawagan si mayet.
Papa:Bakit ma? di ba uuwi sa kanila yon.
Mama: Basta tawagan mo muna pls
Papa:ok sige sandali lang.
Baby: ma, sorry na di na mauulit yon .
Mama:huwag mo akong daanin sa
paganyan ganyan mo.
Baby: mama naman eh
Papa: ma, ito na si mayet kausapin mo.
habang kinakausap ng mama nya si mayet kinausap na rin siya ng papa nya.
Papa: nak, naman kasi di ka nakikinig eh
di ba sabi ko huwag na huwag kang
uminom ng alak sinira mo ang
usapan natin eh .
Baby:Pa, di na mauulit yon sorry na pa.
Papa: ok sige , tama na yan na iyak.
Niyakap siya ng ama habang umiiyak .
........
Siya si michelle ang kaisa isang anak at kapatid na babae ng pamilyang Bautista.
Mama:Michelle, magligpit ka ng mga
gamit mo!
Michelle: Ma, bakit?
Papa:Ma, ano ba bakit mo pinapaligpit ng
gamit ang anak natin?
Mama: narinig mo sinabi ko michelle!!!
Papa: Sige na nak, umakyat ka muna sa
kwarto mo mag -usap lang kami
ng mama mo.
Umakyat siya sa kanyang kwarto na umiiyak at hindi siya nagligpit ng gamit nya dahil iniisip nya na papalayasin siya ng bahay.
Papa : Ma, ano bang pinaplano mo?
Mama: Pa, hayaan mo na ako ang
magdisiplina sa kanya kahit ngayon
lang baka sakaling tumino!
Papa: Oo nga,hinahayaan naman kita
pero ano to bakit mo pinapaligpit
ng gamit nya? papalayasin mo?
Mama: Pansamantala lang naman to pa,
pasasamahin ko siya kay mayet
sa probinsya nila.
Papa:ha? alam mo ng magbabakasyon
si mayet doon. at isa pa ayaw ng
anak mo pumunta ng probinsya.
Mama: Pumayag naman siya na isama si
michelle. at isa pa may tiwala ako
kay mayet na di nya pababayaan
si michelle habang nandoon sila.
Papa: hay!! ok sige papayag na ako para
mabawasan na yang galit mo.
Mama: Babayaran ko nalang si mayet
habang nandoon si michelle dahil
alam ko at sure ako na
magpapasaway yan doon.
Papa: hay naku kayong dalawa talaga.
Pagkatapos nila mag-usap umakyat ang mama niya sa kwarto niya at tiningnan kung tapos na siya magligpit.
Mama: Tapos ka na ba? Bakit di ka pa
nagligpit?
Michelle: Ma, papalayasin mo ba ako?
Mama:Hindi!!! pero sasama ka kay ate mo
mayet sa probinsiya na
Michelle: huh! Ma, naman eh. Ayoko doon
pumunta boring doon eh
Mama: wala akong pakialam kung ayaw
mong pumunta basta magligpit ka
na dyan at pagkatapos bumaba ka
na!
Michelle: Ma, sorry na.
Lumabas ang mama nya ng kwarto at kahit ayaw niya nagligpit nalang siya ng gamit kinuha ang bag na maliit sa cabinet at nilagyan ng konting damit at ibang gamit. Si marites na yaya nya kinausap din ng mama nya.
Mama: Marites!
Yaya: Yes Maam!
Mama:Halika dito at mag-usap din tayo.
Yaya: Maam sorry po.
Mama: ito ang 3months salary mo,
magbakasyon ka muna sa inyo
habang wala ang alaga mong
pasaway. Hindi ako galit sayo pero
sana sa susunod huwag mong
konsentihin ang kalokohan ng
alaga mo pareho lang kayo ni sir mo.
ok sige na.
Yaya: Salamat maam
Maam: syanga pala ito idagdag mo sa
pambili mo ng pasalubong sa
pamilya mo at ako na pala bibili
ng ticket mo.
Yaya: Maraming Salamat maam.
Maam: ok walang anuman.
Pagkatapos siya kausapin ng amo nya umakyat siya sa kwarto ng alaga para tingnan at tulungan sa pagligpit ng gamit.
Yaya: Beh, tapos ka na ba? tulungan na
kita.
Michelle: ok na yan ya,
Yaya: ito lang ba dadalhin mo beh?
Michelle: opo ya, yan lang
Yaya:ok sige dadalhin ko na to sa baba ha
Michelle:Ya, pinagalitan ka ba ni mama?
Yaya: hindi naman beh, pero pinapauwi
nya ako sa amin sa probinsya.
Michelle: pinaalis ka nya ya?!
Yaya:hindi beh, magbabakasyon lang ako
habang wala ka dito.
Michelle: akala ko pinapaalis ka nya.
kailan ka daw babalik ya,
Yaya: hindi naman sinabi beh
may kinuha si michelle sa bag nya .
Michelle: ya, bigay ko sayo. bahala kana
dyan.
Yaya: ano yan beh?
Michelle: pera ya, sige na tanggapin mo
na
Yaya: huwag na beh binigyan na ako ng
mama mo.
Michelle: tanggapin mo na yan ya, sa akin
naman yan iba rin sa kanya.
Yaya: ok sige mapilit ka eh hehe salamat
beh ha.
Michelle: your'e welcome ya mwaah.
Yaya: naku na bata to hehe sige na ibaba
muna ang gamit mo
Bumaba ang yaya dala ang gamit ni
michelle at nang pumasok ulit ang mama nya sa kanyang kwarto.
Mama: Di ka parin ba tapos dyan?
naghihintay na si manong sayo!
Michelle: Tapos na sandali lang.
Mama: Syanga pala,iwan mo yang laptop
mo at cp wala kang ibang dadalhin
kundi mga damit at ibang gamit lang
Michelle:Ma, nman eh. Anong gagamitin
ko doon?
Mama:Basta sumunod ka nalang !
Michelle: kasi naman eh( bumubulong)
Mama: may reklamo ka?!
Michelle: wala po. oo na di ko na dadalhin.
Mama: bumaba ka na dyan ha
pagkatapos mo!
Habang pababa siya ang kuya nya nagtataka kung saan siya pupunta .
Kuya: saan ka pupunta ?
Michelle: ewan ko kay mama kuya.
Kuya:Ma, saan pupunta si michelle?
Mama: sasama kay mayet sa probinsya
Kuya: bakit anong meron?
Mama: mamaya ko na ipaliwanag.
Ang kuya niya di mapakali kaya sumama sa sasakyan para ihatid sya kung saan naghihintay sila mayet.
Kuya: bakit ka pinapasama ni mama
kay ate mayet?
Michelle: galit yon sa akin kuya.
Kuya:dahil ba kagabi?
Michelle: opo!
Kuya: ah kaya pala haha
Michelle: bakit ka tumawa? nakakaasar
ka naman eh.
Kuya: ikaw kasi di ka nakikinig ayan tuloy
Michelle:hay naku! akala ko kakampi kita.
Kuya:ikaw talaga syempre magkakampi
tayo pero sa ngayon hindi
Michelle: ang daya mo!
Kuya: huwag kang mag alala mawawala
din ang galit ni mama ,,sa ngayon
sundin mo nalang muna siya.
Michelle: eh ano pa nga ba.
Kuya: ilang araw ka ba doon?
Michelle: di ko alam di naman sinabi eh.
Kuya: baka sandali ka lang nman doon
konti lang naman dala mong gamit.
Michelle:kaya nga walang cp, walang
laptop walang pera .hay naku.
Kuya: whaaaaaattt!! di pinadala sayo?
Michelle: hindi!
Kuya : wala pa naman akong dalang pera dito
Michelle: huwag na kuya mamaya
malaman pa ni mama na binigyan
mo ako madagdagan pa ang parusa
ko.
Kuya: hahaha wow! sumunod sa usapan.
Michelle:syempre noh! ayoko pumunta
doon kuya.
Kuya: kahit ayaw mo wala ka ng magawa pupunta ka pa rin
Michelle: no choice
kuya: halika ka nga (sabay yakap sa kapatid)
Michelle: mamimiss ko kayo kuya
Kuya: huwag ka na umiyak kami din
naman mamimiss ka namin walang
makulit sa bahay.
Michelle: luv you kuya
Kuya: luvyou baby ingat ka doon ha.
Michelle: salamat kuya hehe
Kuya: tatawag nalang ako kay ate mayet
ha
Michelle: ok sige kuya.
Manong driver: nandito na tayo.
kuya: sige manong park mo muna ang
sasakyan ako na maghatid sa kanya
kay ate mayet.
at bumaba sila ng sasakyan at hinatid siya kay mayet na naghihintay na.
Habang nasa bus sila naghihintay na umaalis si michelle pinakilala ni mayet sa mga kaibigan na sumama sa kanya.
Mayet: beh, si lily si janice at cora mga
kaibigan ko. Gurls, si michelle anak
ng boss ko.
Michelle: hi! po.
at nag hello din ang mga kaibigan ni mayet.
Lily: nice to meet you! michelle. tawagin
mo na rin ako ate
janice: ako din kasi ate mo na din ako
Cora : ako kaya anong itawag mo sa akin
hehe. aha! ate na rin.
Michelle: ok po , nakakatuwa naman kayo
Mayet:beh, mga mababait yan hehe
Michelle: ate, wala na ba ibang masakyan
papunta sa inyo?
Mayet: meron naman beh, may eroplano
at pwede rin barko kaya lang ito
ang napagkasunduan namin kasi
first time din namin dito
Michelle: ganun ba. Ilang oras ba
bago tayo makarating sa inyo?
Mayet: Baka bukas pa beh depende rin sa
sasakyan natin.
Michelle: ha! ganun kalayo
Mayet: gusto mo baba nalang tayo at
mag eroplano haha.
Michelle: haha ganun agad agad. ok na
dito nalang ate. nandito na tayo eh.
Mayet: Pwede ka namam matulog beh
habang nasa byahe tayo alam ko
naman medyo di ka pa ok haha
Michelle: sinabi mo pa
Janice: bakit mich anong nangyari
Michelle: wala ate
Mayet: binanatan lang naman niya ang
alak haha
Michelle: hala! di naman katuwaan lang
un.
Nagtawanan lang ang mga kaibigan ni mayet habang nag-uusap sila.
Mayet: Eenjoy nalang natin ang mga
sarili natin sa madadaan ng bus
haha.
kaya ang mga kaibigan nya abala sa pagkuha ng litrato habang nasa loob ng bus. Si michelle iniisip niya kung anong buhay ang madatnan niya sa probinsya nila mayet. Iniisip nalang nya na isa itong hamon sa kanyang buhay na dapat niyang harapin. Ang hindi nya lang maintindihan bakit ganito ang parusa na ibinigay sa kanya ng mama niya.
Ilang oras din bago nakarating ang bus sa terminal ng batangas, bumaba ang ibang pasahero para mag cr ang iba para lang mag picture.
Michelle: ate, dumating na ba tayo?
Mayet: hindi pa beh,
Michelle: hindi pa pala hay
Mayet: malayo pa tayo beh
Ang mga kaibigan ni mayet ay walang tigil sa pagpicture sa mga nakikita sa paligid.
Janice: gurl, ok lang ba si mich?
Michelle: ate ok lang ako
Mayet: ok ka na ba beh?
Michelle: yes! ate hehe
Janice: dahil ok kana maggroupie nalang
tayo
sige sige.. sagot ng mga kasama nila
Si michelle habang nasa biyahe nakaramdam ng pagkahilo na parang nasusuka siya pero pilit nyang pinipigilan ang sarili dahil ayaw nyang mag-alala si mayet.
Mayet: beh, ok kalang ba?
Michelle: Ok lang ako ate . dont worry
hehe
Mayet: sabihin mo pagmasama
pakiramdam mo ha.
Michelle: Ok ate ilang dagat pa ba ang
tatawirin natin ?
Mayet: meron pa isa beh pero mabilis
lang yon .
Michelle: hay! salamat naman gusto ko ng
maligo ate.
Nagtawan lang ang mga kaibigan ni mayet. Dahil lahat sila gusto na din maligo. Hanggang sa dumating na sila sa port para tatawid ulit ng dagat. Sumakay sila ng express para makarating agad at makahabol ng last trip na bus papunta mismo sa lugar nila mayet.
Mayet: hay ! salamat at nakahabol pa tayo
Cora: kaya nga gurl haha ayoko matulog
dito noh
Mayet: matulog nalang kayo kasi madilim
di na ninyo makikita ang madadaanan
natin.
Lily: eh di matulog haha no choice.
Janice: pagbalik nalang tayo magpicture
sure makikita natin haha
Michelle: ako hindi na inaantok
Mayet: matulog ka ulit beh
Ang mga kaibigan ni mayet tumahimik na at natulog habang si michelle iniisip nanaman ang maging buhay niya ng wala sa tabi ang mga magulang. Hanggang sa nakatulog na din siya. makalipas ang isa at kalahating oras ginising ni mayet ang mga kasama
Mayet: Gurls, gising na kayo malapit na
tayo.
Michelle: talaga?! ate.
Lily: gurl, ang sarap pa matulog
Mayet: sige iwanan ka nalang namin dito
at matulog ka nalang hahaha
Tinawanan nila si lily na inaantok.
Ooooooopsss ?
ITUTULOY ...