AKMANG lalapit ito sa kanya pero sumigaw siya. Ayaw niyang makita ito, ayaw niyang muling mapalapit sa balat nito. "Layuan mo ako, layuan mo ako." Halos magwala na siya. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito, pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamilipit siya sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang isip, wala siyang matinong maisip. Para siyang paulit ulit na pinapatay habang humihinga. Mariin niyang kinagat ang labi, kuyom ang mga kamao. Mas lalo siyang napapahikbi kapag nakikita ang mga larawang nagkalat sa sahig. Siguro'y itinapon iyon ng kung sino sa dalawa habang nagtatalo. "La-Langga," sambit ni Syete. Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya pero umatras siya upang mapalayo dito. Kung noon ay ayaw niyang makita ang mga luha ni