Initials . . Sasabihin ko na sana sa kanya ang nilalaman ng isip ko. E, mas nauna pa siyang pumasok sa loob at naiwan ako! . "Hoy, Clyde teka lang!" Bumukas ang pinto. Pinagbuksan kami ni Mama. "Serenity, hija?" "Ma!" Nabigla ako at humalik na sa kanya. May pagtataka sa titig niya. "Ma, si C-Clyde." Napatitig si Mama sa kanya na tulala. "Pasok na muna kayo, hija," ngiti ni Mama sa kanya. . I quickly darted my eyes at him, lifting my eyebrow and trying to give him my signal. Malugod lang niya akong tinitigan at bahagyang ngumiti pa. Napailing pa siya! . "Bwesit ka talaga, Clyde! Ano ba kasing balak mo?" bulong ko. "Chill, sweetheart," haplos niya sa likod ko. "Don't call me, sweetheart! Baka mahalata ni Mama at tumigil ka kung ayaw mong patayin kita," sa mahinang bulong k