No Memory . . Lumabas na muna ako sa balkonahe para makapagpahinga habang iinom ang kape ko. Lagpas alas nuebe na at alam kong halos lahat ng tao sa paligid ay natutulog na siguro I took a deep breath and the sea salt in the air smells nice at night. Nasa ika siyam na palapag ang silid ko, at kitang kita ko ang liwanag ng pool sa baba rito. . That CHB stands for Clyde Heart Blumer. . . Napabuntonghininga ako sa sarili, halos lahat na 'ata ng nangyari sa akin kahit man sa El Nido ay nakakabit ang pangalan ni Clyde. Isn't it coincidence? O sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana? . Malugod kong pinanuod ang pool sa baba. Walang tao maliban sa dalawang sweet couple na nasa gilid nito. Mas tinitigan ko silang maigi habang naghahalikan sa gilid. . For Christ sake, get a room! Isip ko.