Fake it. . . Mabilis niya akong hinila palayo kay Kevin at pinapasok sa dressing area. "Change Serenity! I don't like it," tigas na boses niya. "Can you please change Serenity's dress, Brenda. I want it into something formal. Hurry up!" utos niya kay Brenda. "Opo, Sir!" . Natataranta na tuloy si Brenda na pumili sa susuotin ko. I haven't seen him so mad just because of my dress? What's wrong with him? Uminit na tuloy ang tainga ko sa inis sa kanya. . "Ako na, Brenda," saad ko. "I'll wait here, Serenity," si Clyde sa gilid. . I walk with a heavy footstep closer to Brenda. Gusto ko mang magreklamo o mas magalit pa kay Clyde, e wala naman akong magagawa. Once his temper rose I don't want to meet that level. Kung may natutunan man ako sa buhay ko ay ang magpakumbaba sa sarili.