Aiden's POV
"ACTION!"
Sigaw ni Derict
I grabe her hand and with my teary eyed
"Please give me another change, I'll promise..Hindi na kita sasaktan pang muli.."
Humarap siya sa akin at ngayon at umiiyak na siya.
"Alam mo mark, kahit sinasabi ko sa sarili ko na kakamuhian kita at magagalit ako sayo ng husto, pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal kita.."
Hinaplos niya ang mukha ko, kaya napapikit ako at dinama ang mga eksena, cause i need to.
"Then give me another chance, i will prove to you na ikaw lang ang babaeng mahal ko.."
At sumilay ang ngiti sa kanyang labi at niyakap ako, kumalas kami sa isa't isa at nag tama ang aming mga mata, unti unting naglapit ang aming mukha hanggang sa konti nalang talaga at mahahalikan ko na siya.
"AND CUT!" sigaw ni derict.
"THAT WAS PERFECT!"
Dagdag pa nito.
Nakahinga ako ng maluwag na sa wakas ay natapos din yung taping. Agad akong umupo sa upuan at binigyan ako ng tubig ng aking P.A . binigyan niya rin ako ng towel.
"Aiden.."
Nilingon ko naman ang aking manager.
"Yes, manager?"
"You have a schedule tommorow, it's an enterview." saad nito.
"Ok, what time manager?"
"9 am in the morning, don't be late it is a very important interview Aiden.."
Paniniguro pa nito, tungkol saan naman kaya na interview? o baka sa upcoming movie namin ni blair?
"Yeah, I'll be there.."
Sagot ko nalang. Tumayo na ako dahil ramdam ko ang pagod ngayon, i just want to go home and sleep, nagsimula na akong maglakad ng may tumawag sa akin, pero dahil kilala ko na ang boses nito ay hindi na ako nag aksaya na lumingon pa ito.
"Aiden! wait!"
Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako at humarap sa kanya.
"What now blair?"
Walang emosyon kong tanong sa kanya, i just look at her the same as before.
"Pwedeng makisabay?"
Now she's using again her flirty look, but it's not use to me.
"No.."
Tipid kong sagot sa kanya, na ikinasimangot niya naman.
"Please Aiden.."
She look at me with her pleading eyes.
"I said no! you have your car blair, you can drive yourself.."
Mariin kong saad, alam ko naman rason niya lang to para maka sama sa akin, I'm not in the mood right now, I'm tired.
"But my car---"
"No buts! I'm tired blair, i have no time for this..go home and rest.."
Para naman siyang batang nagdadabog ngayon, hindi ko na lamang pinansin pa ang asta niya at tuluyan na nga siyang tinalikuran, sumakay na ako ng kotse and drive myself at home sa condo unit ko.
Nang makarating ako ay agad akong pumasok at nagtungo sa aking kwarto, i throw myself on the bed, i am so fcking tired! dahil marami kaming tinake na eksena, paulit ulit at nakakapagod.
I close my eyes para sana makapag pahinga sandali, but suddenly an image of her flash in my mind. Oh fck! again! Marahas akong napamulat.
"Emerald.."
Mapait kong banggit sa pangalan ng babaeng minahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko parin. Bakit iniisip ko na naman siya! minsan napapanaginipan ko pa siya. It's been fcking 6 years! pero hanggang ngayon di ko parin siya makalimutan, marami ng nagbago sa buhay ko, pero wala paring pinagbago sa nararamdaman ko para sa babaeng yun. Dahil siguro dala ko parin hanggang ngayon ang guilt sa puso ko, ang pagsisisi sa mga nagawa ko sa kanya noon.
Bumangon na lamang ako para makapag shower pero bago iyon i turn on the tv, But damn! I saw her face it's an advertisement, the face of that woman.But i know she's not Emerald, she is Melody Eunice Santibañez ewan ko ba coincidence lang din siguro ang apelyido nilang dalawa,magkamukha lang sila pero malaki ang pinagkaiba nilang dalawa lalo na sa kilos, sobrang mag kaiba. Isa siyang pinay na sikat sa hollywood and also a professional singer there, kahit siguro saang lugar kapa mapadpad kilang kilala siya ng mga tao.
But there is something inside me na naniniwala na siya si Emerald kahit alam ko naman na imposible dahil marami talaga silang pinagkaiba.Kaya sunusuway ko ang sarili na wag paniwalaan ang mga pinag iisip ko dahil napaka imposible.
And she's fcking beautiful too she's elegant and has a daring look, but still i love emerald's beauty it's very simple yet fascinating. At dahil siya lang naman ang nakikita ko sa tv ay pinatay ko na lamang ito at dumeretcho na sa banyo at naligo. Pagkatapos ay natulog narin ako dahil may interview pa ako bukas i need to wake up early.
KINABUKASAN ay nagising ako sa tunog ng aking phone.
"s**t!"
I groan, dahil ramdam ko pa ang sobrang antok ko.
Kinuha ko naman ito kahit nakapikit pa ay sinagot ko nalang ito.
"Hello---"
"Aideen!!"
Inilayo ko sa aking tenga ang phone dahil sa nakakairitang boses ni manager fck!
"Fck! manager.."
"Nasaan kana Aiden?!"
Halata sa boses nito ang pagka irita.
"What time is it?"
"For pete's sake Aiden! ngayon ka pa ba nagising? it's already 8:30 am!"
I groan.
"Oh fck!"
Agad akong bumangon at dumeretcho na ng banyo at dali daling naligo pagkatapos ay nagbihis agad ako at dinala ang mga gamit na kailangan ko doon nalang ako kakain ng breakfast ko. Lumabas na ako ng condo unit at agad na umalis at ng makadating ako ay agad naman na nagsilapitan ang mga make up artist ko ng makaupo na ako sa upuan ko. Nang matapos ay nagbihis narin ako ng isusuot ko sa interview at lumapit sa akin si manager.
"Naku naman Aiden, muntik ka ng malate.."
"Muntik lang naman, kaya hindi pa ako late.."
Walang emosyon kong sabi, napailing iling naman ito dahil sa inasta ko, sanay na din naman siya na ganito ako makipag usap sa kanya. Kung meron pa man ang nakaka alam sa ugali ko ay isa na itong manager ko.
Andito na din pala si Blair at luigi.
"This interview is important, i'm going to explain it to you guys later.."
Panimula ni Manager.
"What now?"
Si blair na nakataas ang kilay kay manager.
"Mamaya nalang blair, basta go ahead na they're waiting.."
At tumayo na nga kaming tatlo at pumasok na kami sa studio na sikat na talk show dito sa pilipinas 'Inside Showbiz '
Nakaupo na kaming tatlo sa isa isang pang isahan na sofa, at agad naman kaming nakangiti at nang sumenyas na ang camera man hudyat na magsisimula na ay agad naman kaming ngumiti ng pagka tamis tamis.
"Goodmorning sa inyung tatlo, I'm glad that maiinterview ko kayo ulit dito sa aking talk show.."
Agad naman kaming bumati rin sa kanya.
At syempre ngiting ngiti kami dahil kailangan.
"Ok, my first question is.. excited na ba kayo sa upcoming movie ninyo?"
Kaming tatlo ay nagulat sa tanong niya, what movie? bakit di namin alam ito? Nagkatinginan pa kaming tatlo dahil wala talaga kaming alam sa movie na sinasabi nito may upcoming movie kami pero sa pagkakaalam ko kami lang dalawa ni Blair, o baka naman nabago?. Bakit di man lang kami sinabihan ni Manager na movie pala ang pag uusapan?
"Ahmm, upcoming movie? Yeah we're excited!."
Sagot ni luigi kahit wala naman talaga itong alam dahil halata sa itsura niya.
"Yeah, we're super excited!"
Ani naman ni blair na nakisabay narin sa sinasabi ni Luigi. Tumango tango narin ako ngumiti ng pilit.
"So, Excited narin kayon makatrabaho ang isang sikat na pinay hollywood actress na si Melody Eunice Santibañez?.."
Gulat ang gumuhit sa mukha ko ngayon at bahagya pang napanganga. Did i heard it right? O baka naman mali lang ang pandinig ko?
"What?!..i mean yes.."
Alanganing sagot ni blair na halata ding sobrang nagulat sa narining, alam niya at nakita narin niya kung sino ang tinutukoy nito, at alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.
Ano ba ang nangyayari? bakit ba sinalang nalang kami rito sa isang interview na hindi man lang kami nakapag handa. Ano ba tong pakulo ni Manager at bakit hindi man lang niya kami sinabihan na ganito ang mangyayari? This frustrating! fck!
Fck! Si Melody Eunice Santibañez? makakasama namin sa isang movie? Totoo ba to?! Ang babaeng kamukhang kamukha ng babaeng mahal ko, ay makakasama ko sa isang movie? this is unbelievable!
But there's a weird feeling, excited ako na makita ang babaeng kamukha ng mahal ko..