CHAPTER 1 — SIMULA

1675 Words
PROLOGUE Ako si Mariciel Cruz, 23 years old. Isang nurse at nag-iisang anak. Ngunit sa edad kong iyon ay hindi ko inasaan at inakalang may isang lihim rin palang nakatago tungkol sa aking buong pagkatao. At ang lihim na iyon ay hindi ko alam kung paano ko magagawang harapin. Hindi dahil sa takot akong harapin ang katotohanang iyon, kundi dahil galit ako sa naging takbo ng aking kapalaran. Galit ako sa kung paano ako pinaglaruan ng aking tadhana. Tadhana na naglaro sa aking buhay at sumira sa aking puso. Nagmahal ako sa maling pagkakataon at sa lalakeng may malaking agwat ng edad sa akin. At sa lalakeng hindi nararapat mahalin at hindi nararapat naising mapasaakin. Subalit ang pagmamahal ko sa isang lalakeng hindi ko inasahan ay kailanman ay hindi ko magawang pagsisihan, bagkus ay tila mas naghangad pa ako na patuloy pa ring lumaban upang manatili lamang sa akin ang lalakeng pilit ring ipinagkakait sa akin ng tadhana. "Oo, mali ang mahalin ka! Mali ang umasang darating din ang araw na mamahalin mo ako. At mali na pilitin kong makuha ang atensyon at pagmamahal mo mula sa iba. Pero ano'ng magagawa ko? Ano'ng magagawa ko kung ang mismong puso ko na ang kumukontrol sa isip ko at nagsasabing 'wag kang iwasan at 'wag kang layuan! Mahal kita, Darryl! Mahal kita, at hindi ko kayang umiwas o ang lumayo mula sa 'yo! Naiintindihan mo ba, ha?! Mahal kita!" MARICIEL "That's enough, Miss Cruz! This is fvcking wrong, d*mn it! Mali 'yang pagmamahal na sinasabi mo, because the love you have for me is fvcking worthless at alam nating kahit kailan ay hindi magiging tama 'yang pagmamahal na sinasabi mo. Bata ka pa, at marami pang ibang lalakeng mas nararapat lang na mahalin mo at mahalin ka. 'Yong lalakeng mas nababagay sa isang tulad mo. Kaya ngayon pa lang, tumigil ka na dahil wala akong nararamdaman para sa 'yo!" DARRYL CHAPTER 1 MARICIEL POV "Hi, Ciel! Pauwi ka na?" Napahinto ako sa paglalakad bago pa man ako tuluyang makalabas ng hospital at agad na napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Aira. Ngumiti ako, saka ko ito kinawayan. "Oo, eh. Pang-umaga na kasi ang shift ko ngayon. Ikaw ba? Teka– 'di ba, sabay lang tayo shift?!" Tumango ito habang may ngiting nakapaskil sa labi nito na agad ko namang ipinagtaka dahil para bang may kakaiba akong napapansin sa ngiting iyon. Ngiti na hindi pangkaraniwan para sa akin. "Hoy– teka, ano'ng ngiti 'yan? Parang– parang may kakaiba d'yan sa ngi–––" "Ano ka ba, Ciel! Ikaw na lang yata ang hindi pa nakakaalam sa kumakalat na tsismis este balita ngayon sa buong hospital." Putol nito sa aking pagsasalita na lalo namang ikinakunot ng aking mga kilay. "Huh?" tanging salitang lumabas sa aking bibig, dahil hindi ko alam o wala akong ideya sa kung ano mang sinasabi nito. "Hay naku– halika na nga, sa biyahe ko na lang ikukwento sa 'yo." Napasunod na lamang ako rito nang hinila na nito ang aking kamay papalabas ng hospital. Isa si Aira sa mga naging kaibigan rito sa hospital simula nang lumuwas ako sa Manila mula Bicol. At sa hospital na ito ako nagdesisyong mag-apply. Agad din naman akong natanggap, at ngayon nga ay nasa dalawang taon na rin akong nagtatrabaho bilang nurse sa Nuñez Medical Center dito sa Makati. "Actually, nakipagpalit ako ng shift kay Nurse Beth nang sinabi ng head kanina na darating daw mamaya from Canada ang may-ari ng hospital na si Dr. Nuñez. Eh, alam mo na, isa rin akong atat na atat makita ang may-ari ng hospital. Usap-usapan kasi ng lahat na makalaglag panty raw talaga ang kaguwapohan ni Dr. Nunez kahit may edad na." Mabilis akong napalingon dito, hindi pa man ako nakakaupo nang maayos sa loob ng taxi. Hindi dahil sa huling mga salitang sinabi nito tungkol kay Dr. Nuñez, kundi sa part na sinabi nitong may-ari nang hospital. "May-ari ng hospital?" ulit ko sa sinabi nito, "Ibig sabihin wala pala sa hospital na 'yon ang may-ari? Diyos ko, dalawang taon na akong empleyado sa hospital na 'yon– hayss, wala nga talaga akong alam o nalalaman sa mga nangyayari sa mund–––" "Mismo! Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung tatanda kang dalaga, dahil wala ka nang ibang ginawa kundi ang puro trabaho. Halos hindi mo na talaga napapansin ang mga Adan na nag-gaguwapuhan sa paligid na gustong-gusto kang ligawan. Hay naku, Ciel— awan ko ba naman sa 'yo, daig mo pa ang may sampung anak na pinapadede kung maka-kayod ka sa trabaho." Napailing na lamang ako sa tinuran nito. Hindi ko naman maitatanggi na tama lamang din ang sinabi nito. Totoong halos puro trabaho na lamang ako upang makaipon nang pera. Pera hindi para sa aking sarili, kundi para kay Papa dahil sa may sakit ito at kinakailangang mabili ko ang mga gamot nito sa pang-araw araw na hindi puwedeng pumatlang sa pag-inom. Bukod pa ang budget ng mga ito sa Bicol. Halos kinukulang pa nga ang sinasahod ko sa lahat nang mga gastusin. Kaya kahit day-off ko ay hindi ko na rin nagagawa pa, dahil mas ginugusto ko pang ipasok na lamang iyon upang kahit paano ay hindi masayang ang aking araw. "Ano ka ba, alam mo naman ang sitwasyon nina Mama at Papa sa Bicol 'di ba? Lalo na si Papa, dahil maysakit s'ya. Kailangang tuloy-tuloy ang pag-inom n'ya nang gamot." Napansin kong bumuntong hininga ito, at hindi na rin lamang nagbigay pa nang ano pa mang komento hinggil sa aking mga magulang. "Maiba ko, pagpasok mo pala bukas 'wag ka na mag-breakfast sa boarding house mo, ha. Hintayin kita bukas sa canteen. Sabay na tayong kumain, treat ko na." Sabay kindat nito sa akin, na agad ko namang ikinangiti. Ay! Yayamanin ang bruha ngayon, ha! Manlilibre na naman. Well, hindi naman talaga ako mahilig tumanggi lalo na kung pagkain at libre pa. Isa pa, mas pabor pa 'yon para sa akin dahil makaka-minos na naman ako sa gastusin ko. Hayss– ang galing naman talaga! "Wow, ha! Ano'ng mayr'on, at bigla-bigla ka na lang nakakaisip manlibre?" pagbibiro ko, na lalo lamang nitong ikinangiti. "Basta! 'Wag ka nang magtanong at magpa-choosy pa d'yan. Agapan mo na lang nang pasok bukas, okay? Pang gabi kami ngayon ni Donna, kaya kayong dalawa lang ni Aljune ang magkakasabay bukas mag-lunch." Tumango na lamang ako bilang tugon, at hindi na muli pang nagbigay nang ano mang mga komento, kahit ang totoo ay gusto ko pa sanang mag-usisa tungkol sa sinasabi nito na darating ang may-ari nang hospital na aming pinagtatrabahuhan. "Ay teka, may isa pa pala akong chika tungkol sa kay Dr. Nuñez. Alam mo ba–––" "Hindi pa!" mabilis kong putol sa pagsasalita nito na agad naman nitong ikinasimangot. "Malamang! Kasi sasabihin ko pa lang– kainis talaga, bwisit ka, Ciel!" may halong inis nitong turan na lihim ko na lamang ikinatawa. "Okay– okay! At sino na naman 'yang sinasabi mong Dr. Nuñez na 'yan, ha? Pansin ko, hindi ka na nauubusan ng tsism— aray ko naman, Aira! Bigat talaga ng kamay mo– ang sakit! Bwisit ka!" daing ko nang bigla ako nitong hinampas sa balikat. "Ikaw ang bwisit na babae ka, kasasabi ko pa nga lang kanina na parating daw mamayang gabi 'yong may-ari ng hospital na si Dr. Nunez, eh. Tapos ngayon, tatanungin mo ako kung sino na naman 'yon taong tinutukoy ko! Teka nga, tao ka pa ba, Mariciel? Bwisit ka, parang lagi na lang nakalutang 'yang isip mo." Napailing na lamang ako, saka ako umiwas ng tingin kasabay nang bahagya kong pagngiti sa naging reaksyon nito. Dahil sa puntong iyon ay kita ko na naman sa itsura nito ang inis para sa akin. Isa iyon sa ikinakatuwa ko rito, ang pagiging pikon at maiksing pasensya nito. Aminado naman akong hindi ko lamang talaga mapigilan minsang hindi ito inisin. "Ah– s'ya ba 'yon? Sorry naman kung nakalimutan ko agad. Hindi ko lang kasi natandaan 'yong pangalang sinabi mo kanina. Alam mo naman ako, 'di ba? Wala akong interest sa mga ganyang bagay." Pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay gustung-gusto ko rin naman talagang malaman ang tungkol sa sinasabi nitong may-ari ng hospital. Totoo rin naman ang sinabi kong wala akong pakialam sa mga ganoong usapin, ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, na para bang nagnanais akong malaman ang lahat-lahat tungkol kay Dr. Nuñez. "Oo na– alam ko na wala kang interest sa mga gan'ong bagay! At alam ko rin na tatanda ka talagang dalaga, Mariciel! Bwisit na 'to! Kahit kailan talaga panira ka ng mood." Tuluyan na akong napahalakhak sa mga oras na ito. At hindi ko na rin napigilan pa dahil sa nakikita ko na sa itsura nito ang sobrang inis nito sa akin. "Okay– okay! Sorry na! Sige, ituloy mo na 'yong tsismis mo kung ano man 'yan." Saka ko ito kininditan. "Hay naku! Awan ko sa 'yo, nakakainis talaga– bwisit ka!" inis pa nitong turan na ikinailing ko na lamang kasabay nang pagpipigil na huwag mapatawa dahil alam kong lalo lamang itong maiinis sa akin. "Sige na, sabihin mo na habang may pakialam pa ako. Dahil pag nawalan na naman ako ng pakialam– bahala ka, wala na namang makikin— aray ko! Ano ba, Aira! Tigilan mo na nga 'yang kakahampas mong 'yan. Ang bigat-bigat ng kamay mo, eh." Reklamo ko habang hinihimas ang aking balikat nang muli nitong hinampas. "Tse! Deserve mo 'yan! Lagi ka na lang panira ng mood ko." "Eh, kung gan'on, 'wag ka na lang din kasi magkuwento ng kung ano-ano sa akin, alam mo namang wala akong interest sa mga bagay na hindi naman pagkakaperahan." Ano ba 'yan, baka nga hindi na magkuwento ang babaeng 'to, bwisit! "Eh, di 'wag kung ayaw mo! Arte mo– manang ka naman!" buwelta naman nito na lihim ko na lamang ikinabuntong hininga dahil sa panghihinayang. Ay ang bwisit! Hindi na nga talaga magkukwento! Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD