CHAPTER 3:

1523 Words
"I'll be there on time. Don't shout at me Debbie.", inis na wika ni Crust sa P.A nya. Naglalakad sya sa lobby ng Delas Nueres Building. It's almost five, kailangan bago mag-off duty si Angelica Lyre ay makausap nya ito. Nagmamadali sya nang lumiko papunta sa elevators area nang biglang may mabanggang babae. Halos tumalsik ito. "Ay kipay!!", bulalas ng babae, mabilis naman itong nakabawi at hinarap si Crust. "Sorry ah, nabangga mo 'ko!", bulyaw nito sa lalaki. Ngumisi lang si Crust at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Well, at least hindi na sya magmamadali para lang abutan ito. "Well, be careful next time. Huwag kang tatanga tanga.", he grinned nang makitang lalong kumunot ang noo ng babae, bahagya pa itong napanganga. "Ay iba. Tibay din mukha natin ano?', anito at tiningnan ang kaharap mula ulo hanggang paa. Nakita pa nitong nakangiti ang lalaki. Tinatapatan talaga nito ang kamalditahan nya. "Come with me.", anang lalaki na tumalikod. "Makautos, ano ka diyos?", mataray na saad ni Lira at nilagpasan ang lalaki. "No, but I'm sure you'll kneel in front of me and deify me.", buong pagmamalaki nitong saad at hinblot sa braso si Lira. Mabilis din namang winaksi ito ng dalaga. "Wag mo akong english english-in. At layuan mo ako.", duro nito sa mukha ng lalaki. Ganon na lang ang gulat nya nang kagatin ni Crust ang kanyang hintuturo, naramdaman nalang nya na hinagod pa ng dila nito ang dulo niyon. Nasaktan sya ng bahagya pero mas masakit yata ngayon ang ribcage nya dahil sa biglang pagwawala ng kanya puso. Abot abot na ang hinga ni Lira. Pakiramdam nya kita na ng mga tao ang pagkabog nito. "Don't point your finger on me Angelica Lyre, or else you'll get wet.", mapanuksong saad ni Crust matapos nyang mabawi ang daliri. Kinagat pa nito ang ibabang labi. Mabilis nyang ipinunas sa damit ng lalaki ang daliring kinagat nito. "Yuck!!! Eeeeww!! Naku, baka mahawa na ako ng kasamaan ng ugali mo.", pang aasar nya. Nagtiim bagang si Crust. Inakbayan nyang bigla si Lira at iginiya palabas ng opisina. Ang mga tao sa paligid nila ay sinusundan sila ng tingin, ang iba'y kinikilig pa. "Ano ba?!", bulyaw ni Lira at inalis ang kamay ng binata sa kanyang balikat. "Alam kong maganda ako, sexy at makinis. Pero wag ka namang masyadong obvious. Itago mo naman ng konti ang interes mo sakin. My God!! Boys nowadays.", nakangiting wika ng dalaga at mabilis na naglakad palabas. Naiwang nakanganga si Crust. "Wow. Too self-absorbed.", naiiling iling nyang bulong sa sarili. Mabilis nyang sinundan ang babae hanggang sa makalabas na ito ng building. Nang maabutan ay mahigpit nyang hinaklit ito sa braso at pilit na dinala sa parking lot. "Hoy!! Ano ba?!!" bulalas ni Lira. Pilit nyang tinatanggal ang kamay nito ngunit masyadong malakas ang lalaki. "Let me go!!", bulyaw nya. Napangiti sya bago muling nagsalita. "Woah! English yun ah.", saad nya na parang proud na proud. Ay, magpupumiglas pala sya dapat. Galit nga pala sya, sabi ng baliw nyang utak. "Ano bang kailangan mo sakin?!", galit nyang tanong nang ibalibag sya ni Crust sa loob ng kotse nito at mabilis na sinara ang pinto, nang umikot ito sa kabila ay mabilis nyang muling binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas. Pero mas mabilis si Crust at nakuha agad sya. Sa isang iglap ay naipasok sya ulit sa kotse, at isinara iyong muli. Muling umikot ang lalaki sa driver's seat. Muli, binuksan ulit ni Lira ang pinto at mabilis na lumabas. Ngunit mas mabilis talaga si Crust. Nang ibalik sya nito sa upuan ay hindi muna nito isinara ang pinto. Ipinasok nito ang ulo at dinukwang sya. "Aren't you going to stop?", galit at may diing sabi ng lalaki. Hinihingal na din sya sa ginawa. Sumandal sya at tila pagod na nagsalita. "Pagod nga eh.", balewalang sabi nito. Hindi malaman ni Crust kung hahagalpak ba ng tawa o ano. Malakas yata talaga ang sayad ng babaeng ito. Sana ay hindi nya pagsisihan sa huli na ito ang pinili nya na gamitin sa plano nya. "Stay!", malakas na sabi ni Crust. Mabilis ang naging kilos nito at tagumpay na nakasakay sa kotse at nailock ang mga pinto. Si Lira ay tila naghahabol pa ng hininga sa pagod. "Stay mo mukha mo! Ano ko aso?!", pagsusungit ni Lira. "Ano ba kasing kailangan mo? Sabihin mo na agad, hindi ko na matagalan ang kapangitan mo.", walang hiyang saad ni Lira. Wala syang pakialam kung maraming nababaliw na babae dito dahil talaga namang guwapo. Pero nabadtrip talaga sya sa kasamaan ng ugali nito. "Really now", nakangising sabi ni Crust. "Oo, really now, really tomorrow at really after tomorrow.", pamimilosopo ng dalaga. Napailing na lamang si Crust. "Be my girlfriend", mula sa kawalan ay sabi ni Crust. Sa gulat ay nasamid pa sa sariling laway si Lira. Napaubo sya ng malakas. Halos kakapusin na sya ng hininga, sumabay pa ang kabog ng dibdib nya. "Lakas ng tama mo ah ", pambabara nya sa sinabi nito. "I'm serious.", walang emosyong sagot ni Crust. Wala syang balak paandarin ang kotse. Kailangan nya lang talagang ikulong doon si Lira. Dahil alam nya na sa tigas ng ulo nito ay mahihirapan syang kausapin ito nang matino. "Wala akong pakialam!", idiniin pa ng babae ang bawat salita. Matapang itong nakipagtitigan sa lalake. "How much?", bigla'y sabi ni Crust. Nagulantang si Lira sa tanong na iyon. Ano bang akala ng lalakeng ito? Bayaran syang babae? Lalong nanggalaiti sa galit si Lira ngunit nagawa pading inisin ang lalaki. "PM sent", wika niya. Iyon kasi ang laging tugon sa isang social media kapag tinatanong kung magkano ang paninda nito. Nakita niyang tila naguluhan ang kausap. Ngiting tagumpay tuloy sya. "Can you talk seriously?", naiinis nang saad ni Crust. "Iyak ka muna", "In your dreams!", bulyaw ng lalaki. "Baka gusto mong ikaw ang paiyakin ko.", dugtong ni Crust. Tumaas ang kaliwang kilay ni Lira. "Ha?", "I said, baka gusto mong ikaw ang paiyakin ko.", ulit ni Crust, nakaramdam sya ng pagkapanalo sa pagtatalong iyon. "Hatdog!", pambawi ni Lira. Literal na parang tumaas ang dugo ni Crust at umabot iyon sa kanyang ulo. Hindi ba mauubusan ng pambabara itong taong ito?, kung wala lang syang kailangan dito ay hindi nya ito pag-aaksayahan ng panahon. Kailangan nyang magpresent ng isang pekeng girlfriend nang sa ganon ay tantanan na sya ng anak ng isang multi-billionaires na si Eunice. At alam nyang Angelica Lyre Cuevas is the perfect one. Matapang ito at hindi nagpapatalo. Siguradong hindi uubra ang katarayan ni Eunice sa babaeng ito. Handa syang magbayad kahit magkano para sa serbisyo ni Lira. Magpapanggap lang naman itong girlfriend sa harap ni Eunice. "Name your price Angelica Lyre.", pagkukumbinsi nya sa babae. Hindi nya ito titigilan hangga't hindi nya ito napapapayag. "No! No! No!" buong diing tanggi ni Lira. "Tatlo yon para maintindihan mo, baka kasi bobo ka.", panunuya nito. Sa totoo lang, ngayon lang nakatagpo ng ganito si Crust. Napakaingay at parang tambay sa kanto kung magsalita. "Why? Bakita ayaw mo, you're single. Wala namang mawawala sayo. Magkakaroon ka pa nga eh.", pangungulit ni Crust. "Nagkakaroon na ako, buwan buwan pa nga eh.", mataray na sabi ni Lira. Hinding hindi sya papayag sa kagustuhan ng jambog na lalaking ito. "Gusto mong hindi na magkaroon?", malapad ang pagkakangiti ni Crust at lumapit pa sa pwesto ni Lira. Napalayo ang babae dahil sa ginawa nyang iyon. "Gusto mong sumabog yang mukha mo?", banta ng babae at inambahan pa si Crust ng suntok. "Alam mo, buksan mo na itong pinto. Kasi baka umuwi kang puro pasa!", galit na turan ni Lira. Masyado nang nasasayang ang oras nya. "Baka puro kalmot.", ani Crust. "Baka siraulo ka.", ganti naman ni Lira. "Baka crush mo ako.", si Crust muli nakangisi. "Eh bakit?", nakikipagmatigasan na si Lira. Hindi sya magpapatalo sa bwisit na lalaking ito. "Gwapo ka lang naman. Yon lang.", balewalang saad ng dalaga. "Exactly!", akala ni Crust ay panalo na sya. "Yes! Yun lang. Walang ugali, walang utak. Gwapo lang ", ani Lira at sinabayan pa ng tawa. At yun na nga, narating na ni Lira ang limitasyon nya. Napatid na ang pisi ni Crust. He suddenly grabbed the back of her neck at habang humahalakhak ay sinibasib nya ng halik ang dalaga. Agad na naipasok ni Crust ang kanyang dila, ginalugad nya ang buong bibig ni Lira. Kinuha ang dila nito at mariing sinipsip. Ramdam na ramdam ni Crust ang pagkabigla nito. Hindi ito nakagalaw at hindi tumugon. But she's so sweet. Napakasarap ng halik na iyon. Hindi na pinatagal pa iyon ni Crust at pinakawalan agad ang labi ng lalaki. Patikim pa lamang iyon. Tigagal si Lira. s**t! Yung first kiss ko! sigaw ng utak nya. Itong lalaking ito lang pala ang makakakuha. Gusto nyang sampalin si Crust. Pero hindi nya ipapahalata dito na iyon ang una nya. Hindi nya papayagang manalo ang lalaki sa giyerang inumpisahan nito. "Tapos ka na?", kahit nanginginig ang katawa'y nagawa pa ring kumalma ni Lira. "Halik ba yon?", pang aasar pa ng dalaga. "Wala man lang kasarap sarap. Hay, boring." saad nito at sumandal sa upuan. Yung puso nya at kalamnan ay nagkakagulo na. s**t talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD