I Hindi mapakali si Noel; nasa may bamboo gate na siya ng bahay nila Maxima. Mas maaga naman siya ng ten minutes sa usapan nila ni Maxima na alas dos ng hapon. Muling hinaplos ni Noel and naka gel niyang buhok at nang masiguro na ayos na ayos naman iyon ay nagpatao po na siya. “Tao po, magandang hapon po.” Si Noel habang pasilip-silip sa bamboo gate nila Maxima. “Ano yun?” Ang ina ni Maxima ang lumabas ng bahay at sinino kung sino ang kanilang bisita. “Abah Noel, ikaw pala; ano ga sadya mo?” anito kapagdaka ng makilala kung sino ang kanilang bisita. “Magandang hapon po Aling Naty. Si Maxima po sana ay susunduin ko sapagkat may usapan kami ngayon na pupunta ng bayan.” pagbating galang ni Noel. “Ah kaya pala nag-aayos si Maxima. Halika pumasok, malapit na yun matapos mag-