I Nang lumapat ang labi nila Romouldo at Theresa ay para bang sinilaban sila Marla at Maxima na napahawak pa sa mga dibdib nila. Tigalgal sila at di makahuma. Daig pa kasi nila ang nanonood ng live show. Nang matauhan si Maxima, kumuyom ang kanyang mga palad at naglagablab sa pagpupuyos ang kanyang damdamin. Namayani ang paninibugho sa kanyang puso. “Napakalandi mo Theresa, may pa madre, madre ka pang nalalaman ang kati-kati mo naman!” nagpupuyos na bulong ni Maxima na ikinagulat naman ni Marla. “Naku friend, tara na alis na tayo dito, baka makita pa tayo nila Theresa at Romouldo.” Aya ni Marla at nagtangka na itong tumakbo palayo, subalit pinigilan sya ni Maxima. “Tumigil ka diyan Marla; ilabas mo yung cell phone mo madali ka at ivideo mo sila.” Utos ni Maxima kay Marla.