I “Umuwi na kayo Maxima at Marla, nakakasagabal kayo dito,” utos ni Rom sa dalawang babae habang matiim na nakatingin sa mga ito. Nagkatinginan sila Marla and Maxima, kapagdaka ay nakatungong nagmamadaling umalis ang dalawa. Akala mo mga hinahabol ng hubad na r****t sa bilis ng mga hakbang ng mga ito. “Mahal tara kain tayo uli, sayang nitong dala nating food oh, di tayo masyadong nakakain kanina.” Yaya ni Theresa sa kasintahan habang inaayos uli ang dalang pagkain sa kanilang picnic mat. “Mas masarap kasi yung inalmusal nating isa mahal kaya ganun.” Tatawa-tawang turan ni Rom habang sumasalampak ng upo sa tabi ni Theresa sa ibabaw ng picnic mat. Pinandilatan ni Theresa ang binata na ikitawa lang naman nito. Sa kabilang banda, sising alipin si Maxima. Nabuko na nga