I Masayang pakanta-kanta si Theresa habang dinidiligan ang mga halaman sa garden nila. Kaalis lang ni Rom matapos nilang sabay na mag breakfast. Kagaya kasi ng dati di pa din ito nagsasawa sa pagluluto sa kanya ng almusal everyday. Dumaan si Maxima at napasimangot ng makitang mukhang masaya ang pinsang si Theresa. Tumigil ito sa paglalakad at lumapit sa may bakod nila Theresa. “Uy Theresa, kamusta? Mukhang ang saya natin ah.” May pang-aasar sa tono nito. Napalingon si Theresa sa may bakod nila at nginitian ang pinsang si Maxima ng makita ito doon. “Hi Maxima, okay naman ako. You are right masaya ako. Ikaw? Kamusta naman? Matagal kitang di napansing napapadaan dito ah.” Ganting bati ni Theresa. Pero ang ngiti nya ay genuine unlike kay Maxima. “Ah medyo hinay-hinay