GUMAWA nga muna sina Laxus ng mga missions mula sa Frontera, ito ay upang makakalap muli sila ng karagdagang pera para sa game na ito. Nang sumapit naman ang gabi ay magkakasama sila na nag-usap sa loob ng silid nina Laxus at Lisa para sa pag-alis nila bukas para pumunta sa Gorgons’ Temple. Sinubukan din naman nilang magtanong sa ibang mga players, kaso, katulad lang din ng mga sagot na nakuha nila noong nakaraan sa area na napuntahan na nila ang kanilang natanggap. Nang pag-aralan nga rin nila ang mini-map ay parang mas mabilis silang makakarating bukas sa Teleporting Circle na magdadala sa kanila sa area na iyon. Ngayong upgraded na ang kanilang mga sandata at suot ay magiging madali na lang din sa kanila ang tumalo ng mga AIs na makakaharap nila sa area na ito. “Hindi kaya boss, ang A