UMIHIP ANG MALAKAS na hangin sa harapan ng base ng Terra Force Guild. Ngayon, sa ibabaw ng entabladong nakatayo rito ay makikita ang dalawang player na magkaharap sa isa’t isa. Nagkakatitigan sila ng mata sa mata at ipinapakita lang nito na wala silang atrasan sa gagawin nilang paglalaban. Ang mga nakatali nga na sina Nel at Gira ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan kanina. Akala nilang dalawa ay isa itong pagbitay sa kanila, ngunit dahil sa pagdating ng grupo nina Laxus ay tila nagbago ang magaganap dito. Hindi nga nila malaman kung sila ba ay papatayin pa ba o hindi. Wala naman silang magagawa kundi ang panoorin na lang ang magiging laban ni Cratos at ng player na may dilaw na buhok. Ngumisi na nga si Cratos at ang hawak niyang sandata ay muling humulma at kasabay noon ay ang ma