Will you?

1050 Words
"Valentine's day ba?" tanong ni Saab habang ngumunguya ng sandwich. "Sabi sa inyo wag tayo dito kumain e." Reklamo ng kambal niya na si Seb sabay tingin sa'kin. Andito kami ngayon sa canteen ng Hall B, kung saan tambayan at canteen na malapit sa Deadly block. Ayaw nila dito mag lunch pero dito lang may nagseserve ng kanin at di pa ako nakapagbreskfast kaya naman inaya ko sila dito. "Seb, alam kong cliche para sa'yo ang harana pero essential yan para mapasagot ang liligawan mo." Sagot ko sabag irap sa kanya. Nagsimula ng mag kumpulan ang mga estudyante na nasa area ng unti-unti ng nag aayos ang mga tutugtog. Actually wala naman akong pakelam dahil ang nasa isip ko ngayon ay yung kasunduan namin ni Avie. It's been one month at bukas na ang birthday ko pero wala paring development sa case ni Charles. Yes nakalabas na siya ng hospital pero hindi parin siya nakakarecover kaya need niya parin'g magpahinga at for Avie, parang naghihintay lang din siya ng update sa mga pulis. May pa law-law pa siyang nalalaman e wala din naman pala siyang ibubuga. Agad akong bumuntong hininga at nagulat ng may gumaya sakin, kaya napatingin ako sa left side ng mesa. And there he is, Derick. I smiled and he smiled back. "Hindi ba masarap yung luto ngayon? Parang di ka masaya sa kinakain mo?" Tanong niya na parang concern. I'm about to answer him ng biglang nagdatingan ang mga classmate niya. They greeted me at nangamusta sa about kay Charles. And Derick acted gay again, as if I don't exist as his girlfriend. Alam kong nakoconfuse na kayo kung sino ba ang totoong boyfriend ko. At sa mga nangyayari, pati ako nakoconfuse na. As the music started, ang daming naghiyawan. Napabuntong hininga ako uli at nakitang umalis si Derick sa tabi ko while his classmates are still munching their food. The guitar started to strum at naalala ko ang lahat. It all started when we are still newbie or freshmen in this school. Kasabay ng pag eemo ko yung tunog ng guitara. Parang namumukmok ako dito o nasa isang music video. Naalala ko no'on. Every Filipino subject, magkatabi kami ni Derick. Napaka competitive niya sa lahat ng acads at lagi kaming magkadebate kaya naman sa stress ng teacher namin, pinagtabi kaming dalawa. Baka sakaling magkasundo daw kami kung ganun ang setup. Rinig na rinig ang hiyawan at nagsimula ng kumanta ng Your Song yung nanghaharana. Nagtilian ang lahat. At bumalik sa tabi ko si Derick dala ang isang fruit juice. I smiled and uttered thank you. Ginulo niya ng onti ang buhok ko saka ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. I don’t know pero parang may mga mata na nakatingin sa’min. Halos one month na kaming magkatabi and we are doing our best to be civil at wag mag-away sa lahat ng bagay. Oo bagay, dahil di nalang acads ang pinagdedebatehan namin during that time. Ultimo non-sense na bagay ay napapag-awayan na din namin. Imagine, sumali kami ng choir para lang magpagalingan. But one day, everything has changed. Wala ang teacher namin noon at halos thirty minutes na ata kaming nagpapakiramdaman. Humarap siya sakin na nasa left side ko at kumuha ng pabango at nagspray. “Ano ba? Aamuyin ka ba ng teacher natin?” Reklamo ko dahil ang dami niyang nilagay sa damit niya. “Hindi, pero maamoy mo ako.” He said and I saw him blushed. Little did I know that I found him cute that time and my heart skipped a beat ng makalipas ang ilang linggo ay may nagtext sa’kin. Asking me if it is okay to court me. It’s Derick. I don’t know how things happened pero alam kong ilang buwan na kami. Kami na parang hindi kami dahil madalas parin kaming nagkakailangan at tuwing magkakasama kami ay kasama ang mga kaibigan o classmate namin. Halos hindi kami magkaroon ng oras na kami lang dalawa. And one day, shocking news happened. He was dragged by his parents sa airport. They want him to study abroad ng malaman na may kasintahan na siya. Makakasira daw ito sa honor na hinahabol nila from Derick. And Derick end up doing things na hindi namin ineexpect. I thought he was gone but one day he showed up sa school. Acting as if he’s gay. Or… maybe he is really a gay. No more maybe. I said to myself habang nakikita kung paano niya ihampas hampas ang kamay niya sa balikat ni Sigmund. Isang gwapong robot sa school. I shrugged my head at tinuloy nalang ang pagkain. Nasanay na ako sa ganitong setup namin ni Derick and I don’t know until when. All I know is that I am committed to him but I don’t feel him at all. Parang ako nalang ang nakahawak sa aming dalawa. We’re so close yet so far. Our skin no longer feel any electricity just like before. His gestures are no longer sweet for me. I don’t know if it is me or umiinit lang dito sa canteen? At bakit parang dumidilim o sadyang dumadami lang ang taong nagsisiksikan? Kung kelan patapos na ang meal break saka naman dumadami ang tao. Nakakatawa lang dahil for sure, madaming umiiwas sa Mathematics subject kaya andito ang mga ito. Math time kasi after meal. Parang lumalakas din ang tugtog na may kasabay na mga hiyawan at asaran ng mga tao sa paligid. Hindi ko na din alam kung ako lang ba pero nag-iinit ang pisngi ko dahil parang madaming mata ang nakatingin sakin. I’m about to finish my meal at isusubo na ang huling kutsarang kanin ng makita ko ang nakakuyom na kamay ni Derick sa mesa. Halos lumalabas na ang ugat nito kaya inangat ko ang aking ulo para makita kung bakit siya galit at nagulat ako sa lalaking nasa harap ko. He’s wearing a school uniform at may tali ang buhok niya. “Muka kang pineapple.” Opps! Sa utak ko lang dapat yun. Agad kong tinakpan ang bibig ko ng marealize na nasabi ko yung word na yun. Nakita kong kumunot ang noo ng lalaki sa harap ko pero nawala din agad ng bitawan niya ang gitarang kanina niya pa pinatutugtog. “Will you be my girlfriend, Miss Lexie Trouble?” He asked and I almost fall on the ground.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD