STUPID ALEX Hindi ko mapigilan ang pag agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Halos tatlong oras na akong nagkukulong rito sa kwarto at umiiyak dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ko matanggap ang kinahinatnan ng lahat ng ito. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. I came back thinking I wouldn't have a problem with Philip and the annulment. I thought magiging maayos ang lahat sa pagitan namin dahil nga hindi naman pagmamahal ang nagtatali sa aming dalawa. Kasunduan lang ang lahat kaya akala ko madali niyang matatanggap ang hinihiling ko. Akala ko kina mom and dad ako mahihirapan, iyon pala sa kanya pa ako mahihirapan. Bago pa tuluyang matapos ang pag-uusap namin kanina, he informed me na pupunta kami sa parents ko tonight. Although I’ve already prepared for the confrontations, h