Chapter 1

754 Words
Enjoy reading! Allianah's PoV, Hi, my name is Allianah Patricia Hovers. I'm 16 years old, nag-iisa lang akong anak. In short unica iha. Pero hindi ako spoiled brat. Mabait ako sa mabait sa 'kin. Hindi ko nga alam kong bakit hindi ako binigyan nila mommy at daddy ng kapatid. Ang boring tuloy. Mas masaya kasi kapag maraming kapatid. Ang pangalan ng mga magulang ko ay sina Irene at Harold. And I love them very much. Kasi hindi nila ako pinababayaan kahit busy sila sa business nila. May time sila para sa 'kin. Hindi naman sa pag mamayabang, actually, matalino po ako. Hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Kaya lahat nang gusto ko binibigay ng parents ko. Dahil gusto ko maging proud sila sa 'kin.  Ang hirap pala ipagsabay 'yong pag-aaral at yung business problem ng parents. Kasi yung company kasi namin na lulugi na. Marami na ngang utang sina mom and dad sa ibang kompanya na ka-share nila. Haaayy! Ang buhay nga naman. Kahit hindi nila sinasabi sa'kin na may problema sila ay nalalaman ko pa rin dahil minsan narinig ko sila na nag uusap tungkol doon. "Hi mom, dad." Bati ko kay mom and dad na nakaupo sa sofa. Himala ang aga nila umuwi ngayon. "Hello sweetie/princess," sabay rin nilang bati sa 'kin. At hinalikan nila ako sa pisngi. "Himala mom,,dad ang aga ninyong umuwi ngayon," sabi ko. "Wala naman kasing gagawin sa office," mom said. Tumango lang ako sa kaniya. Kung may itutulong lang ako sa kanila sana. "Ah mom, dad akyat lang po ako sa kwarto ko," pag papaalam ko sa kanila. Abal kasi sila sa panunuod nang tv. Tumango lang sila. Agad na akong umakyat papunta sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay agad akong humiga sa malambot kong kama. Kahit hindi pa ako naka bihis. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. ---- NAGISING ako sa ingay na kumakatok sa pinto ng aking kwarto. "Ma'am yanah, kakain na raw po kayo sabi ng mommy at daddy niyo." Agad akong bumangon at tiningnan ang maliit na orasan sa bedside table ko. Alas siyete na pala nang gabi. "Ma'am yanah," tawag ni manang Ghie. "Ok po manang Ghie. Bababa na po," sagot ko. Agad kong inayos ang nagusot kong damit. At agad na pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si mom, at dad na kumakain. "Halika na rito at umupo upang makakain ka na," mom said. Umupo na ako sa kaharap na upuan ni mommy. Then kumain na ako. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. At gumawa ng mga assignment at project ko. Nang matapos na ang dapat kong matapos ay pumunta na ako sa banyo at naglinis ng katawan, at nagbihis ng pantulog at natulog na. -—— Harold's PoV, Ako nga pala ang daddy ni Allianah. Proud ako sa unica iha ko kasi ang talino niya. Kaya mahal namin siya ng mommy niya. Narito ako ngayon sa office ko. Marami kasing problema sa kompanya ko ngayon. Nalulugi na kasi. Marami na nga kaming utang sa ibang business partner namin. "Sir, Mr. Saavedra is here. He wants to talk to you." My secretary said.  "Papasukin mo," tipid kong sagot. Si Mr. Saavedra ay isang negosyante katulad ko. May utang ako sa kaniya. Maya-maya ay pumasok na si Mr. Saavedra. "Mr. Saavedra, please sitdown." Sabay turo sa swivel chair na kaharap ng table ko. "Thank you Harold. By the way ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Kung hindi mo kayang magbayad ng utang mo sa'kin, may iba akong ideya para makabayad ka." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. "A-ano?" Nauutal kong tanong. "Kung papayag ka na ang anak mo ang kapalit." Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Ang utang ko kapalit ng anak ko? Parang hindi naman yata makatarungan 'yon. "Ahm...ano Mr. Saavedra baka may iba pang paraan para makabayad ako?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ako papayag na si Allianah ang ibabayad ko. "Im sorry Harold, but my son told me he wants to marry your daughter as soon as possible." Damn it! Bakit ang anak ko pa? Sino ba 'yang anak niya? Bakit gusto niyang pakasalan ang anak ko? "Ahhm subukan kong kausapin ang ang anak ko," wala na talaga akong magagawa nito. Kahit anong pagmamakaawa ko rito at hindi na talaga magbabago ang isip niya. "Okay Harold. Pupunta kami sa bahay niyo after three days." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Sana hindi magalit ang anak ko sa 'kin. Alam ko naman na hindi ako makakabayad ng utang ko sa kaniya. Ngunit hindi ko rin inaasahan na ang anak ko ang kapalit noon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito kay Allianah. ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD