Enjoy reading! Allianah's PoV, ISANG LINGGO na ang nakaraan nang umuwi rito sina mommy Aileen. At ako naman ay busy rin sa pag-aaral. Si Zeke naman busy rin sa company niya. At ngayon ay sabado pero maaga akong gumising kasi may pupuntahan daw kami ni Zeke. Hindi niya sinabi kong saan. Kaya kakatapos ko lang mag bihis. Pababa na ako ngayon papuntang sala kung saan naghihintay si Zeke sa 'kin. Agad siyang tumayo nang makita ako. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sumunod na lang ako sa kanya. Habang nasa byahe ay hindi kami nag-uusap. Ano naman kasi ang pag-uusapan namin 'di ba? Nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lang ako. Nagising ako nang may kamay na tumapik sa 'kin. Minulat ko ang mga mata ko at agad kong nakita si Zeke. "We're here." Sabi niya. Agad akong bumaba ng sa