Episode 20- Preggy

2178 Words

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na anggil ni Ara ng makita si Devin na ang sarap ng upo sa isang lounge chair at naka sunshade pa na akala mo ay nasa beach. "Nag babantay ng construction di ba obvious? 2 weeks n'yong tenengga ang project na to' so gusto kong makita kung nag tatrabaho ba kayong lahat dito." "Umalis ka dito kung ayaw mong mag mukhang espasol." turo ni Ara sa dereksyon pa aalis. "Naka safety gear ako at walang masama na nandito ako. Hindi ako na kakaabala sa mga nag gagawa." "Hindi ako nakikipag biro sayo Mr. Lagdameo. Lumayas ka kung ayaw mong tabunan kita ng buhangin rito. Kayo d'yan." sigaw ni Ara sa dumaan ng dalawang construction worker. "Alisin n'yo yan." turo ni Ara sa sunshade. Agad naman tumalima ang mga tauhan n'ya pero 'di pa rin tuminag si Devin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD