"Makakalabas na po kayo tay, konting tiis nalang," sambit niya habang hawak ang kamay ng ama. Katatapos lamang nitong kumain at kung pwede lang ay tabihan niya ito sa loob ng kulungan ay ginawa na niya. Sobra ang awa niya rito lalo at patanda na ito. Hindi dapat ito sa prisento kundi sa bahay nila at nagpapahinga. "Kahit hindi na anak sa tulad nating mahirap ay sadyang mailap ang hustisya," sagot nito. Napalunok siya upang tanggalin ang bikig sa lalamunan na nagsisimula na namang mamuo. "Ano kaya 'tay kapag hindi kayo nakalabas ay samahan ko nalang kayo diyan sa loob," pagbibiro niya. Gusto niyang kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito. Napatawa ito at labis labis na iyon kay Richell. "Ikaw talagang bata ka puro kalokohan ang palagi mong sinasabi." "Kasi 'tay di ko naman kayang wala