Venice' POV: Kanina pa nakakunot ang noo ko sa panonood kina Zen at Alex. Kanina pa sila naglalaban at hindi ko alam kung ano ang gusto nilang patunayan sa isa't-isa. Nandito kami sa bakanteng lote sa bahaging gubat-gubatan na malapit sa boarding house ni Alex. Hindi din naman ako nag-aalala na makita kami ng mga tao dito dahil sa ginamitan ni Zen ng kapangyarihan ang buong lugar. In-alter nila ang lugar at ginawang tila training ground. Paikot-ikot ang asul na tela ni Zen sa kanya habang inaatake si Alex. Nanatiling hindi din kumikilos si Zen sa kinatatayuan n'ya. At si Alex. May apat na metro yata ang layo nila sa isa't-isa. Hindi din umaalis sa posisyon n'ya si Alex, lagablab lang ng apoy n'ya ang kumikilos para sa kanya. Ang tela ni Zen laban sa lagablab ni Alex. Pulang apoy laba