Fhaye's Pov: Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging byahe namin. Ang alam ko lang ay nanatiling magkasalikop ang mga kamay namin hanggang sa tuluyang tumigil ang bus. Nagbabaan na ang mga kapwa ko estudyante hanggang sa kaming dalawa na lang ni Kean ang matira. Hindi ko pa din alam kung tama bang sumama ako sa kanya, kung tama bang magkasama kami ngayon. Dahil dapat ay lumalayo ako sa kanya. Sapat na'ng dahilan ang pagiging magkaiba namin, ang katauhang mayroon ako. Pero baka... Baka sakaling kahit ngayon lang ay pagbigyan ko ang sarili ko na sumaya. "Fhaye..." "Huh?" Gulat na napatingin ako kay Kean. Nakatayo na s'ya sa gilid ko. "Tara na, ilang oras na lang ang mayroon tayo bago bumalik ng Academy." Tumango lang ako at nagpatianod na lang. Sumunod lang ako sa kung saan s'ya p