Donna's Pov: Isang beses ko pang pinagkiskis ang mga palad ko. Muling uminit ang pakiramdam ko at itinaboy niyon ang kabang nararamdaman ko. Hindi lang naman ako ang namumutla na dahil sa kaba, maging ang mga Freshman at sina Dianne ay malapit ng mag-kulay papel ang mukha. "Matagal pa ba si TL?" Pilit na sumilip ang ulo ni Ian. Nandito kami sa loob ng shuttle bus na para sa Team 7, ito ang magdadala sa buong team namin sa People's Town at kasalukuyan nga naming hinihintay ang Team Leader namin. Hindi lang naman kami ang naghihintay dito. Nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada ang lahat ng shuttle na sasakyan ng siyam na team. Nasa loob na kami ng shuttle at tanging ang mga Team Leader na lang ang kulang. Nasa loob pa sila ng opisina ni Sir Link na siyang mamamahala sa Heaven's A