Donna's Pov: Una kong naramdaman ang malambot na bagay na sumasalo sa pagod kong katawan. Hindi ko na kailangang imulat pa ang mga mata ko dahil kahit nakapikit ay alam kong nandito na naman ako sa clinic. Sa pribadong silid dito sa clinic ng Saint Runes, lagi namang dito ang destinasyon ko sa tuwing napupunta ako sa alanganing sitwasyon. Normal na ito para sa akin. Ilang beses na ba akong nagising sa lugar na ito matapos ng isang alanganing sitwasyon? Hindi ko na mabilang. Napakadaming beses na at ayoko na ding alalahanin ang mga dahilan. Ganoon ako kahina kaya hindi ko alam kung bakit ang tingin nila sa akin, sa aming mga Mongrel ay malalakas. Naiintindihan ko kung bakit dito ako idiniretso sa clinic ng mga warrior na nakakita sa akin sa labas ng Heaven's Arena. Dahil hindi din nama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books