“TULONG!” malakas na sigaw niya sabay balikwas ng bangon.
Habol ang bawat hininga. Umagos ang luha mula sa mga mata ni Malaya habang paulit-ulit na nagrereplay sa kanyang isipan ang gabing iyon. Halos isang minuto din ang lumipas bago siya tuluyan nahimasmasan. Nang lumingon sa paligid, saka lang niya naalala kung nasaan siya.
Huminga siya ng malalim saka pinikit ang mga mata. “It’s just a nightmare,” sabi niya sa sarili.
Nang bumaba sa kama, agad niyang binuksan ang bintana. Muli siyang pumikit nang maramdaman ang pagdampi ng malamig at sariwang hangin sa kanyang balat. Nang muling dumilat ay binati siya ng magandang tanawin. The beautiful and majestic Swiss Bernese Alps. Patapos na ang Winter Season doon sa Grindelwald, Switzerland at papasok na ang Spring. Nagawang payapain ng magandang tanawin sa harapan ang kanyang damdamin.
“It’s another day,” she sighed.
Matapos ayusin ang kama, binuksan niya ang mga bintana at pinto sa terrace para pumasok ang sariwang hangin, saka siya pumunta sa kusina at nagluto ng agahan.
It has been two years since her attempted murder happened. Nalaman ni Laya na tama ang hinala niya, si Jim nga ang serial killer na pumatay sa mga babaeng na matagal nang iniimbestigahan ni Musika, ang kakambal niya na miyembro ng Task Force Eagle o ang elite group na binuo ng NBI para pagtuunan ang maseselang kaso gaya ng naging kaso ni Jim. Unfortunately, isa si Laya sa naging biktima ni Jim. Nagkataon lang na nagawa niyang manlaban kaya nakaligtas siya.
Napag-alaman niya na pumapatay si Jim sa tuwing nakakaramdam ito ng galit at matinding frustration at selos kay Musika at sa nobyo nitong si Edward. At kapag nangyayari iyon, maghahanap ito ng babae, kakausapin, kukuhanin ang loob at kapag sumama sa kanya para makipag-s*x, doon nilalabas ni Jim ang matinding pagnanasa kay Musika. Moaning her twin sister’s name while f*cking another woman. At kapag pumalag ang mga babae, he will kill them all. Nang gabing mangyari ang muntikan pagpatay sa kanya, nagkataon na nagkita sila ni Jim at natuon ang atensiyon nito sa kanya dahil iisa ang mukha nila ni Musika.
Matapos ang imbestigasyon ng kaso, nag-desisyon siyang pumunta doon sa Switzerland kasama si Musika. They went there to heal together. Si Musika para palayain ang sarili sa guilt na nararamdaman nito dahil sa nangyari sa kanya at iba pang biktima, bilang kaibigan ni Jim at dahilan kung bakit nagawa ng lalaking pumatay. Siya, bilang isang biktima at palayain ang sarili sa multo ng gabing iyon.
Musika was able to free herself from guilt. Makalipas ang isang taon, kinailangan na nitong umuwi ng Pilipinas at bumalik sa trabaho. Samantala si Malaya, mas pinili niyang manatili doon sa Switzerland. She can’t free herself from that nightmare. Hindi niya matanggap sa sarili na siya mismo ang naglagay sa sarili niya sa alanganin. She hated herself. Muntik na siyang mamatay dahil nagpadala siya sa init ng katawan at damdamin. Sumama siya kay Jim dahil ang akala niya, kilala at mapagkakatiwalaan ang isang tao na matagal na niyang kakilala at hindi lang minsan, kung madalas nilang pinapapasok sa kanilang tahanan. Pero nagkamali siya. Nagmahal siya ng isang serial killer. She messed up. She gave herself to a man she loved for so long, not knowing his real identity. A man who took many lives just because of his own selfish desire.
Kung mayroon man mabuti sa nangyari, siya ang naging daan para matigil at mahuli si Jim. But that left a big trauma in her life. Malaya was diagnosed with PTSD or Post Traumatic Stress Disorder, a type of Anxiety Disorder that can develop from a terrifying event in which grave physical harm occurred. Iyon ang dahilan kaya mas pinili ni Malaya na manatili doon. What happened that night of her attempted murder became her nightmare. Sa tuwing naalala niya ang gabing iyon, sa tuwing naiisip niya na sa bahay nila mismo namatay si Jim. Inaatake siya ng matinding anxiety. Nawala ang tiwala niya sa mga tao sa paligid niya. Pakiramdam ni Laya ay gaya sila ni Jim. I know that’s unfair, but she can’t help it. Kaya habang hindi pa maayos ang mental health niya. Laya decided to stay at this place.
Grindelwald, Switzerland has been her home for the last two years. Ang bahay na tinutuluyan nila ngayon ay pamana ng nasira nilang surrogate/biological na ina. Katamtaman at hindi masyadong kalakihan ang bahay na iyon. It’s a typical and traditional Swiss house called Swiss Chalet House. Ang buong bahay ay gawa sa matibay na kahoy na Yellow Pine Wood ang tawag. Dalawang palapag iyon at matatagpuan sa paanan ng bundok at pinakamataas na bahagi ng Grindelwald Village. Her house is slightly secluded from other houses. Kaya tahimik ang buong paligid.
After brewing her coffee, she pulled out a day-old homemade baked croissant from the breadbasket. Pagkatapos ay naupo siya sa harap ng dining table at kumain habang tinitingnan sa phone ang schedule niya sa araw na iyon. May session pala sila ng Psychiatrist niya mamayang alas-dos ng hapon. Matapos kumain ay agad siyang naligo at nagbihis saka umalis para pumasok sa trabaho. Halos wala pang limang minuto ay nakarating agad siya sa pinapasukan.
Malaya looked up to the signboard of that Swiss Chalet Lodging House.
“Santillan Lodging House,” she said.
Isang taon na rin ang nakakalipas simula nang bilhin ng Kuya niya ang lodging inn na iyon. Nakita nito iyon nang mag-honeymoon ito doon sa Switzerland. It was a struggling lodging inn, halos wala nang guests na pumapasok dahil hindi na kayang i-maintain ng may-ari ang buong lugar. Kaya naman kinausap ng kapatid niya ang may-ari at binenta nga nito ang lugar. Matapos ang renovation at ayusin ang mga papeles ay agad nilang binuksan iyon sa publiko. Isa iyon sa dahilan kaya minabuti ni Malaya na manatili doon sa Switzerland. She wants to manage this Lodging House on her own, kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang pumayag ang kapatid.
It has been running for eight months, and so far, business is great. Summer ang peak season nila dahil maraming turista ang pumapasyal doon sa mga panahon na iyon. Katamtaman lang kasi ang temperature doon kapag summer. Pero kapag ganitong katatapos lang ng Winter, medyo hindi pa ganoon karami ang tao.
“Guten morgen, Miss Altherr.” bati ni Laya sa Receptionist niyang Swiss na babae, na ang ibig sabihin ay Good Morning sa salitang German.
“Guten morgen, Ma’am,” sagot nito na nakangiti.
“Do we have a lot of guests for today?” she asked.
“Quite a few have already booked in for five days and four nights, and we are already fully booked for the Summer. So, I think things are really great,” sagot ni Dahlia.
“Awesome, thank you for giving me some heads up.”
“You’re welcome.”
Pagdating niya sa kanyang opisina na matatagpuan sa pinakadulo ng hallway. Agad niyang hinubad ang coat at scarf na nakabalot sa leeg. Kahit tapos na ang Winter ay napakalamig pa rin doon, kanina ay pumalo ng six degrees celcius ang lamig sa buong Grindelwald.
“Good Morning, boss!” magiliw na bati sa kanya ni Marites, ang Filipino na Sekretarya niya doon.
“Morning,” sagot niya sabay ngiti.
“Kumusta naman ang tulog mo?”
Bumuntong-hininga siya. “Ayos na sana, kaya lang…”
“Napanaginipan mo na naman?” dugtong nito sa sinasabi niya.
Tumango si Malaya kasabay niyon ay bumuntong hininga ang babae.
“Grabe, parang ayaw ka pa rin patahimikin.”
Ngumiti siya ng may lungkot sa mata. “Hayaan mo na, okay lang naman ako.”
“Sure ka?”
“Oo, don’t worry.”
Nagkibit-balikat ito.
“Ay! Oo nga pala, nag-email ang Kuya mo.”
Napakunot-noo siya. “Sino sa dalawa?”
“Si Hiraya.”
“Nag-email sa’yo?”
Tumango si Marites. “Hindi mo daw kasi sinasagot ang chat messages and email niya kaya sa akin nag-email.”
Bumuntong hininga siya sabay iling.
“Ayaw mo man lang ba silang pagbigyan?” tanong ni Marites.
“Alam mo naman kung bakit, di ba? Hindi pa ako handang umuwi.”
“You know what girl? I’m your friend. Hindi ko man alam ang eksaktong nangyari sa’yo, pero isa lang ang masasabi ko. Siguro, ang kailangan mo ay unti-unti mong buksan sa iba ang puso mo. Ibig kong sabihin, maging open ka sa nangyari sa’yo. Huwag mong kimkimin. Hindi man siya one hundred percent na makakapagpagaling sa PTSD mo, pero iyon na ang simula. When you open up.”
She sighed and smiled at her. “I’ll think about it. Thank you for your advice.”
Marites smiled and tapped her at the back.
“Tawag ka lang if you need something,” sabi nito.
“Thanks.”
Nang mapag-isa sa opisina. Napalingon siya sa picture frame sa gilid ng table niya. It was their family picture.
“I miss you all, but I’m sorry I’m not yet ready to go home,” pagkausap niya sa larawan.
She has a big family. Her Dad is Armando Santillan, a retired General in Philippine Army and her Mom is Estelle Van de Berg Santillan, a pure Dutch and was from Netherlands. Pito silang magkakapatid, ang panganay nila, si Maria Amihan Santillan-Sebastian, now married, ang tumayong ikalawang ina nila matapos mamatay ang ina sa plane crash. Mayroon siyang nakakatandang kapatid na kambal, si Himig at Hiraya Van de Berg-Santillan at ang huli ay silang Quadruplets, Malaya, Mahalia, Musika at Mayumi. Ang kambal at silang quadruplets ay produkto ng tinatawag na surrogate pregnancy.
Ang Surrogacy ay isang kasunduan, na madalas ay suportado ng isang legal na kasunduan, kung saan ang surrogate mother o ang babaeng magbubuntis ay pumayag na dalhin sa sinapupunan nito ang baby sa pamamagitan ng artificial insemination, or implanting the fertilized eggs created by in vitro fertilization. Sa kaso ng Daddy niya, isang traditional surrogacy ang ginawa, kung saan ang sariling egg cells ang ginamit at ang sperm cell ay mula sa Daddy niya. Sabi ng Ate Amihan niya, ginawa daw iyon ng Daddy nila ayon na rin sa sariling kagustuhan ng Mommy Estelle niya na magkaroon ng maraming anak. And that made their surrogate mom, their biological mom as well. Sinabi pa ng Daddy nila na matalik na kaibigan ng Mommy at Daddy nila ang surrogate mom nila kaya walang naging problema. Sayang lang at hindi nila nakagisnan ang kanyang Mommy Estelle, dahil namatay ito bago pa man naisipan ng Daddy nila magpa-surrogate.
Close silang pamilya kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon ang ginagawa ng kapatid niya. This was the first time that one of them are away from the rest that long. Pero hindi niya pa kayang umuwi. Hindi pa kayang harapin ni Malaya ang mundo na dati niyang ginagalawan. Natatakot siya sa maaaring panghuhusga ng mga tao sa kanyang pagkatao dahil sa nangyari.