PART 1

1120 Words
PROLOGO: . . . "Ate, maglalaro lang ako sa labas!" "Sige pero 'wag ka masyadong lalayo, hah?" "Opo!" Tuwang-tuwa na tumakbo na ang batang babae sa labas ng gate ng malaki at magarang bahay nila. Para siyang ibon na nakalaya sa kanyang kulungan. Masaya siya kasi muli na niyang makakalaro ang mga kaibigan niya sa kalsada. Ngunit iyon na pala ang kaniyang ikakapahamak at huling sandali ng buhay niya! Paglabas niya ay isang itim na van ang nag-aabang sa kanya. Agad bumaba ang isang lalaki roon na may mask sa mukha at hinuli siya. "Eiiiiiiihhhhhhh!!" Tili niya ng matinis at malakas. "Bilis! Ipasok mo na siya rito!" Utos ng lalaking nasa loob ng van sa kasama nitong humahawak sa bata. Sa liit ng katawan ng bata ay nagawa pa niyang makawala sa lalaking humuli sa kaniya. Kinagat niya ito sa braso. "Pesteng bata!" Galit na naisigaw ng lalaking sapo ang braso. "Attttteeeeeeeee!!" Nagdudumali ang bata na pumasok sa gate ng bahay nila. Ngunit nahuli ulit pa rin siya ng lalaki at tinakpan na ang bibig niya. May nasinghap siya sa panyo na nakakahilo. Ayaw man niya ay dahan-dahan na pumikit ang kanyang mata habang nakatitig sa gate ng bahay nila. "A-ate?!" huling usal niya bago tuluyan siyang mawalan ng malay tao............. . . . PART 1: Didilat tapos pipikit. Paulit-ulit. Hanggang sa naimulat na nga ni Jo-anne ang kanyang mga mata. Kunot ang noo niya na pilit niyang inaaninag ang paligid. Pero pumikit siya ulit ng mariin dahil nasilaw siya sa puting dingding na nakikita niya. "May nakikita ka na ba, Jo-anne?" Narinig niyang tanong sa kanya ng duktora. "Anak, kumusta ang paningin mo?" Tapos ay boses din ng kanyang ina. Hindi siya nakasagot. Matinding kaba kasi ang bumabalot sa kanyang pagkatao ngayon. Dahil dalawang taon din siyang nabulag dahil sa aksidente noon at... at kinakabahan siya ngayon dahil baka hindi successful ang kanyang operasyon. Matagal niyang inantay ang pagkakataong ito, ang mapalitan ang na-damage niyang mata noon, kaya naman abut-abot ang kanyang dasal. Sana nga ay makakakita na siya ulit! "Jo-anne, magsalita ka para alam ko kung ano'ng nangyayari sa'yo," malumanay na sabi ulit ng mabait na duktora niya. Naramdamam niyang hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya. Sa wakas ay nagawa niyang ibuka ang mga labi niya. Habang nakapikit pa rin siya ay sinubukan niyang magsalita. "D-doc, na-nasisilaw po ako," sagot niya na nanginginig ang tinig. Nakita ni Aling Juana, ang nanay ni Jo-anne, ang pagbuntong-hininga ni Duktora Florez kaya naginhawaan din ang ginang. Kung matindi ang nerbiyos ni Jo-anne ay higit pa si Aling Juana. "Doc, okay lang ba ang anak ko?" Ngumiti si Duktora Florez. "Yes. Normal lang 'yon dahil matagal siyang hindi nakakita ng liwanag." Natutop ni Aling Juana ang sariling dibdib. Mas naginhawan pa ang pakiramdam ng ginang. "Jo-anne, sige na. Open your eyes. Makakakita ka na. 'Wag kang matakot, iha." Pagkuwa'y baling ulit ng duktora sa dalaga na ayaw pa ring imulat ang mga mata. Takot pa rin si Jo-anne. Paano kung hindi successful ang operasyon? "Sige na, Anak. Akala ko ba sabik kang makita ang magandang mukha ni nanay?" nagawang ibiro ni Aling Juana, pampalubag loob nito sa anak. Malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Jo-anne bago niya sinubukan ulit na imulat ang kanyang mga mata. Si Lord na ang bahala sa kanya. Kung hindi successful ay okay lang siguro, sanay naman na siya sa dilim. At halos hindi humihinga si Aling Juana habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagbukas ng mga mata ng kanyang anak. Maluha-luha rin ito dahil kahit ito man ay kay tagal din nitong inasam na muling makakita ang anak. Kumurap-kurap ang mga mata ni Jo-anne. Sinalubong na naman kasi ang paningin niya ng nakakasilaw na puti ng paligid. Noong una, dalawang malabong mukha ang kanyang nakakikita, hanggang sa unti-unti rin iyong luminaw. Sa isa pang pagkakataon sa buhay niya ay muli niyang nakita ang mukha ng kanyang ina. Tumanda man konti ang mukha ng Nanay niya ay hindi niya kailanman iyon nakalimutan. Naluha na siya. "N-nay?!" saglit ay nanabik na tawag niya sa Nanay niya. Sumilay sa mga labi ni Aling Juana ang maluwang na ngiti. "Na-nakikita mo na ako, Anak?" Ngumiti at tumango siya bilang tugon. "Ay Diyos ko salamat po!" Tuluyan na ring napaiyak si Aling Juana. Niyakap nito ang anak ng mahigpit na mahigpit. Nag-iyakan ang mag-ina sa sobrang saya. Tuwang-tuwa naman si Duktara Florez para sa mag-ina. Kapag ganito na successful ang operasyon nito ay nagdidiwang din talaga ang damdamin nito. Bilang doctor ay masaya ito kapag may nagagamot ito. Hindi lang kasi ito bilang isang trabaho para sa duktora, ang pinili nitong bokasyon na ito ay ginagawa nito para makatulong sa mga tao. "Salamat po," madamdaming sabi ni Jo-anne sa duktora habang yakap pa rin niya ang kanyang Nanay. Sabi na nga ba niya at maganda ang kanyang doctor. Napakaputi ni Duktora Florez at ang linis nitong tingnan sa suot na puti. Kahit hindi niya ito nakikita noon ay nai-imagine niyang maganda ito dahil napakabait ni Duktora Florez. "You're welcome. Masaya ako at makakakita ka na ulit. "Thank you po talaga, Doc. Tatanawin ko pong utang na loob ito sa inyo habang nabubuhay ako," senserong pasasalamat niya pa rin. Walang pagsidlan ang kaniyang kaligayahan. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakakakita na siya. Naghiwalay silang mag-ina ng yakap pero magkahawak pa rin sila ng kamay. "Napakabuti talaga ng Diyos sa'tin, Anak," madamdaming wika ni Aling Juana. Hindi pa rin ito makapaniwala na ang anak nitong si Jo-anne ang mabibigyan ng ganitong napakalaking biyaya. "Oo nga po, Nay," sabi rin ni Jo-anne na naluluha na naman. Akmang pupunasan niya ang luha niya pero pinigil siya ni Duktora Florez. "Huwag mo munang galawin. Use this tissue," saka saad nito na inabot ang malambot na papel sa kanya. Abo't hanggang teynga ang naging ngiti niya. Hindi niya mapigilan kasi ang tears of joy niya. Nasa masayang kwentuhan pa silang tatlo nang may napansin siya sa may bandang pinto ng silid niya. Napatingin siya roon dahil may batang babae na nakatayo roon, batang babae na edad walo siguro. Mahaba ang kulot na buhok nito na may bangs, maputla ang mukha, naka-dress ng maganda na kulay puti at matamang nakatingin ito sa kanya. Napakunot-noo siya. "Sino siya, 'Nay?" tanong niya sa Nanay niya na tinuro ang batang iyon. Napalingon si Aling Juana sa tinuro niya. Pati na rin si Duktora Florez. "Anak? Sinong siya?" Ngunit balik tanong ng Nanay niya sa kanya. "Siya po. 'Yang bata. Kaninong anak po 'yan?" Turo ulit niya sa batang babae. Anong silakbot ang naramdaman ni Aling Juana at Duktora Florez. Pakiramdam nila ay tumayo lahat ang mga balahibo nila sa katawan. Sapagkat wala namang tao o bata sa tinuturong banda ni Jo-anne!!..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD