"How can you let him post those pictures?!"
Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko habang naglilitanya sa harap ko si Mikael. He was wearing a pink polo na naka tuck in sa khaki pants nya. His hair in his usual brush up updo. His earrings glitters and his musky scent's all over the house.
Yep, kakadating nya pa lang mula Davao and since late na para masundo nya ako, i invited him na sa bahay na lang mag dinner. I also told Mamsi about it, but as much as she wanted to go home early, may fashion show daw kasi syang pupuntahan para pagservice-an.
Ngayon na nga lang tumanggap si Mamsi ng on call service.
The two days na nawala sya ay hindi nabawasan ang hotness at kagwapuhan nya. Na excite pa ako when I received his call kaninang lunch break. Naimagine ko na agad na mayayakap at mahahalikan ko na sya ulit.
But it doesn't change the fact na galit sya.
"Kael.."
"Don't you Kael me, Resha. I'm mad at you." Finale na sabi nya.
Tiningala ko sya. Kitang kita ko ang pagsimangot nya habang nakatayo sya paharap sa akin na nakaupo na sa sofa. Kakarating nya pa lang at iniinit ko sa microwave and lasagna na bigay daw kay Mamsi ng client nya.
Sinalubong ko sya sa gate at muntik na akong maubusan ng hininga sa pagpipigil when I finally sae him again. Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinapit nya na ako at hinalikan ng mariin. Halos hingalin ako sa tagal. He was quiet until makapasok na kami and he started babbling about seeing mine and Neil's hugging pictures.
Huminga ako ng malalim at tumayo. "That was just for fun." Malambing na sabi ko. Lumapit ako sa kanya and hugged him. Hindi naman sya tumutol. I rested my head on his chest. Napapikit ako nang malanghap ko ng buo ang amoy nya.
"That wasn't funny at all, Resha. You were almost naked and you let him hug you from behind!" Tumaas ang boses nya.
Gusto kong matawa dahil parang nag oover react sya.
Tiningala ko sya. "Kael, we both know that Neil's gay." Paalala ko.
"It doesn't change the fact that he's in a man's body. Malay ko ba kung maging straight yon bigla at pagpantasyahan ka?" Salubong ang kilay nya habang naka yuko sa akin.
"Seriously? Naiisip mo yon?" Nakalabi na tanong ko. It feels weird, thinking na pagpapantasyahan ako ni Neil.
"Damn it. Ipatanggal mo yon sa kanya." Maya maya ay utos nya ulit.
"Why do you even know about that? Hindi pa ulit kita friend sa f*******:, I doubt na friends kayo ni Neil sa facebook." Nagtataka na tanong ko.
"It doesn't matter. I have my source." Seryoso pa rin na sabi nya. "But seriously. Those images freak me out. Naiinis ako."
Humiwalay ako sa kanya. "Fine. Sige na mahal na prinsipe." I playfully said.
Para syang namatanda sa sinabi ko.
"What did you said?" Napakurap kurap pa sya.
I laughed. "You were so bossy like you were some kind of a royalty, you know." Kibit balikat na sabi ko.
Tumalikod na ako at inaya sya sa dining room.
Nilabas ko ang isang tray ng lasagna mula sa microwave, naglabas din ako ng natira na slice ng cake sa ref at juice.
"I hope you're fine with this. Even if I know how to cook, medyo late na para magluto." Defensive na sabi ko.
"It's fine." Matipid na sabi nya.
He sat next to me. Pinagluwagan ko sya ng lasagna sa plato nya and we started eating in silence. Pasulyap sulyap ako sa kanya. He eat so graceful, minsan gusto ko na sya asarin. Pero malay ko ba kung naging preference nya na lang iyon since tumira naman sya sa ibang bansa.
"Ano pala pinunta mo sa Davao?" Casual na tanong ko.
"Irina had me helped her with something." Sagot nya bago sya muling sumubo.
I froze for a second, pero madali ako na naka bawi.
"Out of town gig or something like that?" Umiwas ako ng tingin. I wanted him to feel like I wasn't jealous. But I am so damn jealous inside.
Alam ko naman na sabi nya, close lang talaga sila. Kung meron man namamagitan sa kanila, edi sana, nasugod na ako ni Irina. I introduced myself to the woman like an idiot dahil sa inis before.
Fuck buddy my ass.
He chuckled, parang may naalala sya bago muling sumubo at sumagot. "Something like that."
"I see." I want him to spill the details pero madidisappoint lang ako kaya hindi ko na lang naipush. "So any plans on this weekend?"
Napalingon sya sa akin. "You have something on your mind?"
Umiling ako.
"We can just watch a movie or something." Kibit balikat na sabi nya. His hands started roaming my body at ang init ng dinadaanan ng kamay nya.
Napa ngiti ako. Anything, basta kasama sya.
"Sure." Tipid na sabi ko.
We cuddled at the sofa watching the news. Nagbibigay kami ng mga opinions regarding the current affairs and it's impressive to know na bukod sa kahit dalawang taon syang nag stay sa Lexembourg ay alam nya pa rin mga issues sa bansa, I like how his opinions makes sense.
He explains things, why he thinks it's like this or that. I was mesmerized while he was talking. Nakahiga sya sa hita ko. Yumuyuko ako sa kanya kapag kakausapin ko sya.
"It's really nice to spend times like this with you, Resha." Maya maya ay sabi nya.
Napataas ang kilay ko. "What do you mean?"
He smiled, tapos bumangon. Umayos sya ng upo at tumabi sa akin. "Like this. You know, just talking, watching the telly."
He was looking at me intently pakiramdam ko ay hinihigop ng mata nya ang kaluluwa ko. I felt the familiar heat to my cheeks kaya napayuko ako.
I heard him laugh. "You're so pretty especially when you blush, hon. Come here." Inakbayan nya ako and pulled me closer. Then he slid his other hand into my waist.
Tiningnan ko sya, our eyes met again and he kissed me. I closed my eyes and felt everopne of my veins became alive again.
Just one touch from Mikael makes my stomach flutter with excitement. The past years na walang lalaking nakapagparamdam ng ganito saken make me feel like Mikael is worth the wait. The intensity of emotions I always feel when I am with him or for just even thinking about him is just undescribable.
Sya na ang unang humiwalay. I opened my eyes and saw him smirked.
"I would like to take you right here, right now but I am too tired from the drive." He lifted his hand and brushed my cheeks with the back of it. "I missed you."
I giggled. "I missed you more."
Bigla ay ibinaba ni Mikael ang kamay at sumimangot. "I doubt that. Mukhang enjoy ka naman kasama si Neil while I was gone."
Natawa ako. "Seriously? Babalik na naman tayo dyan?"
"It's not a laughing matter."
Natawa pa rin ako sa serious reaction nya.
"Resha, isa!"
Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko na seryoso na talaga sya.
"Fine. Hindi na nga eh." I bit my lower lip para ni pagngiti ay di ko magawa.
"Good." Then he stood up. "Anyway, I should go. It's getting late. Susunduin kita bukas, alright?"
Tumango ako.
He pulled me into a hug bago ko sya ihatid sa labas ng gate and he went.
Para ako'ng tanga na naka ngiti hanggang sa pagtulog.
The weekend came fast. Lalo ako'ng naeexcite. I am a party girl no more. I just always look forward to the time na susunduin na ako ni Mikael, and mag dinner kami tapos ihahatid nya ako sa bahay.
Busog na busog ako sa mga pangaral ko kila Nella before. Unlike others naman, hindi naman umabot sa punto na may nagtampo sa amin dahil masyadong attached sila sa mga boyfriends nila at that time. And now, ako na ngayon ang nasa katayuan nila na palaging excited makita si Mikael.
May mga instances lang na ako mismo, na annoyed sa paulit ulit nilang reklamo. Halimbawang may nasabi lang bf nila, bibigyan na nila ng kahulugan. Or kapag na late ng isang beses at hindi sila naniniwala sa excuse, mag iisip na sila ng kung anu ano.
I am getting myself ready for those moments, actually. Alam ko na pagdadaanan ko rin yon sooner or later. But so far, so good kay Mikael. I like the fact that he doesn't bombard me with text messages every hour.
Dagdag pa na walang stress sa trabaho ko kaya pakiramdam ko, everything about my life is good.
Maaga ako nagising at naabutan ko pa si Mamsi.
"Aalis kayo mamaya ni Kael no?" Bati nya.
"Yes, Mamsi." Hindi ko naitago ang ngiti.
Tumawa si Mamsi. Kasalukuyan syang naghahanda ng hapag kainan. Tocino ang ulam.
"I like that guy. Pero sana dahan dahan lang kayo. Masyado pa kayong bata." Nakangiti na sabi ni Mamsi.
"Opo naman. Napag usapan na po namin ang tungkol dyan. We're taking it slow."
"Good to know. Halika na, bago pa lumamig ang fried rice."
Alas tres ng hapon ako sinundo ni Mikael. He was wearing a white polo and khaki shorts. He looked so oh so dashing in his attire, idagdag pa na super visible ng tattooes nya sa braso dahil sa suot nya.
Tinanggal nya ang suot nyang aviator when he saw me got out of the gate. Naka sandal sya sa kotse nya habang nasa bulsa ang isang kamay. He gave me a smack on the lips and opened the car door for me.
"So.. where are we going?" I asked nang maka settle na ako sa upuan.
"Megamall, I guess. Pinaka accessible." Sagot nya.
Kakaiba ang intensity ng aura ni Mikael ngayon. Kinikilig ako na di ko malaman.
Medyo maraming tao. Hila hila ako ni Mikael papunta sa cinema. Pinagtitinignan kami- scratch that. Pinagtitinginan sya ng mga tao. Masyado syang mahirap i ignore at parang wala lang syang paki.
No matter how cliche as it sounds, Mikael really is a scene stealer. Ako na ang nahiya sa pagtingin ng mga tao.
"Stay there, alright? Bibili lang ako ng ticket." Bilin nya. Hinalikan nya ako sa noo bago sya umalis.
Hindi namin napag usapan kung ano ang papanuorin. Hindi ko na rin naman inisip, hindi naman ako mapili sa kung ano papanuorin since interisado naman ako kahit ano mapanuod.
Sinundan ko sya ng tingin as he swiftly came to the line. Natawa pa ako nang may mga teenagers na sumunod sa kanya sa pila at parang nagtutulakan pa na kinikilig. And he's still very calm.
Nakangiti pa rin ako ng bumalik sya holding the ticket in his hands.
"Hey." Bati ko.
Sumimangot sya. "Can you not wear short shorts next time?" Imbes ay tanong nya.
Nawala ang ngiti ko. Tiningnan ko pa ang suot ko'ng shorts. Maayos naman. "Panget ba? May butas?" Nagpa panic na tanong ko.
Binili ko pa naman 'to sa forever21!
Lalo syang sumimangot. "No. It looks good on you. To good that other guys are already f*****g ogling at you." Parang bata na nagmamaktol sya.
Napa tanga ako sa sinabi nya. "What?"
"Tara na. Baka makasapak pa ako ng mga tumititig sayo at sa hita mo." Walang sabi sabi na kinuha nya ang kamay ko at hinila papunta sa counter para bumili ng snacks.
Natawa pa ako kaya tiningnan nya ako ng masama.
"Hello! Mas madami nga tumitig sayo at parang gusto ka pa iuwi!" Pigil ang tawa na sabi ko pa.
"I don't care." Inirapan nya pa ako.
"Ang sungit mo ngayon. Meron ka ba?" Hindi ko napigilan asarin pa sya.
"Shut it, Resha." He glared at me at natawa pa ako lalo.
Wala na sya nagawa dahil kami na ang oorder.
Tsaka nya lang binitawan ang kamay ko ng kukunin na namin ang order namin. Dalawang large drinks, malaking popcorn at bowl ng fries.
May fifteen minutes pa bago magsimula pero naka pwesto na kami sa balcony. Nagsimula na ako pumapak ng fries at popcorn pero hindi mawala ang ngiti ko.
"Stop smiling like an idiot." Mahinang saway nya.
"Wag ka ngang killjoy. First time ko 'to, no." Tapos sumubo ako ng fries.
"First time in a cinema?" Nagtataka na tanong nya. Ginagap nya ang kamay ko at hinolding hands ako.
Napanguso ako. "Are you for real? Of course not. First time to come here alone with someone.. na.. you know.." I let him take the hint.
"Oh. That means the douchebag who spiked your drink did not have the chance to come here with you?"
Umiling ako. "Oo naman. Sila Nella madalas makasama ko, kapag wala silang lakad ng mga boyfriends nila, ganon."
Tumango tango sya. “Good then.” Seriously, kumalat na ata sa pwesto namin ang amoy nya. So wonderful. Sana hindi punuan at walang tumabi kay Mikael. Ako kasi yung nasa may aisle.
The movie started at nagulat ako nang ibaba ni Mikael ang pwesto nga sa upuan. Hindi nya binibitawan ang kamay ko at sumandal sa balikat ko. Napatigil ako saglit.
Para akong teenager na kinikilig.
Seriously. Ilang linggo na kaming ganito pero may mga instances pa rin talaga na nakakaramdam ako ng kilig kay Mikael. Sa galaw nya, sa mga sinasabi nya. Damn. I'm so into him.
Good thing din na hindi punuan at three seats away kay Mikael ang nasa hilera namin na may nakaupo. Wala pa sa kalahati mg movie, ubos na namin yung pagkain.
Well, halos ako actually ang kumain.
"You want to get some more?" Bulong nya, tukoy sa pagkain.
Gusto ko pa sana, pero thinking na aalis sya kahit sandali, mas ayoko. Kaya tumanggi na lang ako. Humilig sya ulit sa balikat ko. I bit my lower lip.
Nag iiyakan na yung nasa screen pero ako todo ngiti sa kilig. s**t.
Magka holding hands kami na lumabas ng sinehan after the movie ended. Gusto ko na batukan sarili ko kaka ngiti. Mas naging intimate na nga kami before. Hell, nagsex na kami ng ilang ulit but this simple gestures such as holding hands.. iba talaga. Mas nakakapaso.
"Oh, great!.” Sabi ko nang mapadaan kami sa isang shoe store at nakita ko si Beth.
Hinila ko si Mikael pero pag tingin ko ulit ay nagtama ang mga mata namin. Automatic na binitawan ko ang pagkakahawak sa akin ni Mikael. Madaming tao at mga mukha lang namin ni Beth ang visible lalo na at nasa harap sya ng shelf ng sapatos.
"What the hell?" Nagtataka na sabi ni Mikael.
"Wait. Dyan ka lang. Wag ka aalis. Wag ka lalapit." Hindi tumitingin na sabi ko sa kanya.
Wala na sya nagawa nang lapitan ko si Beth.