Chapter 5.

2838 Words
"You sure, gusto mo na mag work agad?" Nilingon ko si Mamsi habang nagta type ako sa laptop ko ng resume ko. Nasa sala ako at busy naman sya sa pag gawa ng cupcakes. First anniversary kasi ng Purple Vanity Quezon Avenue branch bukas, so magpapa cater sya ng kaunti at cupcakes for dessert. "Opo, Mamsi. Para habang maaga makaipon po ako." "Aba, ayos yan. Saan mo balak mag apply?" "Hindi ko pa po alam, Mamsi. Magpapasa na lang muna ako ng mga CV ko, tapos maghihintay ako ng reply." Kibit balikat ba sabi ko. It's been two weeks since we came back from Puerto Galera and Mikael's memories still haunts me. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko na mag trabaho ay para may pagka abalahan na rin ako para mawaglit ko na sa isip ko si Mikael. I feel so stupid for obsessing over a guy na twice ko na naka s*x, pero wala akong alam sa kanya. His f*******:, kahit na friends na kami, bago lang din pala. Almost four months pa lang mula ng ginawa iyon. Now I am not sure kung sa Benilde ba talaga sya nag aral, although refined naman sya kumilos at naka chedeng pa. Isa pa, tama rin ang desisyon ko na wag magpaka gaga sa kanya dahil obviously ay may ibang business sya sa Puerto Galera with that brown haired girl. In-unfriend ko sya sa f*******: tapos naka block ang number nya sa cellphone ko. Pero nakaka disappoint pa rin dahil parang hindi talaga sya nag effort na magtext o tumawag ulit. The more na lalong na boost ang reasoning ko na dapat kalimutan ko na sya. Charge it to experience, ika nga. And I will just charge him to my experience. Siguro naman hindi ko na sya ulit makakasalubong o makikita pa? Sobrang coincident naman kung magkaka kita pa kami ulit. After two days, may nag reply sa akin from a magazine publishing company. Need daw nila ng interns sa Marketing team nila and they gave me the schedule and time na pwede nila ako ma accomodate. As far as I know, I did well in the interview. Lima kaming ininterview, ako ang pinala huli. Tatawagan na lang daw kung sino makapasa. Hindi ko na inasahan since kapag ganoon ang sinabi, usually hindi ka naman tatawagan. Kasi, kung pasado ka, sasabihin na nila sayo yon that day. Dumaan muna ako sa Pizza Hut para mag lunch bago umuwi. Dumaan na lang din muna ako sa Purple Vanity Ortigas branch since nandoon daw si Mamsi. Napagtripan pa ako ng ilang stylist doon since wala masyado customer. Pinatungan nila ang make up ko at inayos ang buhok ko. Okay lang naman dahil naka kotse naman kami na uuwi ni Mamsi mamaya. "Sabi ko sayo ikaw na lang dapat model ng Purple Vanity. Kita mo yan, oh? Kabog yung nasa tarpauline sa labas." Sabi ng isang baklang make up artist. Tumawa ako. "O.a mo naman, Bakla. Mas pretty pa rin si Ate sa tarpauline." Actually, inaasar na nila ako dati na mag model ako for Purple Vanity. Tinatawanan ko na lang sila. May mga professional naman kasi na kayang kaya na yan. Alas tres ng hapon na kami nakauwi ni Mamsi at may good news na bumungad sa akin nang i open ko ang email ko. For interview na naman ako sa isang travelling agency. Kinabukasan agad. And I was hired. Next week na ako mag uumpisa ng training and I was so excited. Pakiramdam ko, eto na ang moment na magiging responsible na ako. Syempre di titigil ang gimik and such, pero bawas na at hindi na puro pagpapakasaya ang iisipin ko. Gusto ko na maging indipendent financially. Kahit naman binibigay ni Mamsi sa akin ang lahat, now is the time na kahit papaano ay makalaya na sya sa responsibility nya sa akin, although wala ako balak iwan mag isa si Mamsi anytime soon. Two days bago ako pumasok nagka ayaan gumimik, pero tatlo lang kami nila Claire at Sasha. Magbabantay sa hospital si Nella, na confine ang pinsan nya. At si Laurie naman, di pa rin sila bumabalik. One month magbakasyon ang pamilya ni Laurie. Dating gawi, magkikita kita kami sa isang resto para mag dinner. Si Claire, nanamnamin pa daw ang half sem na bubunuin nya pa. Hinahayaan lang din naman sya ng parents nya. Si Sasha naman, anytime pwede i absorb sa botique ng mama nya kapag naka graduate na sya. "Let's not go to a club tonight. Mag chill na lang muna tayo. Tutugtog yung friend ko sa isang bar sa Tomas Morato." Patapos na kami kumain at pinag uusapan na namin kung saan kami pupunta at iyon ang sabi ni Claire. "Pinapunta nyo pa ako dito sa Ortigas tapos pupunta rin naman tayo sa Morato?" Naiiling na sabi ko. "Kayang kaya ko lakarin mula sa bahay yan eh!" Tumawa ang dalawa. "I doubt maglakad ka." Sabi naman ni Sasha. "I won't, but, well, it means malapit lang talaga." Irap ko sa kanila. Nag tawag na kami ng taxi. Maaga pa, but since hindi naman kami sa club pupunta, we can chill sa kung saan mang bar gusto pumunta ni Claire. Pa minsan minsan, tumatambay rin kami sa mga coffre shops hanggang mag madaling araw. Madalas na uniformed ang porma namin. Halimbawa, kapag napag usapan na magshoshorts, lahat kami naka shorts. Kapag dress, dress. There should always be one common item sa amin. Tutal, parepareho naman kami ng motto na if you have it, show it. Wala naman sa amin flat chested, although I am the most blessed when it comes to our chest. Wala pang tumutugyog ng dumating kami kaya nakapag kwentuhan pa kami. Alas otso nagset up ang banda na tutugtog. "What time ba tutugtog yung friend mo?" Tanong ko kay Claire. Halo halo kasi mga kaibigan ni Claire. Di na ko magtataka kung may rockstar man syang kaibigan. May mga kaibigan nga syang artista. Tumingin sa wrist watch nya si Claire. "Malamang alas dose, ganon. Isa sila sa mga main band eh. Yang mga tutugtog ahead, either di regular dito or mga opening lang." Tumango ako. Nang naka set up na ang banda, napakurap ako ng makita kung sino ang huling umakyat sa stage bilang frontman. The brown haired girl na kasama ni Mikael sa Puerto Galera. Di ako pwedeng magkamali. Sa ilang minuto na tinitigan ko ang pictures nila ni Mikael sa f*******:, I'd be damned kung hindi nga sya. The woman's hair was just cut above her shoulders. Matangos ang ilong at halatang may ibang lahi. Runway model type ang katawan nya, matangkad na balingkinitan. Naka suot sya ng yellow tube top dress na hanggang kalahati ng hita nya ang haba tapos itim na boots. She was holding the mic stand as if she owns it. May spikes yung leather belt nya at kitang kita ang tattoo nya sa leeg pababa sa dibdib nya. She looked so damn bad ass. Parang hindi basta basta papatalo. Mikael has tattooes too. "Hey guys! For those who doesn't know us yet, our band is called Royal Rebel. My name is Irina and our first song is a cover of Bamboo's Mr. Clay. Hope you like it." I can clearly tell na pareho sila ng accent ni Mikael, mas heavy nga lang sa babae. Di ko ma pin point kung ano'ng bansa. And that's another knotch in my chest, knowing na pareho ang accent nila. Shit. Bakit pa kasi kami dito? Or bakit dito pa tutugtog yung babae? Ang ganda pa ng pangalan. Irina. Parang bagay sa kanya yung name ng banda nila, Royal Rebel. Kulang na lang sa kanya, tiara at mukha na syang prinsesa na naglayas sa kanila. Engrossed din sa pakikinig at pagtingin sa babae sila Claire at Sasha habang sumisimsim kami ng juice. Napag usapan namin na mamaya na kami oorder ng cocktail. Natapos ang magandang pagkaka cover ni Irina sa kanta. She's pretty tapos talented pa. Bigla tuloy ako nainis sa sarili ko. Bakit kasi di man lang ako marunong kumanta? Ni tumugtog ng kahit ano'ng instrument di ako marunong. Puring puri yung dalawa kay Irina, tumatango na lang ako. I don't wanna hate the girl. Malay nya ba naman sa amin ni Mikael. Too bad lang, kung sila ni Mikael dahil may nangyari sa amin habang sila. Naka limang kanta si Irina, three out of five ay request ng mga customers. Nang matapos ang set nila ay sinundan ko ng tingin si Irina as she went down the stage. Binundol ng kaba ang dibdib ko when I saw her hug someone. Nakatalikod at naka suit ang lalaki pero sigurado ako na si Mikael iyon. Napayuko lang ako. "Hey, you okay?" Yinugyog ni Claire ang balikat ko. "Huh? I'm fine." Agad na sagot ko. "Kanina ka pa parang wala sa mood. First job jitters?" Natatawa na tanong naman ni Sasha. Tumawa lang din ako. "I guess." Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, wondering if nandoon pa rin si Irina at si Mikael. They are still standing at the same place, pero this time, naka tingin na sa akin si Mikael. Umiwas ako ng tingin. Dim ang ilaw sa bar pero makikilala ako ni Mikael kung ako nga ang tinitingnan nya, just as easy nang makilala ko sya. "Order na tayo ng cocktail." Sabi ko sa dalawa. Agad naman na nagtawag ng waiter si Claire. Nagpa cute pa si Claire dahil cute ang waiter na lumapit sa amin. "Seriously, Claire?" Pinandilatan ko sya ng mata nang nahihiya na umalis na ang waiter ng maka order na kami. "What? I was just being playful." Patay malisya na sabi nya. "Tigang ka na ba, Claire?" Tapos humalakhak si Sasha. "Gaga. Cute lang yung waiter." Claire hissed. Para ako'ng na stiff neck dahil hindi ako tumitingin sa kanan na side. I was so afraid na maka encounter ko ulit si Mikael. I am crazy enough para hanap hanapin sya, I am trying my best para di ko na sya maisip, tapos parang paliit ng paliit naman ang mundo para makita ko na naman sya. After a while, dumating yung order namin. Naaliw naman kami sa pangalawang banda na sumalang, reggae naman ang tugtugan nila kaya di kami nainip. "Excuse me, di kami umorder nito." Nagtataka na turo ni Claire sa malaking plato na puno ng seafoods at grilled pork. "Maam, may umorder po nyan for Maam Resha daw po. Settled na rin po ito lahat. " Sabi pa ng waiter. Claire and Sasha gasped. Tumaas ang kilay ko. "Sino naman?" Tinuro ng waiter si Mikael na naka tingin sa amin habang naka sandal sa bar counter. Irina is nowhere to be seen. He was holding a bottle of beer, tinaas nya pa iyon nang makita na lahat kami lumingon sa kanya. He looked so dashing and so freaking hot in his suit. "Shit." I greethed my teeth. "Who the hell is that hunk, Resha? Kilala mo?" Agad na tanong ni Claire nang makaalis na ang waiter. "Look! Ang gwapo. Sino sya?" Si Sasha naman. Nakangiwi ako. "Er.. Basta." "Pwede ba naman na basta? Oh, he's heading this way." Biglang pumormal ng upo ang dalawa. Mariin lang ako na pumikit. This is not happening. "Hi." Si Claire ang unang bumati. "Upo ka." Ramdam ko na ginalaw nila ang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Sasha. "I'm Kael." Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko na naman ang boses nya. "I'm Claire and this is Sasha." Unti unti akong nagmulat ng mata pero nakayuko pa rin ako. Ayoko tingnan si Mikael. Ramdam ko na siniko ako ni Claire. Agad na nanuot sa akin ang amoy ng cologne nya. The very same smell na nag i stay sa ilong ko tuwing pagkatapos namin gumawa ng milagro. "Resha." One word. My name. Iyon lang naman ang sinabi nya and it already sent shivers down my spine. Unti unti ko syang nilingon. "B-Bakit?" Nakatitig sya sa akin. Unti unting umangat ang mga sulok ng labi nya. "I missed you." Para ako'ng magkaka heart attack bigla. Claire and Sasha's giggles are very obvious. Umiwas ako ng tingin. "Hindi kita na miss." I lied. Kulang na lang hilahin ko sya at this very moment para biglang yakapin at halikan. But that would be wrong. Very wrong. The second band is done playing, at mukhang wala pang susunod dahil walang nag seset up. Imbes ay narinig ko na tumawa sya. "Still mad, I see." Bulong nya. "Hindi ako galit. Bakit ka ba nandito?" Sana lang mapanindigan ko to'ng pag iinarte ko. "Resha, wag mo naman sungitan si Kael. Pasalamat ka na nga at inorder nya tayo." Biglang sabi ni Sasha. Biglang ang bait bait ng bruha. Pinadilatan ko lang ng mata si Sasha at tumawa lang sila ni Claire. "Di naman natin sinabi na umorder sya para sa atin." Giit ko pa. Hindi ako mapakali sa presensya nya. Ang lakas talaga ng dating nya sa akin. "Can we talk?" Imbes ay sabi nya. Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Wala naman tayo dapat pag usapan." He sharply sighed. "I'll wait for you outside." Walang sabi sabi na bigla syang tumayo at naglakad palabas. Sinundan namin sya ng tingin at talagang lumabas sya sa pintuan ng bar. "What the hell is wrong with you? Sundan mo na. Mag usap kayo. Tsaka ka na naman gigisahin for not telling us about that hottie." Yinugyog ni Claire ang braso ko. "Eh!" Iritado na sabi ko. "Wala naman kami pag uusapan." "Ay? Nagmamaganda oh? Mag uusap lang kayo, di ka naman gagahasain." Sabi naman ni Sasha. "Shut up. Kayo na lang makipag usap kung gusto nyo." Nakanguso na sabi ko. "Kung pwede lang. Kaya lang hindi kami ikaw, at ikaw yung gusto kausapin." Claire rolled her eyeballs at me. "Go!" Umiling ako at uminom na lang sa baso ko. "Resha, naghihintay yung gwapo, este tao." Maya maya ay sabi na naman ni Sasha. I crunched my face in disapproval. "C'mon, Resha. Walang mawawala kung kausapin mo sya. Baka may dumagdag pa." Tapos maharot na tumawa si Claire. "This is insane. You don't even know the guy tapos pinipilit nyo ako makipag usap sa kanya? Are we really friends?" Kunwari ay nagtatampo na sabi ko. "Kami nga dapat magtanong nyan. You obviously know each other, pero di mo sya binabanggit sa amin." Agad na sagot ni Sasha. Umirap ako, guilty. "He's a nobody. Hindi nyo naman kasi sya kailangan makilala pa." "Just talk with the damned hottie, Resha. Tapos iwan mo na sya pagkatapos, period. Hindi ka naman kikidnapin." Claire rolled her eyeballs. I exhaled sharply. Kung kanina determined ako na hindi talaga tumayo.. Ngayon nagdadalawang isip na ako. May point si Claire. Why am i making this a big deal eh, pwede ko naman nga iwan nalang bigla si Mikael after namin mag usap. They kept on talking to me at nainis na rin ako, kaya bigla na lang ako tumayo. "Fine! Eto na!" Inis na sabi ko. Now, yung almost two weeks ko na pagmomove on sa kabaliwan ko kay Mikael ay mapupunta lang lalo sa wala. s**t. I saw him standing at the left corner of the bar, sa harap ng isang itim na mazda. Lumapit ako sa kanya, he looked at his wristwatch. "Ten minutes. Wow, you must really be mad." Amused na sabi nya. "Pwede ba? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Babalik na ako pagkatapos." Tumabi ako sa kanya pero hindi ako tumitingin sa kanya. I crossed my arms in my chest at pinanatili ko ang pagsimangot ko. He softly grabbed my arm at pinaharap sa kanya. "I missed you." Naka ngiti na sabi nya. I rolled my eyeballs. "I don't. Is that all?" Babawiin ko na sana ang braso ko pero humigpit ang hawak nya. Tiningala ko sya at nasaksihan ko ang pag fade ng ngiti nya. Napalunok ako. Somehow, I got a bit scared. It's funny na kung kailan hindi kita ang mga tattoo ni Mikael, at mukha pa syang kagalang galang sa suot nyang suit na medyo naging nakakatakot ang aura nya. "Bakit ba gakit ka?" "Di ako galit." Napalabi ako. "Yes, you are. You even unfriended me on f*******:! And I am sure na naka block na ang number ko sa cellphone mo if not binura mo na." Sunod na litanya nya pa. I looked at him sharply. "Why do you care? We just had s*x twice, Mikael. It doesn't mean anything." Pinatatag ko ang boses ko kahit unti unti na na nanghihina ang mga tuhod ko. Kulang na lang isigaw ko ang obvious. We don't know anything about each other. Tapos si Irina pa. Hindi malinaw ano ba sila. At dapat ba may pakealam ako? It was pathetic enough na binigay ko sa hindi ko kakilala ang virginity ko, kinilig pa ako sa kanya. Damn it. He won't let go of my arm kahit na hinila ko ulit iyon. "I'll like it more if the next time you'll say my name, it's because you're under me moaning it in pleasure." Tapos ngumisi sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD