Prologue
Dear Holly,
Before you came into my life, everything was colorless. But when I met you, you gave me one of the most spectacular light shows observed on Earth: the rainbow, as Donald Ahrens put it. Sa isang iglap ay napuno ng kulay ang lahat, napuno ng ganda. All I knew was black and white all my life yet, you introduced me red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet. Saka ko na-realized ang kahalagahan ng mga kulay na iyon nang dumating ka. Pero dapat pala, hindi ko sinanay ang sarili ko sa mga makukulay na bagay na iyon.
When you told me that we’d last, I believed you. And now, I’m broken because of that. Dahil tulad ng isang bahaghari, naglaho ka rin. Pero ang tanga-tanga ko. Araw-araw pa rin akong naghihintay sa pagdating ng bahaghari kahit na alam kong hindi naman iyon araw-araw na magpapakita. Everything in my life had been stormy since you left. Please be like the rainbow that you are and appear in my sky once more.
Holly, hindi ko alam kung anong nagawa ko. Saan pa ba ako nagkulang? Binigay ko naman ang lahat pero nawala ka pa rin. Bumalik ka na, utang na loob. I’m not used with the black and white life anymore. You shouldn’t have introduced me to the rainbow in the first place if you’re not going to stay as you promised. Iwanan mo na siya. Sa akin ka na lang uli. Dahil hindi ko na kayang wala ka. I’ll die, Holly.
Athan
Nagtagis ang mga bagang ni Aleron matapos mabasa ang sulat na ginawa ng nakababatang kapatid para sa babaeng ginamit at pinaglaruan lang ito. Ni hindi na nito nagawang ibigay ang sulat na iyon. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto ni Athan. Puno iyon ng mga litrato ng dating girl friend nito. Nagsikip ang dibdib niya nang mapatingin sa kama nito. Sa isang iglap ay bumalik sa kanyang isip ang nasaksihang anyo roon ng kapatid noong nakaraang linggo.
Wala nang buhay si Athan nang madatnan ito ni Aleron sa townhouse nito. Naglaslas ito ng pulso. Bukod pa roon ay nalaman niyang naibenta na rin nito ang ilang mga gamit nito roon gaya ng grand piano nito at ang koleksyon nito ng mga paintings mula sa sikat na mga pintor. Nalaman rin ni Aleron na wala nang laman ang bank account ng kapatid. Nang mabasa niya ang journal nito ay saka lang nasagot ang mga tanong niya.
Napahugot si Aleron ng malalim na hininga. Sa lahat ng iyon ay isang babae lang pala ang puno’t dulo, ang babaeng parating sinusulatan ng kanyang kapatid na nagngangalang Holly Lejarde.
All these for one woman? Damn it, Athan. Hindi ka na natuto. Nag-init ang mga mata ni Aleron. Ibinalik niya ang mga mata sa isang nakakwadradong larawan sa bedside table. Pinakatitigan niya ang nakangiting mukha ng babae roon. Napakaganda at napakainosente ng anyo ng babae. Sino ang mag-aakala na sa likod ng mukhang iyon ay nagtatago ang isang walang pusong nilalang? I told you never to fall for a woman’s innocence, Athan. Because that can lie. Pero nabiktima ka pa rin.
Lumapit si Aleron sa nakakwadradong larawan at iniangat iyon. “I don’t usually play games, Holly Lejarde. But you have awakened the player in me. Hindi ka marunong maglaro ng patas. Pwes, tuturuan kita kung paano.”
Chapter One
“HONEY, google ka ba?”
“Bakit?”
“Dahil nasa sa ’yo na ang lahat ng hinahanap ko.”
Nabulunan si Holly sa narinig na palitan ng mga salita ng mga magulang. Agad na tinanggap niya ang isang basong tubig na inabot ng isa sa mga nag a-assist na kasambahay sa dining area ng mansyon ng mga magulang. Matapos makainom ay naiiling na nahaplos niya pa ang bahagyang nanakit na lalamunan sa kabila ng paghahagikgikan ng mga kasambahay na alam niyang sanay na sanay nang nakaririnig ng kung anu-ano mula sa kanyang ama.
Pinagmasdan ni Holly ang mga magulang. Nagsusubuan pa ang mga ito sa harap niya. Kung tutuusin ay lumang-luma na ang ginamit na pick-up line ng kanyang ama pero hayun at kilig na kilig pa rin ang kanyang ina. Sa huli ay napangiti na lang si Holly. Kay sarap pagmasdan ng mga magulang. Parang bagong kasal parati ang mga ito kahit na halos tatlumpung taon nang nagsasama ang mga ito.
Ang mga magulang ang dahilan kung bakit naniniwala si Holly na may forever, ang mga ito ang mga role models niya. Dalangin niyang sana ay may mahanap rin siyang tulad ng kanyang amang si Alfar na sa kabila ng pagiging abala sa pamamahala ng Lejarde Hydro Power Corporation na ito pa mismo ang nagtatag ay nananatiling may oras pa rin para sa pamilya. Sayang nga lang at kapag nagkikita-kita sila para sa kanilang family dinner tulad ng mga sandaling iyon ay hindi sila kumpleto.
Lumipat ang mga mata ni Holly sa bakanteng silya sa tabi niya. Hailey… nasaan ka na ba? Bigla ay na-missed niya ang kakambal. Identical twins sila ni Hailey pero mas matanda ito sa kanya ng ilang segundo. Moderna si Hailey, may pagka-pilya, papalit-palit ng boyfriend at layas. Hindi sila gaanong malapit sa isa’t isa na sa palagay niya ay dulot ng magkaibang mga pananaw at ugali nila pero hinahanap-hanap niya pa rin ito. Iba ang mga kaibigan nito sa mga kaibigan niya. Mahirap hagilapin si Hailey lalo na at tulad niya ay hindi na ito sa mansyon nakatira.
Sumama ang loob ni Hailey sa mga magulang nila kaya umalis ito sa mansyon ilang bwan na ang nakararaan dahil napag-alaman nitong kailangan na muna nitong magpakasal at magkaroon ng anak bago nila makuha ang kani-kanilang mga mana. Hindi iyon problema kay Holly dahil maganda naman ang kinikita niya mula sa pagsusulat. Pero iba si Hailey.
Bente-otso na sila pero wala pa ring matatawag na matatag na trabaho ang kakambal. Mainipin ito at parating parang hindi mapakali. Apat na taon pa lang simula nang makatapos si Hailey sa kolehiyo dahil nakailang palit ito ng kurso. Nakapagtapos ito sa wakas ng Fashion Design pero sa Broadway ang pinasok nito. Pagkalipas ng dalawang taon ay bumalik si Hailey sa Pilipinas mula sa New York. Pa-extra-extra ito sa pagmomodelo sa bansa hanggang sa maisipan nitong magtayo ng boutique na hindi nagtagal ay nagsara rin. Binigyan pa ito ng puhunan ng kanilang ina para ibangon ang boutique nito. Ang problema ay hindi na nito sinubukang buksan pa uli ang negosyo nito pero hindi na nito isinauli pa ang pera sa kanilang ina.
Unlike Holly, Hailey loved to party. Mahilig rin ang kakambal sa mga magagarbong bagay kaya hindi na siya magtataka kung doon napunta ang ibinigay ritong pera ng ina. Dalawa lang silang magkapatid. Creative Writing ang kinuha ni Holly na kurso at naging manunulat rin kalaunan gaya ng kanyang ina. Wala sa kanila ni Hailey ang nagboluntaryong pamahalaan ang Hydro Power Corporation nila kaya hanggang ngayon ay nakatali sa kompanyang iyon ang kanilang ama. Kahit na hindi maikakailang nadismaya ang huli sa pinili nilang mga career ni Hailey, sa huli ay sinuportahan pa rin sila nito.
“Any news for Hailey, sweetheart?” Anang ama nang para bang sa wakas ay naalala ang presensiya ni Holly.
Napailing siya. “Wala pa rin, dad.”
May tatlong bwan na ang nakararaan nang huling makita ni Holly ang kakambal. Nangyari pa iyon nang ibenta nito sa kanya ang townhouse nito. Eksakto namang naghahanap na rin siya ng malilipatan noon dahil gusto niya na ring magsarili. Hindi niya alam na may naipundar palang townhouse si Hailey pero maganda at elegante ang bahay nito. Nagustuhan niya iyon kaagad kaya binili niya na rin kalaunan. Kasama na ang mga gamit roon sa ibinenta ng kakambal sa kanya. Pero kalahati pa lang ang naibabayad niya roon dahil kinapos ang ipon niya mula sa pagsusulat. Ganoon pa man ay tinanggap pa rin ni Hailey ang ibinayad niya. Wala pa siyang reklamo na narinig mula rito sa pagkagulat niya. Pagkatapos niyon ay bigla na lang itong nawalang parang bula-gaya ng dati.
Sa kasalukuyan ay sa biniling townhouse na nakatira si Holly. Kopya pa lang ng titulo niyon ang mayroon siya. Ang orihinal na dokumento ay nasa pangangalaga pa rin ni Hailey. Ibibigay na lang daw nito iyon kapag nabuo niya na ang bayad. Isang beses kada isang linggo na lang siya kung dumalaw sa mansyon ng mga magulang.
Bumuntong-hininga si Alfar. “Ayokong isipin na masyado akong nagiging mahigpit sa inyo ng kakambal mo. Walang kasiguruhan na parating magiging ganito ang estado ng buhay natin. Things can change. That’s what I’ve learned from your grandparents. Kaya tingnan nyo kami ngayong magkakapatid. Lahat ng Lejarde, nagsikap sa buhay.” Napailing ito. “Your inheritance will secure your future. At ayokong basta na lang iyon ibigay sa inyo. Gusto ko na maging matured na muna kayo.
I wanted you both to get married and have a family so you would have a taste of responsibility. Knowing your sister’s lifestyle, I’m afraid that she would just party and spend all her life. Pero ikaw, Holly, noon pa man ay naiiba ka na sa kapatid mo.” Ngumiti ang ama. “Katulad na katulad ka ng mama mo. At hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng apo sa ’yo. Pero kailan ba?”
Gumanti ng ngiti si Holly sa ama. “Siguro, kapag hindi na traffic sa EDSA, daddy. Gusto kong paniwalaang na-traffic lang siya kaya hindi pa kami nagtatagpo. Hopefully, kapag natupad na ang mga plano ng gobyerno para masolusyunan ang problema sa EDSA ay magtagpo na rin kami. Nakahanda naman akong maghintay.” Mapaglarong kinindatan niya ang mga magulang. “Basta ba katulad mo siya, dad, I don’t mind waiting a little bit more.” Taos sa pusong dagdag niya.
Gusto na ring mag-graduate ni Holly sa pagiging miyembro ng SSBS o Single Since Birth Society. Gusto niya na ring pasukin ang buhay ng may ka-double dahil may pakiramdam siyang kaya na niya. Gusto niya na muling magmahal at mahalin rin sa pagkakataong iyon. Hindi iyong puro sa mga nobela niya idinadaan ang pantasya niya. She believed that she had so much love to give. Romantiko siyang tao gaya ng mga magulang kaya dalagita pa lang siya ay isa na sa mga pangarap niya ang makapagsuot ng wedding dress. Na-postponed ang buhay pag-ibig niya noon pero gusto niyang isiping nagkataon lang na hindi pa iyon ang tamang panahon.
Siguro ay sinusulat pa lang ng Diyos ang magiging love story niya. At handa siyang maghintay.
Pero Lord, pwede po bang ‘wag nyo nang masyadong patagalin? Wala naman po sanang problema sa paghihintay pero sa matris meron. Sayang naman po ang ovaries ko saka ang genes namin. Maganda po ang genes namin, promise. Magaganda at mabubuting mamamayan po ng Pilipinas ang ipo-produce ko. Piping dasal ni Holly bago nagpatuloy na sa pagkain. Natatawa namang sinabayan na siya ng mga magulang.
“I LOVE you, too, Brent. Simula ngayon, ipinapangako kong hindi ka na mag-iisa. Hindi ka na…” Nahinto sa pagtipa si Holly sa kanyang laptop nang makarinig ng malakas na tugtog ng kung anong rock song mula sa kapitbahay niya. Napasulyap siya sa digital clock sa bedside table. Mag a-alas otso na ng gabi. Dapat ay tapos na siya sa sinusulat niya. Ang problema ay kanina pa siya nadi-distract sa bagong lipat niyang kapitbahay.
Simula nang lumipat si Holly sa village na iyon ay ngayon lang mayroong tumira sa katabi niyang bahay at hindi siya sanay lalo na sa ingay. Nocturnal pa man din ang karamihan sa mga gaya niya ang propesyon. Tulog sa araw at gising sa gabi dahil mas pabor sa kanya ang magsulat sa gabi, mas malamig ang panahon at mas tahimik. Pero mukhang kakailanganin niya nang baguhin ang oras niya sa pagsusulat ngayong may kapitbahay na siya.
Kadalasan, hanggang hapon ay tulog pa si Holly pero nabulabog siya dahil sa paglilipat ng mga gamit mula sa kabila. Magsusulat na lang dapat sana siya pero hindi niya kinaya ang paulit-ulit na tunog ng nagpapako roon. Ang akala niya ay mahihinto na ang ingay pagsapit ng dilim pero mukhang lalo pa iyong lumakas.
Gigil na napahugot si Holly ng malalim na hininga. Naglagay siya ng headphones sa magkabilang tainga at nagpatugtog na lang ng mga paborito niyang kanta para bumalik ang momentum niya. Ilang ulit niya pang kinalma ang sarili at saka muling pinagtuunan ng atensyon ang kanyang nobela. Last chapter na siya. Sa isang araw na ang deadline niyon at kailangan niya pang i-edit iyon pagkatapos kaya nagmamadali na siya.
Ilang sandali pa ay dere-deretso na sa pagtipa ang mga daliri ni Holly. Kaunti na lang at mararating niya na ang makasaysayang wakas nang gambalain siya ng sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Katamtaman lang ang volume ng headset niya kaya dinig na dinig niya pa rin iyon.
Kumuyom ang mga kamay ni Holly. Kapag binitiwan niya ang keyboard ay malilimutan niya na ang lahat ng ideyang naiisip niya. At hindi iyon maaari. Kampante naman siyang hindi ang mga magulang o kaibigan niya ang nasa labas dahil mahigpit na ipinagbabawal niya ang pagpunta ng mga ito sa gabi dahil alam ng mga itong oras iyon ng pagsusulat niya. Kung may emergency man ay tatawag na muna ang mga iyon at wala pang tumatawag sa kanya.
Muling ibinalik ni Holly sa monitor ang mga mata pero para bang may galit sa doorbell ang kung sinumang nasa gate dahil hindi na nito tinantanan ang pagpindot roon. Sumasakit ang ulong tumayo na siya. Nanghihinayang na napatitig siya sa laptop. Isang kissing scene na lang… hindi pa ako pinatapos ng tadhana.
Inis na lumabas si Holly ng bahay at hindi na nag-abala pang mag-ayos. Salubong ang mga kilay na dumeretso siya sa gate at binuksan iyon.
“May hinanakit ka ba sa doorbell? Utang na loob naman, isang pindot lang, sapat na-”
“Hi! Pasensiya ka na kung naistorbo kita. Wala naman akong hinanakit sa doorbell pero iyong sikmura ko, meron. I’m terribly hungry. Kaya kahit nakakahiya, nangulit na ako sa ’yo. May alam ka bang pinakamalapit na makakainan rito? Biglaan kasi ang paglipat ko rito. I didn’t have the luxury to look around this place.”
Natigilan si Holly. Her unexpected visitor taught her a very important lesson that evening: iyon ay huwag na huwag lalabas ng bahay nang hindi man lang sinisilip ang sarili sa salamin. Pasimpleng napatitig siya sa sarili. Nakasuot lang siya ng kupas na short at oversized na damit na Hello kitty pa ang disenyo. Iwinasiwas ng bisitang lalaki ang kamay nito sa harap niya pero hindi niya pa rin mahanap ang dila niya.
Napakurap-kurap si Holly. Ang lalaki ang pinakamagandang lalaking nakita niya sa tanang buhay niya. Para itong isang greek god. Dahil sa liwanag na nagmumula sa poste at sa mismong ilaw malapit sa pader sa kanyang gate ay hantad na hantad sa kanya ang itsura ng lalaki. He had deep blue eyes; mga matang para bang napakaraming gustong sabihin. Bumagay rito ang makakapal na mga kilay nito. Maganda ang matangos nitong ilong at maninipis ang mga mamula-mulang labi. Malayo ang agwat ng mga kulay nila dahil mestizo ito samantalang morena naman siya. Mula ulo hanggang paa ay naghuhumiyaw ang banyagang dugo ng lalaki.
Alon-alon ang light brown na buhok ng lalaki na umaabot hanggang sa malalapad na mga balikat nito na nakahantad sa kanyang mga mata dahil wala itong suot na pang itaas. Kitang-kita niya hindi lang ang mukha nito kundi pati na ang kakisigan nito. Bumaba ang mga mata ni Holly sa katawan ng lalaki. Napalunok siya ng makita ang mga pandesal roon. Mabilis niya ring ibinalik ang malilikot na mga mata sa mukha ng lalaki nang marinig ang malakas na pagtikhim nito.
Naramdaman ni Holly ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Napakurap-kurap siya. “Sorry.” Alanganing napangiti siya. “What did you say again?”
Para bang amused na ngumiti ang lalaki.
Nahigit ni Holly ang hininga lalo na nang mapuna ang malalim na dimple ng lalaki sa kaliwang pisngi nito. Kung ganoon ay ang kaharap niya pala ang dahilan ng pag-iingay sa kabilang bahay. Pero hindi na muna mahalaga iyon sa ngayon.
“Itinatanong ko kung may alam ka bang malapit na makakainan rito.”
God… his voice was deep and sexy. Diyos ko, ito na po ba iyon? Ito na po bang lalaki sa harap ko ang sagot sa mga dasal ko? Hindi na traffic sa EDSA! “Meron naman. Marami namang makakainan malapit rito.”
“Kung hindi masyadong nakakahiya, pwede mo ba akong samahan? Don’t worry, I’m harmless.” Bahagyang napatanaw ang binata sa garahe ni Holly na masisilip dahil sa bukas na gate. “May sarili ka namang kotse. Pwede tayong mag-convoy na lang para mapanatag ang loob mo.” Inilahad nito ang palad. “I’m Aleron Silva, by the way.”
Napatitig si Holly sa nagpakilalang Aleron at sa palad nitong nakalahad sa kanya. Kay bilis ng pagtibok ng puso niya nang mga sandaling iyon. Ganoon pa man ay inabot niya pa rin ang palad ng binata. Naramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa kanyang palad. And she swore, she felt a sudden jolt ran through her nerves.
“I’m Holly. Holly Lejarde. And yes, pwede kitang samahan.”
“Are you sure?” Para bang nakahinga ng maluwag na sagot ni Aleron. “Thank God. You looked busy, though.”
“I’m not.” Napailing pa si Holly. “I have all the time in the world actually.” Ikalawang pagkakataon niya pa lang na nakaramdam ng ganoon. And she want to encouraged that feeling, that strange beat in her heart. Dahil gusto niya ang buhay na buhay na pakiramdam na hatid nito sa kanya. Ang nobela, makakapaghintay. Pero ang love life, hindi. “I’ll just go and change for a while.”
Tumango si Aleron pero hindi pa rin nito binibitawan ang palad ni Holly. Mayamaya ay natawa na siya. Inginuso niya ang mga palad nilang magkadikit pa rin. “My hand.”
“Oh, sorry.” Minsan pang pinisil ni Aleron ang palad niya bago iyon sa wakas ay binitiwan. “Magbibihis na rin muna ako. I’ll be back after ten minutes.”
Idinaan ni Holly sa pagtango ang kilig na nadarama. Patalikod na siya nang marinig niya ang pagtawag ng binata sa kanya.
“And Holly?”
Nilingon niya si Aleron. “Yes?”
“I hope you won’t change your mind.”