“I’M SORRY, Athan. I’m sorry that I failed you.” Napahugot ng malalim na hininga si Aleron habang pinagmamasdan ang lapida ng kapatid. Huling araw niya na iyon sa pagiging binata. Dapat ay nagpapahinga na lang siya sa mansyon niya pero hindi siya mapakali. Sa mansyon pansamantalang tumutuloy si Aleron dahil gusto niyang tuparin ang bilin ng mga magulang ni Holly na huwag na muna silang magkikita o magkakalapit ng bride niya bago ang kasal. Bride. Matipid siyang napangiti sa naisip. Wala siyang naging problema sa mga magulang ni Holly. Tinanggap siya ng mga ito ng buong-buo kaya nakokonsensiya siya. Kinabukasan matapos mag-propose ni Aleron kay Holly ay magkasama na nilang pinuntahan ang mansyon ng mga Lejarde para pormal niyang hingin ang kamay ni Holly sa mga magulang nito. Everything c