BINUKSAN na ng gwardya ang malaking gate ng mansyon. Bumuntong-hininga si Aleron pagkatapos ay ipapasok na sana sa garahe ang kotse nang may eksenang bigla na lang lumitaw sa isip niya. “Checkmate!” Nangingislap ang mga matang bulalas ni Holly habang naglalaro sila ng chess. Naiiling na napangiti na lang si Aleron. Hindi pa siya natalo sa chess kahit minsan pero mukhang kumukupas na ang galing niya dahil dalawang beses na siyang natatalo ni Holly ng hapong iyon. Hindi niya alam na magaling pala ang dalaga sa ganoong laro dahil hindi rin iyon nakasulat sa diary ni Athan. Kung tutuusin ay mayroong mangilan-ngilang mga bagay na mukhang nakaligtaang isulat ni Athan tulad na lang ng pagiging malilimutin ni Holly. Noong nakaraang gabi nang sunduin niya ito ay bahagyang natagalan pa sila dah