DEAR ALERON, We have done so much for our relationship to work out. Siguro, panahon na rin para ang tadhana naman ang kumilos kung sakali ngang tayo ang para sa isa’t isa. Dad made me choose. Hindi ko na hawak ang mga sumunod na nangyari. I was torn between you and my family. Pero hindi nangangahulugang dahil wala ako sa tabi mo ngayon at sila ang pinili kong samahan ay hindi na kita mahal. I just needed to fix my relationship with my family first. Kunin na rin natin itong panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin. Naniniwala ako na hindi mangyayari ang mga bagay kung hindi nakatakda. Parang tayo lang. In this random world, sino bang mag-iisip na magmamahalan sina Athan at Hailey? Sino bang mag-iisip na ang dalawa palang iyon ang magiging tulay natin para magkakilal